21.

1.7K 66 14
                                    

21. Celebration.

Tatlong araw na pala ang nakalipas simula ng maoperahan ako, tatlong araw na rin ang nakalipas simula ng pakikipagusap ko kay Yoona. Sa tatlong araw na iyon ay dinadalaw-dalaw na ako ni Seohyun at Miyoung. Minsan ay duon na rin sila natutulog. Ayon sakanilang dalawa, wala pa naman raw alam sila Taeyeon at Jessica sa nangyari saakin, ang alam lang daw nila ay ayos na kami.

Nung una raw ay nagalit si Taeyeon kay Miyoung pero sa huli naman daw ay ipinaglaban niya rin ako.

Sa tuwing ikinukwento ni Miyoung iyon ay natutuwa ako, dahil hindi ko naman hinangad na kampihan at ipaglaban nila, niya ako, pero ipinag tatanggol niya ako. Kahit papaano, nakakagaan ito ng kalooban.

Si Seohyun naman ay nananatiling tahimik, ayaw niyang mag salita palagi pag kasama niya si Miyoung dahil siguro naiilang pa siya rito. Ang akala raw kasi niya, maski si Tiffany unnie niya ay kasama sa nag plano ng lahat. Pero dahil sa sinabi ni Miyoung nung panahong pupunta siya sa kwarto ko ay nawala naman daw ang pang hihinala niya. Inaakala niya rin na maski si Miyoung ay ayaw sakaniya kaya't madalas, nag uusap kami ni Seohyun pag wala si Miyoung.

Sa ngayon ay nasa byahe ako papunta sa dorm ng Girls' Generation, halos mag dadalawang linggo rin akong nawala rito kaya't naisipan kong bumalik na rin.

Itataon kong wala si Sunkyu para kung sakali ay hindi siya mag tanong ng mag tanong.

Ang sabi ni Miyoung ay nag luluto raw siya, ipinilit niya na lang daw mag luto kahit hindi raw siya marunong para raw sa pag babalik ko, para na rin daw sa selebrasyon namin.

Si Yoona ay malamang sa malamang na mamaya pa darating dahil may shooting ito ngayon ng teleserye.

Si Seohyun ay mamaya pa ang balik dahil sa ngayon ay mayroon siyang role na ginagampanan sa isang musical.

Si Sooyoung, hanggang ngayon, ay nag tatampo pa rin saakin, kahit na ilang beses ko ng sinuyo, hindi niya pa rin ako makausap, matingnan, at makipagtitigan sa mata dahil naiilang rin siya.

Kahit na alam kong medyo malabo na, nangangarap pa rin ako na sana, maibalik ang dating pag sasamahan namin ni Sooyoung. Selfish man ang rason, pero hindi ba't mas maganda ng maibalik ang dati?

Ayon sa doktor ang bagong puso raw ay tinanggap na ng katawan ko ngunit kailangan pa ring mag ingat dahil may mga nakikita raw siyang senyales na baka panandalian lang ang bagong puso na gumagana sa loob ng katawan ko.

Sa kahit na anumang sakit o kaya'y hapdi ng sugat kailangan ko raw na ipakita agad ito sakaniya, sa bawat malimit na sakit sa dibdib ay kailangan ko raw ipacheck ito sakaniya, kailangan daw namin makasiguro para maagapan pa.

Hindi na rin ako uminom ng gamot simula kaninang umaga para raw hindi masobrahan ang katawan ko sa medisina.

Mag isa akong nag mamaneho papunta sa dorm ngayon dahil walang libreng mag susundo saakin. Gaya nga ng nasabi ko, si Miyoung ay nag luluto kaya't hindi niya ako masusundo sa lagay na 'to. Naisagawa ko na rin naman na ang mga bagay na dapat gawin sa ospital kaya't wala na akong pinoproblema kundi ang pag balik sa tinutulugan kong tirahan.

Idinala ko na ang sasakyan ko sa parking lot ng dorm na ito at ipinark ito malapit sa pasukan.

Pumasok na ako ng elevator at pinindot ang floor ng kinalalagyan ng dorm namin. Tumibok bigla ang puso ko ng mabilis senyales na kinakabahan ako. Nag karoon rin ako ng kaunting takot sa bawat floor na nilalagpasan dahil hindi ko alam kung nga ba ang pwedeng mangyari.

Isang malakas na tunog ng elavator ang narinig ko, tumingin ako sa unti-unting pag bubukas ng elevatorat nakita ko ang pamilyar na itsura ng mga pintuan rito, pati narin ng mga numero. Andito na ako.

[LOKH BOOK 1] Life of Kim Hyoyeon | comp.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon