Chapter 2
Pagkarating ni Jasmine sa kanyang kwarto ay dali - dali siyang nag tungo sa kanyang banyo at doon ilabas ang kanyang mga sama ng loob.
Sa sobrang sakit ng kanyang nararamdaman ay Napaupo na lamang siya sa sahig dahil na rin sa bugbog na inabot.
Tatlong taon na rin siyang minamaltrato nito. Ninais niyang tumakas ngunit nauuwi rin sa wala. Dahil bantay sarado siya ng mga tauhan nito.
Ni minsan rin ay hindi pa niya nakikilala ang mga magulang nito o mga kamag - anak man lamang. Hindi na rin siya kasi nag - usisa noon kung bakit pa siya pinapirma ng marriage contract kung hindi naman siya mahal nito. Iyon palagi ang bumabagabag sa kanyang kalooban.
Hindi na rin siya naka pagtapos ng pag - aaral. Dahil wala naman siyang pera pam paaral sa sarili niya at Hindi pa naman ganun karami rin ang costumer niya sa kanyang bake shop noon.
Kung hindi nga lang sa tulong ng kanyang kaibigan na si Mikael ay wala ang kanyang bake shop ngayon at Hindi successful ito kaya sobrang thankfull siya rito.
Matapos maka pag isip - isip ay tumayo na rin siya at napagpasyahan na munang maligo.
Nang matapos ay isinuot na muna niya ang kanyang bathrobe bago lumabas ay nag wika muna siya sa kanyang sarili.
"Titiisin ko lahat Calix kahit sobrang sakit na at kapag naka ipon na ako. Ako na mismo ang kusang aalis sa puder mo para naman maging masaya kana."bulong niya sa kawalan.
Sabay labas at ayos sa kanyang higaan at hindi na nag - abala pang magbihis pa tsaka nahiga na sa sobrang pagod habang iniinda pa rin ang kanyang nasaktan na katawan.
Sa kwarto naman ni Calix ay padabog siyang pumasok dahil sa inis na nararamdaman.
Hindi niya mapigilang pagbuhatan si Jasmine dahil naiinis siya rito the way na malapit ito sa kanya. Lalo na masaya ito sa iba. Gusto niya itong maging miserable din katulad niya. At Hindi rin niya matanggap sa sarili na minahal na niya ito. Kaya gumagawa siya ng paraan para huwag pang lumalim ang kanyang nararamdaman na dapat ay kay Rhiann lamang.
"You never be happy Jasmine i'll do my best to wrath you in my hands until you die."mala demonyo niyang wika bago na pagpasyahang mahiga na kahit naka pang office pa ito.
Kinabukasan ay maagang nagising si Jasmine upang ipaghanda ng makakain si Calix. Maaga rin kasi ang pasok niya sa kanyang bake shop.
Natapos na niyang ihanda ang lahat nang pababa na rin si Calix naka pang office pa rin ito at messy hair.
"Ah Calix nag handa na nga pala ako ng agahan mo."sabi ni Jasmine na para bang walang nangyari.
Hindi ito tumugon bagkus ay nilagpasan lang siya nito papunta sa ref.
Dahil walang nakuhang sagot ay nagpunta na siya sa may pinto at aakmang bubuksan na ito ng magsalita si Calix.
"Saan ka pupunta?"malamig na tanong nito.
"Sa--"Hindi pa naiitutuloy ni Jasmine ang sasabihin ng sumigaw si Calix.
"WALANG AALIS."galit na turan nito.
"P-pero,"
"Ano yung lalaki mo na naman yung pupuntahan mo? Kaya atat na atat ka. Ganun ba?"
Dahil sa inis ni Jasmine ay nasagot na niya ito ng wala sa oras.
"Ano naman kung iyon nga yung pupuntahan ko. Wala kana roon asawa mo lang ako sa papel at wag kang umastang protective husband cause you never be tandaan mo kaya lang ako napunta sayo. Dahil pinambayad ako ng Parents ng mahal mo. Tsaka wag kang mag- alala. Nag - iipon na ako para mabayaran ko na rin yung 50,000,000 million pesos para malaya na ako sayo."Pagkasabi niun ay tuluyan ng umalis roon si Jasmine.
BINABASA MO ANG
The Unwanted Wife
أدب المراهقين"C-Calix tama na Hindi ko naman sinasadya."pagmamaka - awa ni Jasmine sa kaharap habang sinasaktan siya nito. Tumigil naman ito tsaka nanlilisik naman ang mga mata na tumingin sa kanya at galit na nag wika. "Kapag may nangyaring masama kay Rhian hi...