Chapter 10
Agad na nag init ang kanyang ulo dahil nakita nya ang lalaki na naging dahilan kung bakit misirable si Rhiann ngayon.
Sinugod nya ito ng hindi nag iisip kwenelyohan nya rin sabay inundayan ng suntok.
"Ang kapal ng mukha mong magpakita pa rito. Pagkatapos mong talikuran ang pagiging ama babalik ka rito para ano?"galit at gigil na saad ni Calix kay Mikael na hindi pa nakakabawi sa pag suntok sa kanya.
"Ano bang problema mo?"Hilo na wika ni Mikael habang punas ang dumudugong labi.
"Problema ko? Tinatanong mo problema ko."Dinuro - duro ni Calix ang dibdib ni Mikael "Ikaw ang problema bakit nagpakita kapa?"
Akmang susuntokin pa uli ni Calix si Mikael ay biglang humarang si Rhiann.
"Umalis ka dyan Rhiann."ma awtoridad na utos nito sa babae.
Ngunit hindi ito natinag kung kaya't nanatiling nakaharang ito.
"C-Calix, wag mong sasaktan uli si Mikael lalo na sa harapan ko. Oo, itinaboy n'ya kami pero tatay parin sya ng magiging anak namin."litanya nito.
"Ganun na lang yon? Halos mag makaawa ka na puntahan kita sa US pero nakuha ka nya ng ganoong ka dali. Sabagay ganun ka naman talaga nakuha diba?"nang uuyam na wika nito.
Hindi nakapag pigil si Rhiann sa mga masasakit na binitawang salita ni Calix sa kanya kung kaya't sinampal niya ito.
Wala namang naramdamang sakit si Calix bagkus ay ngumisi pa ito.
Nanginginig naman sa galit ang babae bago nagsalita.
"Ang kapal ng mukha mo akala ko tunay yung pinapakita mo sakin. Hindi pala."mapaklang ani nito.
"Noon tunay, noong hindi kapa nabubuntis pero ngayon. Nagsisi akong dinampot pa kita nakakadiri ka isa kang maduming babae sa paningin ko."
"Pre, tama na."singit naman ni Mikael habang hawak sa magkabilang balikat si Rhiann.
"Wag kang makialam dito tutuluyan kita kahit sa harap pa ng babaeng yan."duro ulit nito.
Pumasok naman sila Mr. Smith sa kwarto ng marinig ang mga kalabog at nag- aaway roon.
"Anong nangyayari dito?"tanong ni Mr. Smith.
"Ohh, nariyan na pala ang mga magulang mong hampaslupa na kung hindi lang nagmakaawa sa akin noon. Anong buhay nyo kaya ngayon?"ngising asong tingin nito.
"Abat.."akmang sasagot pa ng pigilan ito ng asawa.
"Oh? Bakit sinampal ka ng katotohanan baka nakakalimutan mo kung sino nag - angat sa inyo ngayon at kahit anong oras kayang kaya ko yang bawiin pero huwag na lang abuloy ko na lang sa inyo yan."mapagmataas na ani nito.
"Calix ang kapal ng mukha mo."
"Kayo ang mas makapal kayo na nga ang pinalamon sa aking mesa ito pa igaganti nyo. Ano pang hinihintay nyo rito bukas ang pinto magsilayas na kayo."sabay turo sa pintuan ng kwarto na iyon.
"Aalis talaga kami sa impyernong bahay mo mukhang tama nga ang kasabihan na kung ano yung kinabato ng bahay mo may gago at gago talagang nakatira rito ay kwago pala yon at ikaw iyon."dagdag pa ni Rhiann.
"What ever, tsaka dapat magpasalamat pa nga kayo sakin nawala si Jasmine diba iyon naman ang gusto nyo?"
Biglang sumiklab ang galit na pinipigilan ni Mrs. Smith.
"Anong sinabi mo? Saan mo dinala ang anak ko walang hiya ka!"
"HAHAHA,"humalakhak ng malakas si Calix tsaka nauna ng umalis roon.
BINABASA MO ANG
The Unwanted Wife
Teen Fiction"C-Calix tama na Hindi ko naman sinasadya."pagmamaka - awa ni Jasmine sa kaharap habang sinasaktan siya nito. Tumigil naman ito tsaka nanlilisik naman ang mga mata na tumingin sa kanya at galit na nag wika. "Kapag may nangyaring masama kay Rhian hi...