Chapter 22

1.3K 18 4
                                    

Chapter 22

Maagang nag impake ang pamilya smith balak nilang pumunta sa beach kung saan first time nila itong pupuntahan na buo ang kanilang pamilya isa ito sa pag mamay - ari ng familia Montefalco.

"Sweety, ayuko ng swimsuits ha."paalala ni Mikael sa asawa.

"Minsan lang naman Sweety tsaka tiyak naman tayo - tayo lang ang naruruon."

"Sweety no swimsuit nga eh gusto mo ako na lang."

"Ang higpit mo naman oo na nga hindi na sayang pa naman yung pinamili ko!"

"Dapat lang noh mahirap na baka masundan na naman ang ating bata."

"Sundan ka dyan he..tama na yung isa baka akala mo madaling manganak."

"Sabi ko nga isa lang."kakamot kamot namang tinuloy na ni Mikael ang pag - iimpake.

"Tama na yan love birds bilisan nyo na diyan at malayo pa ang byahe natin."paalala ni Mrs. Smith na kanina  pa tapos sa pag -iimpake at nakatayo bitbit ang maliit na maleta na katabi si Mr. Smith na tapos na rin tsaka buhat buhat ang apo.

"Patapos na ako Mommy."sabi pa ni Mikael.

"Tama ang Mommy n'yo nakakahiya naman kay Ace kung paghihintayin natin."

"Hindi tito ayos lang."ngiti ni Ace tsaka yumuko.

"Pssh siya naman yung nag pa outing  tsaka Dad, Mom relax makakapunta rin tayo diyan."Sabi nito habang sinasarado na ang kanyang maleta.

Lumipas ang ilang oras ay natapos rin  ang mga ito kanya - kanya namang buhat ng bagahe ang mga lalaki upang isakay sa private plane. Dahil malaki naman iyon ay nagkasya naman silang lahat.

Halos limang oras rin bago nakarating ang sinasakyang eroplano  ng pamilya smith. Masaya naman silang bumaba nang lumapag na ito sa seaside.

"Wow! Ang ganda dito sweety."manghang - mangha si Mikael habang nakamasid sa paligid dala na rin ang kanilang mga gamit.

"OMG! Oo nga i think sobra akong mag eenjoy rito."gigil na saad nito na patalon talon pa nang nasa buhanginan na.

"Hon ako na kaya magdala sa apo natin ang dami mong dala oh"alalang sabi ni Mrs. Smith sa asawa.

"No, hon i can handle this relax kaya ko na ito. Diyan ka lang sa tabi ko okay!"masigasig naman na sagot nito.

Sumunod naman ng tamihik ang dalawa sa mga ito.

Nang makalabas na silang lahat  ay itunuro na ni Ace ang cottage kung saan mag stay ang lahat.

"Dahil nandito na tayo yung tatlong cottages na nakikita nyo ay bawat isang couple ang mag stay diyan bahala na kayong pumili kung saan ninyo gusto kompleto na rin ang gamit riyan. Sa gitna naman ay kung gusto ninyong mag barbecue, or what diyan lang pwedeng gawin."paliwanag ni Ace sa mga ito.

Tumango lang naman ang mga ito tsaka nauna na sila Rhiann pumasok sa unang cottage. Sunod naman ay sila Mr. Smith ang napili naman nila ang gitnang cottage pero bago pa ito pumasok ay nagbilin si Mrs. Smith sa anak.

"Anak alam mo yung limitasyon nyo ha wala pa munang honeymoon."paalala ng ginang.

"Mom! Ano ba nakakahiya kay Ace baka kung ano pa isipin nyan."tila ba naasar na ewan ang babae.

"Tita makakaasa ka ang laki po ng respeto sa anak nyo hindi ko magagawa yon."senserong saad ni Ace sabay tingin nito sa dalaga.

Namula naman si Jasmine sa tinuran ng binata pero agad ring tinago dahil napansin ito ng kanyang ama.

"Siguradohin mo lang iho kung hindi makikipagpalit ka sa aso ng mukha kapag napako yang pangako mo. Hon tara na alam kong pagod na kana."banta nito sa binata tsaka inaya na papasok sa kanilang cottage.

The Unwanted WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon