Chapter 9
Kinabukasan nagising na lamang si Mikael na nasa kanyang condo na.
Nang maalala ang nangyari ng gabing iyon ay dali - dali na siyang bumangon sa kama. Matagal na rin kasi niyang pinag isipan ang tungkol roon. Hindi nga lang niya alam kung matatanggap pa siya ng kanyang mag - ina.
Lalo na't natuklasan niyang nasa poder pala ito ni Calix. Nang araw na iyon hindi niya alam kung paano ang gagawin sinubokan din niyang kontakin si Jasmine ngunit hindi niya rin ito ma contact nais rin kasi niya itong kamustahin hanggang sa na pagtanto nya na rin ang lahat kung kaya't bumuo na sya ng sariling desisyon ang umuwi sa pinas at para na rin bawiin kong ano ang dapat.
Ngayon ay ang araw ng pag balik niya sa Pilipinas napagpasyahan na niyang mag ayos una ay naligo muna siya para na rin mawala ang kanyang hang over.
Matapos magawa ang dapat gawin ay handa na siyang umalis. Nasa rooftop na rin ang kanyang private plane tinawagan siya kani - kanina lang ng kanyang naging kakilala at sila na ang naghanda nito. Tulong na rin nila sa kanya.
Ilang oras lang ay nakarating narin si Mikael sa rooftop tama nga ang sinabi ng kakilala dahil may naghihintay nga sa kanyang private plane rito at ang kanyang piloto para sa araw na iyon.
Wala na siyang hinintay na sandali agad na siyang sumakay at pinaandar naman ito ng kanyang piloto.
Samantala hindi naman makapaniwala si Rhian sa mga natuklasan na hindi pala niya totoong ina ang tinuring niyang ina sa mahabang panahon. Kaya pala kapag nandoon lang ang kanyang ama mabait ito at akala mo mahal na mahal siya iyon pala ay hindi.
Litong - lito na sya hindi nya alam kung sino ang paniniwalaan. Hindi nya masisi si Jasmine dahil wala ito rito.
Dahil nakatulala si Rhian sa May Teresa katapat ng kama niya ay hindi niya namalayang tumabi na pala sa kanya ang kanyang ama.
"Anak kung nabigla kapa sa mga nangyari sana wag kang magtanim ng galit sa mommy at sa kapatid mo soon malalaman mo din ang lahat lahat."ani Mr. Smith kay Rhian sabay halik sa ulo nito.
Ngunit hindi naman ito pinansin ni Rhian bagkus ay nakatulala pa din.
Hindi rin namalayan nito na nakaalis na pala ang kanyang ama roon.
Ilang minuto lang ay sumunod naman na pumasok si Calix na may dalang tray ng pagkain.
"Hey, sweety kumain ka muna hindi kapa kumakain ha."sabay lapag nito ng tray sa side table na malapit kay Rhian.
Tango lang naman naging sagot nito habang nakatingin parin sa malayo.
Malungkot naman na tumingin ito at nilisan na ang silid na iyon.
Pagkaalis ay nagbilin muna siya sa kanyang mga kasambahay.
"Manang papasok muna ho ako kayo ng bahala kay Rhian."
"Masusunod po Mr. Monteverde."
Pagkahabilin nya noon ay tuluyan na itong umalis sa kanyang mansyon.
Tanghali na ng isang nakakabinging ingay ng eroplano ang bumasag sa katahimikan ng mga sandaling iyon.
Lumapag ang eroplano sa loob ng bakuran ni Calix hindi na naisip ni Mikael na sila ay trespassing ang nasa isip na lang nya ng mga sandaling iyon ay kailangan niyang makita ang kanyang mag - ina.
Nang makalapag ay dali - daling lumabas si Mikael sa private plane at hindi niya inaasahan ang paglabas niya.
Nakapalibot sa kanila ang mga tauhan ni Calix at ano mang oras ay nakahanda na itong mamaril.
BINABASA MO ANG
The Unwanted Wife
Teen Fiction"C-Calix tama na Hindi ko naman sinasadya."pagmamaka - awa ni Jasmine sa kaharap habang sinasaktan siya nito. Tumigil naman ito tsaka nanlilisik naman ang mga mata na tumingin sa kanya at galit na nag wika. "Kapag may nangyaring masama kay Rhian hi...