25.

1.6K 97 26
                                    

25. Taeyeon's POV

(Ito na ang matagal niyo ng hinihintay.)

Tatlong taon na ang nakalipas, simula ng kausapin ako ni Jessica tungkol sa problema niya kay Hyoyeon. Hindi pa naman tungkol iyon sa hindi pag pansin kay Hyoyeon pero may malaking problema talaga siya kay Hyoyeon.

Wala rin naman siyang balak sabihin saakin.

Nung una, umayaw ako, dahil sobrang taas ng tingin ko kay Hyoyeon. Sobra sobra, na maski ako mismo, ikinukumpara ko ang sarili ko sakaniya.

Kung siya nga ba ang naging lider ng grupo na 'to, hindi na ba mangyayari yung nangyayari ngayon?

Kung siya nga ba and naging lider ng grupo na 'to, magiging mas payapa na ba ang relasyon namin sa isa't isa?

Iyan ang lagi kong tanong sa sarili ko. Hindi ko naman maidedeny, magaling si Hyoyeon sa lahat. Halos lahat ng myembro ko, siya ang hinahangaan.

Tutal may dahilan naman kasi talaga para hangaan si Hyoyeon.

Hindi lang siya yung lider na masasabi mong, 'Ah lider ka?'.

Hindi siya ordinaryo.

Marunong siyang sumayaw, kumanta, mag rap, marunong siyang mag luto, may kabutihan siya ng loob, nasa kanya ang pag panig ng myembro at kung tutuusin, nasa kanya na ang lahat.

Pag may guesting kami, siya lagi ang dahilan ng pag tawa. Siya ang nilalapitan ng mga myembro ko pag may problema sila, maski ako lumalapit sakaniya. Marami rin siyang kaibigan, kaya maraming nag mamahal sakaniya.

Tama, nasa kanya na ang lahat.

Pero dahil nasa kanya na ang lahat, maski ibang tao kinukumpara ang pagiging lider ko, sa kung ano nga ba ang mangyayari kung siya ang magiging lider.

Ikinukumpara nila ang kakayahan ko sa kakayahan ni Hyoyeon.

Nagagalit ako dahil doon. Dahil hindi ko kayang maging siya, hindi ko kayang bigyan ng matitinong salita ang mga myembro ko tulad niya.

Dahil kahit ako ang pinaka matanda, ako ang lider, natatakot pa rin ako sakaniya.

Dahil kahit na sinasabi kong ako ang may pinaka mataas na rango saaming siyam, lahat kami ay sumusunod pa rin sa kung ano ang iutos niya.

Kahit na sinasabihan ko siya ng masasakit na salita, sa kaloob-looban ko ay nirerespeto ko pa rin siya.

Dahil hindi ko naman idedeny na hanggang ngayon, kahit may masasakit siyang sinabi, hinahangaan ko pa rin siya.

Dahil hindi ko masisi ang sarili ko, siya ang sinisi ko.

Dahil sa kagustuhan kong laging maging tama, humahanap ako ng dahilan at paraan para maging mali siya.

Sinisisi ko siya kung bakit ganito ang nangyayari dahil kung hindi naman siya hinangaan ng mga myembro ko, hindi ako magiging ganito. Hindi kami magiging ganito ngayon ni Jessica. Siguro, pati na rin si Yuri.

Kung hindi ko siya hanahangaan, edi sana hindi ako ganito.

Lahat tayo, kami, may iba-ibang rason.

Sa sobrang galing niya, nababaliwala ako. Sa sobrang galing niya, hindi na nila ako napapansin. Hindi na nila napapansin yung kaya 'kong gawin.

Kasi lagi na lang si Hyoyeon.

Dahil inagaw na niya ang lahat saakin.

Noon pa lang ay gusto ko ng makilala ang kapatid ko, yung kapatid ko sa ibang pamilya.

[LOKH BOOK 1] Life of Kim Hyoyeon | comp.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon