Chapter 18
Kinabukasan ay maagang gumising si Ace upang ipagluto ng almusal si Jasmine.
Nagluto lamang siya ng fried rice, pancakes, hotdog and ham, fried chicken at iba pa. Nagtimpla na rin siya ng juice,coffee at milk. Hindi niya kasi alam kung ano ang gusto ng kanyang asawa kaya dinamihan na niya.
Alas siyete na ng umaga ng matapos niyang ihanda ang hapagkainan saglit muna siyang nag - ayos ng sarili.
Akmang papanik na siya ng hagdanan ngunit sabay sabay naman na bumaba ang kanyang mga kaibigan.
"Uy! Ace ang aga mo, ano meron?"Bungad na tanong ni Ryle.
Hindi naman sumagot si Ace rito.
"Pagkain!!"sabay sigaw ni Kenjie na akmang papunta sa hapagkainan.
Ngunit nakaharang si Ace kaya hindi ito nakapunta.
"Hep, hindi ko yon niluto para sa inyo para lang yan sa asawa ko."pagdadamot pa nito.
"Titingnan ko lang naman."ungot ni Kenjie tsaka patingin tingin sa hapagkainan.
"Asus, tingin lang daw sa takaw mo na yan" asar ni Ryle rito.
"hmmp...ang damot."sabay tayo sa gilid kung saan medyo malayo na sa hapagkainan.
Nailing na lang si Kiyo at Seb sa inasal nito.
Maya - maya lang ay nagsalita ulit si Ace.
"Mamaya na kayo kumain."saad nito.
"Ano!? Ang laki ng mesa tapos mamaya na lang kami. Hindi pwede yan." Reklamo ni Ryle siya lang naman ang may lakas ng loob na mag demand kay Ace.
"Baka nakakalimutan nyo na may kasalanan pa kayo sakin. "
"Labas kami dyan si Ryle lang ang may kasalanan sayo. "sabi ni Kiyo na nakakaramdam na rin ng gutom.
"Ay,Nagawa ko na yung parusa ko nasa labas na ang private plane na sasakyan nila Ace para mamasyal sa labas ng isla."preskong saad nito.
"Still bawal kayong sumabay. Magluto kayo ng sarili nyo at sa labas kayo kumain. "sabi pa ni Ace sa mga ito sabay panik sa hagdan tsaka nagtungo sa silid niya upang mag - ayos ng sarili.
Naiwan naman ang apat na binata malapit sa hapagkainan at malungkot na nakatayo roon.
Nang makapag - ayos na si Ace ay sunod naman niyang tinungo niya roon ang natutulog pa rin na dalaga.
Dahil hindi naman naka lock ang pinto ay pumasok na siya sa silid. Saglit muna niyang pinagmasdan ito tsaka lumapit at umupo sa gilid ng kama.
Hinaplos niya ang pisnge ng dalaga at inayos ang magulong buhok nito na naka kalat sa mukha.
Naalimpungatan naman si Jasmine dahil dito.
"A-Ace a-anong ginagawa mo?"tanong nito na agad nag pabangon sa dalaga tsaka biglang napayuko.
"Ahm..nothing! Gigisingin sana kita para sabay tayong mag breakfast. "Hindi mapakaling turan nito.
"Ah, susunod na lang ako mauna kana sa baba."
"Okay hintayin na lang kita" pagkasabi niya nun ay mabilis na hinalikan sa noo ang dalaga bago nagmadaling lumabas at nagtungo sa hapagkainan.
Si Jasmine naman ay napangiti na lang sa inasal ng binata at bahagyang pinamulahan ng pisnge sinampal sampal muna niya ang kanyang pisnge tsaka nagtungo na sa cr upang gawin na ang kanyang morning routines. Nang matapos ay lumabas na siya sa cr ng nakatapis at nagtungo sa walk in closet upang magbihis ang pinili lang naman niya ay isang simpleng white dress above the knee dahil alam niyang mamasyal sila sa labas ng isla. Nang maisuot na niya ito ay bumaba na rin siya at nagtungo na sa hapagkainan.
BINABASA MO ANG
The Unwanted Wife
Novela Juvenil"C-Calix tama na Hindi ko naman sinasadya."pagmamaka - awa ni Jasmine sa kaharap habang sinasaktan siya nito. Tumigil naman ito tsaka nanlilisik naman ang mga mata na tumingin sa kanya at galit na nag wika. "Kapag may nangyaring masama kay Rhian hi...