Chapter 1

3.9K 50 9
                                    

Chapter 1

"Daddy may meeting po sa school."sabay lapit ng batang si Rhiann sa kanyang ama na nasa sofa habang nagbabasa ng newspapers.

Ibinaba naman agad ni Mr. Smith ang binabasa at hinarap ang anak.

"Sure, sweety basta ikaw."ngiti nito sa anak tsaka binuhat at kinandong sa hita nito.

Ngumiti naman si Rhiann at humalik sa pisnge ng ama.

"Yehey! Thank you Daddy."tsaka yumakap rito.

Naabutan naman ni Mrs. Smith  ang kanyang mag - ama sa sala na naglalambingan kaya naki sali na rin ito.

Nakatingin lang naman sa isang sulok si Jasmine at pinapanuod ang kanyang magulang na masayang - masaya ang mga ito. Kahit wala siya.

Maya - maya ay nag paalam si Rhiann na pupunta sa cr kaya nakakuh ng pagkakataon si Jasmine na puntahan rin ang kanyang mga magulang.

"Daddy wait lang po pupunta lang po ako sa cr."

"Okay sige be careful."

"Anak gusto mo samahan ka ni mommy?" Tanong ni Mrs. Smith sa anak.

"No mommy I'm big girl na po kaya."nagtatakbo na ito paalis.

Wala naman nagawa  ito at tumabi na lang muli sa asawa.

Nang maka tyempo ay naglakas ng loob na lumapit si Jasmine
 sa mga ito.

"Mommy, Daddy may meeting din po kami sa school."

"Ah, anak busy kasi si Daddy si Mommy mo na lang."

"Sorry anak may kailangan din kasi akong puntahan pasama ka na lang kay yaya." Ani nito.

Matamlay namang umalis na roon ang batang Jasmine at pabulong na nag wika.

"Kapag si Rhiann Hindi kayo busy."malungkot na pumanik na lang ito sa kanyang silid.

Habang lumalaki sila ay laging pinagtutuunan ng atensyon si Rhiann kaysa kay Jasmine kung kaya't malaki ang pagkamuhi nito sa kanyang mga magulang at kay Rhiann at sa mga taong malapit rito.

Isang tanghali noon ay Hindi sinasadya na masanggi ni Jasmine si Rhiann may hawak na baso na kamuntikan ng mabasag agad namang pinagsalitaan na sya ng kanyang ina na masasakit na salita.

"Mag - iingat ka kasi wala ka na ngang kwentang anak palamunin ka na nga dito. Maninira  ka pa mahal pa yan sa buhay mo."ani nito sa galit na galit na tuno.

"Mommy tama na po Hindi naman po ako nasanggi ni Jasmine ako po yon." Awat at pang - aako nito sa kanyang bunsong kapatid.

"Bakit hindi ka tumulad sa kapatid mo matalino na nga, masipag at mabait pa pero ikaw ? Wala."

Hindi naman umiimik si Jasmine at naka yuko lang.

Lumipas ang araw na iyon umabot na sa pananakit na dating masasakit na salita lamang.

Hanggang sa dumating na nga ang malaking dagok na magpapabago sa buhay ni Jasmine.

Halos araw - araw na ring nagtatalo ng dahil sa pera ang mga magulang ni Jasmine may malaking utang kasi ito sa Monteverde na kailangan ng bayaran.

"Akala ko ba? Nagtatrabaho ka ano itong may utang kang 50,000,000 pesos sa mga Monteverde."sita ni Mrs. Smith sa asawa.

Nalulong na pala ito sa pagsusugal sa casino kaya ganoon na lamang ang utang nito.

"Kung hindi sana ako natalo sa laro edi sana doble yon."

"Laro? o Sugal, paano ngayon yan saan natin kukunin yung ibabayad sa mga inutang mo. Maski ata ibenta natin ang ating mga ari - arian. Hindi pa sapat."

The Unwanted WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon