15.

2K 74 9
                                    

15. Truth II

Agad-agad akong tumayo at kinuha yung dextrose ko, dire-diretso akong nag lakad papunta sa banyo. Maliit lang rin naman kasi ang kwarto ko, kaya't agad rin akong nakapunta sa banyo. Biglang sumakit ang likod ko at nandilim ang paningin ko. Biglaan rin kasi akong tumayo.

Hinawakan ko na ang doorknob at ipinihit ito, laking tulong na rin na hindi ito na lock ni Tiffany.

Tiningnan ko ang kobeta, inilibot ko ang paningin ko. Nakahiga lang si Tiffany sa sahig, hinimatay ata ito.

Lumapit ako sakaniya at kinalabit siya, hindi ko kayang buhatin siya ngayon dahil sa kondisyon ko. "Miyoung." Kinalabit ko pa siya ng isang beses.

Hinawakan ko ang pulso. Tumitibok pa naman.

Hindi siya gumagalaw, tama nga ang hinala ko. Nahimatay siya. Tiningnan ko ang braso niya, puro pasa. Maski binti niya, puro pasa. Binugbog ba to?

Kinalabit ko ulit siya ng isang beses. "Miyoung, gumising ka. Hindi ko kayang buhatin ka."

Hindi pa rin siya gumagalaw. Hindi ko siya pwedeng iwan dito. Kailangan niya rin maka langhap ng sariwang hangin.

Tiningnan ko ang kaliwang kamay ko, may nakaturok ditong karayom at may mahabang hose ito na naka dugtong sa dextrose na nakasabit sa bakal na hawak-hawak ko.

Nag isip rin ako ng medyo matagal at diretsong tinanggal ang karayom na nakaturok sa kaliwang kamay ko. Nakaramdam ako ng hapdi at sakit, at nakita kong tumutulo ang likidong nang gagaling sa bote sa taas.

Hinawakan ko ang bewang ni Tiffany at hinila siya pataas. Nakaramdam rin ako ng sakit sa bandang balakang ko pero pinabayaan ko na lang. Dire-diretso ko siyang itinayo ay hinayaan ang pag hapdi ng sugat ng karayom sa kaliwang kamay ko. Idinala ko siya sa higaan ko, tiningnan ko lang ang mukha niya.

May mga bahid ito ng luha, pinunasan ko ito. Ayokong makitang umiiyak si Miyoung. Tiningnan ko rin ang braso niya at mga binti niya, hindi nga ako nag kamali. Puro pasa ito. May ibang nangingitim na, may ibang pawala na. Mukhang malala ang mga pasa na natamo niya, bakit ba ngayon ko lang to nakita?

Hindi ko alam kung tatawag ba ako ng nurse, kung iiwan ko naman siya dito, baka magising siya at hanapin ako. Pag hindi ko naman tinawag, mamaya kung ano ang mangyari sakaniya.

Tiningnan ko ang orasan sa kanang bahagi ng kwarto na ito, malapit na rin pala ako bisitahin ng nurse dito. Hintayin ko na lang.

Makalipas ang ilang minuto ng paghihintay, may pumasok na naka puti sa silid na ito at nagulat siya bigla.

"Miss Kim, bakit mo po tinanggal yung karayom?" Nag papanic niyang sabi.

Dali-dali siyang pumunta sa pintuan ng kobeta at kinuha ang naiwan ko g dextrose.

"Ano kasi, nahimatay siya, hindi ko naman mabuhat kaya tinanggal ko." Pag eexplain ko ng mahinahon.

Unang-una sa lahat bakit ba ako naka dextrose, inatake lang naman ako kaya hindi ko na kailangan niyan.

"Nahimatay siya?! Ngayon lang po ba Miss Kim?" Binitawan niya ang hawak-hawak niya na dextrose at lumapit kay Tiffany.

Hinawakan niya ang leeg, at kinapa ang pulso. Hinawakan niya rin ang kanyang noo, para na rin siguro makuha niya ang temperatura nito. Hinawakan niya ang braso, at mukhang nagulat siya sa mga pasa.

"Ngayon-ngayon lang naman, ano bang meron? Bakit puro siya pasa?" Tanong ko habang umuupo ako sa upuang nakatabi sa higaan.

Napatingin siya bigla saakin at ibinalik niya ang tingin niya sa mga binti ni Tiffany.

[LOKH BOOK 1] Life of Kim Hyoyeon | comp.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon