Chapter 7

1.4K 30 3
                                    

Chapter 7

Pagkarating sa loob ay dali - dali niya itong dinala patungo sa kanyang kwarto. Marahan niya itong inihiga at nagmamadaling tinawagan ang kanyang personal doctor upang matingnan ang tunay na kalagayan nito.

"Hello Mr. Montefalco napatawag po kayo?"tanong ng nasa kabilang linya.

"Pumunta ka ngayon din sa isla Montefalco may emergency."aligagang sabi nito sa kausap.

"Alam nyo namang malayo iyan Mr. Montefalco tsaka may pasyente pa akong inooperahan ngayon."alanganing saad nito.

"I pay you triple more than of your salary and don't mind how far Isla Montefalco just come here. I'll take care of everything it's emergency."Hindi mapakali na nitong saad.

"Okay! I'll come."

Hindi na sumagot si Ace bagkus ay pabalik balik itong naglakad sa may paahan ng kama kung saan nakahiga si Jasmine.

Sa labas naman ng resthouse nagtatalo - talo naman ang mga kaibigan ni Ace kung sino nga ba ang mauuna papapunta sa kwarto nito.

"Ryle ano ba mauna ka ng pumasok sa loob."anas ni kenjie habang tinutulak papasok si Ryle.

"Ano ba ayuko! Ikaw ang pumasok bakit nanunulak ka?"asar na saad nito habang pilit kumakawala sa pagkakatulak ni Kenjie kanyang likuran.

Saglit naman silang napatigil ng magtanong si Kiyo sa kanila.

"Teka nga nalilito ako bakit naging ganun bigla si Ace noong makita niya yung babae kanina?"tanong ni Kiyo sa tatlong kaharap.

Namumungalan namang sumagot si Kenjie dahil sa kinakain nitong junkfoods "Baka may - utang yung babae sa kanya hindi kaya?"kaswal na saad nito.

"Kinjie hindi ka nakakatulong."Dumakot si Kiyo sa junksfood na kinakain nito tsaka sinupalpal sa bibig ng kaibigan.

Sandali naman itong napatanga at ng makabawi ay lukot na lukot ang mukha nitong tumitingin kay Kiyo.

"A-ano ba parang t*nga naman to hindi mo na kailangang isubo sa akin kumakain na nga ako diba?"pagkuway saad nito.

"Tss.. mga isip bata."saad ni Seb bago tuluyan ng pumunta patungo sa kwarto ni Ace habang naka pamulsa.

Naalarma naman si Ryle at patakbong sumunod dito.

"Grabe ka Seb parang wala tayong pinag samahan teka lang."habol naman ni Ryle rito.

"Uyy..uyyy... mga walang hiya hintayin n'yo ko."habol rin ni Kiyo sa mga ito.

Naiwan naman sa may sala si Kenjie at patuloy na lumalamon hindi niya alintana na siya na lang mag - isa ang naroroon.

Nang makarating sina Seb,Kiyo at Ryle hindi na sila nag - abalang kumatok sabay - sabay silang pumasok sa kwarto ni Ace.

Dali - daling upo si Kiyo sa couch ganun din si Ryle.

Naiwan namang nakatayo si Seb habang matamang nakatingin sa nakaratay na si Jasmine.

Pabalik balik parin si Ace ng maabotan nung tatlo natawagan narin niya ang susundo sa kanyang personal doctor at sinabing on the way na sila patungong Isla Montefalco.

Ngunit kahit ganun ay hindi pa rin mapakali si Ace dahil putlang putla na ang babae na animoy wala ng buhay ng mga samdaling iyon.

Frustrated na frustrated naman si Ace. Dahil bawat minuto ay sobrang tagal na para sa kanya. Napamura na din siya sa pagkakataong iyon.

"F*ck! Why they took so long."sabunot nya pa sa kanyang buhok.

"Relax lang! Ace."pagpapagaan ng loob ni Kiyo dito.

The Unwanted WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon