Chapter 24

1.4K 13 3
                                    

Chapter 24

Sumapit na nga ang ikatlong araw.

Lulan na ng private plane sila Calix at Jasmine patungong Isla Montefalco kapwa walang nagsasalita kung kaya't sobrang tahimik roon.

Maya - maya lang ay nakarating na sila sa Isla agad naman lumapag ang kanilang sinasakyan sa seaside. Natanaw roon nila ang apat na binata na nakatayo sa labas ng rest house na palinga - linga na animoy may hinahanap.

"Kiyo,Kenjie,Ryle,Seb nandito na ako."sabi nito habang nakatayo sa labas kasama si Calix.

Tumakbo naman ang mga ito at niyakap siya. Lumayo naman si Calix ng kaunti.

"God, saan ka ba nagpunta ang tagal ka naming hinanap."sabi ni Kiyo.

"Oo nga halos mabaliw kami kakahanap sa iyo tapos kasama mo lang pala yang gago na yan"turo ni Ryle kay Calix."

"Sorry kung pinag - alala ko kayo at hindi ako nagpaalam. Nakipag closure kasi ako."paliwanag pa ni Jasmine.

"Kahit na pwede naman dito mag - usap dami pa kasing arte nitong Calix na ito. Ako tuloy yung nasisi kung bakit lumabas ka"ismid ni Kenjie.

"Sorry na pangako hindi na ako aalis ng hindi nag paalam."

"Dapat lang kung hindi isusumbong ka na namin kay Ace."sabi nung tatlo.

"Teka nasaan ba si Ace?"tanong ni Jasmine tsaka kumawala sa yakap ng apat at luminga linga.

"Wala busy siya sa work simula noong hinatid niya yung brat niyang kapatid ay hindi na siya umuwi."ani ni Kiyo.

"Ah ganun ba. Okay!"matamlay na sagot ni Jasmine.

"So paano Jasmine una na ako."sabi ni Calix.

Tumango naman si Jasmine tanda ng pagsang - ayon.

"Umalis kana nga nag papaalam kapa  kapal rin ng mukha mo. Hindi namin ma reach."asik ni Ryle.

"Hindi ako sa inyo nagpapaalam huwag papansin."

"Aba't siraulo ka ah! Halika rito at babangasan ko yang mukha mo tarantado may kasalanan kapa samin  huwag mo kaming aangasan."nanggagalaiting sabi ni Kenjie na nag papa - awat kahit walang umaawat.

"Pssh.. Isipbata buti na lang si Gab yung kasama ko. Hindi kayo na puro mga sinto - sinto sabagay kanino pa ba kayo magmamana kay Ace lang rin."pa cool na sabi nito tsaka naglakad na palayo.

Hindi na nakatiis si Kiyo dahil ang ayaw niya ay yung inaapi sila ng kahit sino lalo na ang kanilang dating myembro.

"Buti na lang rin at nagkawatak- watak tayo hindi na rin naman namin matagalan yung ugali mong patapon kaya nga walang nagtitiyaga sayo maski pamilya mo. Ayy! Meron pala si Gab pareho kayong patapon."

Napatigil naman si Calix dahil nag pantig sa taenga niya ang narinig hindi na siya nakapag - isip kung kaya't humarap siya sa gawi ni Kiyo at  sinugod ito tsaka sinuntok sa mukha.

Ganoon rin ang ginawa ni Kiyo kaya ang dalawa ay tudo awat si Seb naman ay nanunuod lang.

"Mas hindi ko matagalan na kasama kayo buti na nga lang at inaway ako noon ni Ace na kesyo raw inagaw ko sa kanya si Jasmine eh ang totoo hindi naman talaga naging sa kanya dahil torpe siya."

"Hala iyon lang pala yung away nyo noon ng dahil sa babae. Dinamay nyo pa kami."gulat na sabi ni Kenjie.

"Akala ko sa negosyo pssh mga sira - ulo talaga tudo kampi pa kami kay Ace tapos siya naman pala ang may mababaw na dahilan."dagdag pa ni Kenjie.

"Tama na tang - ina ano pang pinaglalaban mo?"hirap na wika ni Kiyo.

"Wala  kang karapatan na sabihin na patapon ako pero yung idamay mo yung pamilya ko ibang usapan na iyon."huling suntok ang pinakawalan nito bago tumigil.

The Unwanted WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon