30.

2.1K 83 44
                                    

30.

(Mahal ko kayo guys! ❤️)

Kada daplis ng kung ano-ano man ga bagay sa kahit anong parte ng balat ko ay masakit. Senyales na ba 'to?

Naririnig ko ang boses ni Taeyeon. Yung boses na hinintay kong marinig muli sa loob ng tatlong taon.

Kumakanta siya ngayon sa tabi 'ko.

"Taeng, indestructible nga."

Hindi ko na kayang taasan at lakasan ang boses ko. Sobrang nanghihina na ako.

Pang ilang araw ko na ba dito simula ng umamin si Jiyong saakin? Limang araw?

"Indestructible?"

Inulit ni Taeyeon ang sinabi 'ko. Tiningnan ko ang mukha niya, ayoko mang pansinin, pero sobrang lungkot niya.

Pinipigilan niya ang mga luha niya.

"Okay lang ba sa'yo?"

Mukhang hindi niya kaya kantahin ang nirequest 'kong kanta.

Tumango naman siya saakin at hinawakan ang kamay 'ko.

"Hmm. Kung para sa'yo."

Ngumiti naman siya sa hulihan, kahit na alam kong hindi niya na kaya.

Inumpisahan niya na ang pag kanta niya, hindi ko na rin siyang kayang sabayan ngayon, wala na ring boses na lumalabas galing sa bibig 'ko.

"This indestructible unbreakable, bonds that can never be broken."

Sinabayan ko siya kahit puro hum na lang ang maririnig saakin.

Pumikit ako, para damahin yung kinakanta niya. Kahit para na lang sa huling pag kakataon, marinig kong muli ang magandang boses ng kapatid 'ko.

"Our soul is a twin soul. For example, even if it looks like you're about to fall from a cliff."

Naririnig ko ang pag iba-iba ng tono ng pag kanta niya.

Hindi ko na ring mapigilan ang sarili ko, naluha na ako sa nangyayari. Kasabay ng pag bagsak ng luha niya sa kamay 'ko, bumagsak rin ang mga luha ko kahit nakapikit ako.

Tumigil siya sandali sa pag kanta.

Alam 'kong pinupunasan niya ngayon ang mga luha sa pisngi niya, lalo ng alam niyang nakapikit ako.

Kinukuha niya na yung pag kakataon para hindi ko siya makitang nasasaktan na sa nangyayari. Para hindi ko siya makitang nasasaktan.

Alam niyang, ayokong makita silang umiiyak. Pero kailangan ko siyang hayaang umiyak.

"At least know that I won't-"

Tinuloy niya pa rin ang chorus ng kanta. Alam niya ring paborito ko ang parteng iyan.

Pero kahit na pumipiyok siya sa mga nota, nagagandahan pa rin ako sa pag kanta niya.

"Let go of your hand."

"Let go of my hand."

Nag kasabay kami sa pag sabi ng huling lyrics ng kanta.

Iba ang pinapahiwatig ko sa mga sinabi ko.

Kahit na nasasaktan ako, gusto kong tumingin si Taeyeon sa iba pang parte ng mundo.

Gusto kong bitawan niya na ako.

Mas hinigpitan niya ang pag hawak sa kamay 'ko.

Iminulat ko ang mga mata ko at nakita kong nagulat siya sa mga sinabi 'ko.

[LOKH BOOK 1] Life of Kim Hyoyeon | comp.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon