18.

1.6K 80 5
                                    

18. Truth III

Isang mahinang pag hinga ang naririnig ko sa gilid ko. Nagising rin ako dahil rito. Alam kong gabi na rin, at mula kaninang umaga ay hindi ako kumain. Wala rin kasi akong gana.

Iba ang simoy ng hangin, mas lumamig ito kaya't alam kong gabi na. Sa bawat pag hinga na naririnig ko, ay siyang pag pigil ko sa mga mata kong bumukas.

Panibagong pangongompronta nanaman ata ang mararanasan ko. Konting oras na nga lang bago maisagawa ang operasyon, tsaka nila ako kinompronta ng kinompronta.

Mula kahapon ay iyak narin ako ng iyak, kahit papaano nakakasawa na.

Ang kalmado ng pag hinga niya, mukhang tulog ata.

Iminulat ko na ang mga mata ko. Magiging ligtas naman siguro ang gagawin ko.

Inilinga ko ang ulo ko, sinusubukang wag magalaw ang taong nasa gilid ko.

"Unnie." Mahinang sabi niya.

Akala ko ba tulog siya?

Lumingon ako sa kaliwa ko, kung saan ko narinig yung boses na pinanggalingan ng salitang narinig ko.

"Wag ka mag alala, hindi kita tatanungin ng kung ano-ano. Mag pahinga ka na lang muna." Mas lumalim ang boses niya.

"May gusto ka bang tanungin?" Mahina ko ring tanong.

Gusto kong malaman yung mga bagay na gusto niyang malaman. Hindi ko kayang ganituhin si Seo. Paborito ko man si Yuri pero si Seo, iba siya sa lahat. Ibang iba siya kay Sooyoung.

"Mag pahinga ka na lang muna. Alam kong hindi mo pa kaya." Malumanay niya pa ring sagot saakin.

Bakit ba hindi ko napansin na si Seohyun yung kasama ko dito kanina pa.

"Ngayon na maknae." Utos ko naman.

Gusto ko ring malaman niya yung mga bagay na pinag tataka niya dahil si Seohyun yung kausap ko. Hindi ko kakayanin kung makita ko ring nahihirapang umintindi si Seo. Kailangan niyang maintindihan ang sitwasyon dahil dapat umpisa pa lang ipinaintindi ko na sakaniya.

Dahil malamang, nahihirapan siya sa nangyayari. Siya ang pinaka bata, inaasahang may kakampihan siya.

"Gusto mo ba talaga?" Wala akong narinig na unnie sakaniya.

Itinango ko ang ulo ko, senyales na gusto kong malaman yung mga itatanong niya.

Agad niya rin naman naintindihan at huminga ng malalim. Nakita kong bumuka ang bibig niya pero wala akong narinig na kahit na anong tunog.

Bumibilis ang tibok ng puso ko, kasabay ng pag galaw ng mga mata ko papunta sa kinalalagyan ng mga mata niya.

Inaninag ko ito kahit na may pag ka madilim ang kwartong kinauupuan namin.

"Bakit-" Agad siyang napatigil sa sasabihin niya.

Inaninag ko ulit ang mukha niya.

May luhang tumulo galing sa mga mata niya. Kasabay rin ng pag lunon ng laway niya na naging dahilan ng pag tigil ng kanyang pag sasalita.

Napaupo agad ako dahil sa panic na naramdaman ko, maski si Seohyun umiiyak na rin sa nangyayari.

"Ikaw, bakit? Bakit inilihim mo? Bakit ganito?" Mahina niyang bulong.

Pinunasan niya ang mga luhang tumutulo sa pisngi niya. Gaya ng sabi ko, ayokong nakikita silang umiiyak. Hindi ko alam kung anong gagawin ko, kung dapat bang sabihin ko yung totoo o baka dapat sisihin ko nanaman ang sarili ko dahil tulad ni Soo, iniidolo niya ako, pero kailanman hindi ko magawang ibalik iyon.

[LOKH BOOK 1] Life of Kim Hyoyeon | comp.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon