Chapter 8

1.4K 34 7
                                    

Chapter 8

Sa Hospital naman kung saan dinala si Rhiann ay maayos naman ang kalagayan nito pati ng kanyang dinadala.

 Nasa tabi naman nito si Calix
habang nakatingin sa maamong mukha ng babaeng ngayon ay natutulog sa hospital bed walang mababakas na pagsisi sa mukha niya dahil sa ginawa niya ng gabing iyon para sa kanya nararapat lang ito. Dahil sinaktan nito ang kanyang minamahal.

"Rhiann,wala ng mananakit sayo sinigurado kong mapupurohan siya. I'll do everything just for you my be loved i love you so much."at kinintalan ng halik sa ulo nito.

Iyon ang araw ng madala si Rhiann sa hospital apat na araw bago ito nakauwi dahil pinaayos pa ni Calix ang mansyon para pag - uwi nila ay wala ng bakas ni Jasmine roon.

Na  discharge na nga ito mga alas dos ng tanghali sakay ng porches ng makauwi sila sa mansyon.

"Hey love, be careful hindi mo pa kaya."alala naman ni Calix habang naka alalay rito sa likod ng babae.

"No it's okay wag ka ng mag - alala okay na ako."sabi nito tsaka umupo na sa may living room.

Saglit namang nag paalam si Calix upang ayusin ang mga gamit ni Rhiann tsaka maghanda na rin ng makakain nito.

Nang matapos ay bumalik na ito sa living room kung saan nanunuod na ng tv si Rhiann.

"Hey, love kain ka muna naghanda ako ng makakain sayo."

Agad naman nilantakan nito ang hinain ni Calix tsaka nagpatuloy ulit sa panonood.

"Calix, nasaan si Jasmine?"tanong nito habang tutok parin sa panonood.

Wala naman siyang masagot rito dahil maski siya ay walang alam at pakialam. Kung kaya't pinairal pa rin niya ang kanyang kasamaan.

"Wala na inalis ko na sya sa buhay natin."seryosong saad nito.

"W-What do you mean?"nginig na tanong nito tsaka napalingon sa gawi ni Calix.

Kahit naman ay may inis siya sa kapatid ay hindi niya maatim na may masama ritong mangyari lalo na't siya ang panganay.

"Wag na natin siyang pag - usapan ang importante ikaw at yung baby mo."

Nag alangan namang ngumiti si Rhiann rito at umidlip muna.

Samantala sa Florida USA kung saan inaasikaso ng mag - asawang Smith ang kompanya nila roon ay nabalitaan nila ang nangyaring pagbubuntis ni Rhiann. Sa una ay nagalit sila ngunit kalaunan ay tinanggap nila rin ito.

Madaling araw nun nasa isang hotel sila ng mga oras na iyon.

"Hon, magkakaapo na tayo."masayang wika ni Mr. Smith ngunit si Mrs. Smith ay hindi masaya.

Napansin naman ni Mr. Smith ang pagkawala sa mood ng asawa.

"Hon! Are you okay?"

Bigla naman itong napahagulgol.

"H-Hon si Jasmine kamusta na kaya yung anak natin?"

Bigla namang nagbago ang timpla ni Mr. Smith ng marinig ang pangalan na iyon.

"Hon matagal ng wala si Jasmine wag mo ng alalahanin yon. Si Rhiann ang intindihin mo."

Hindi na nakapagpigil si Mrs. Smith dahil hindi niya maatim na wala itong kaunting pakialam kahit noon pa man inaamin niyang nasaktan din niya ang kanyang anak ngunit natakot lang siya.

"Ganyan na ba katigas ang puso mo? Pati ang sarili nating anak hindi mo magawang mahalin bakit dahil sakin galing at hindi sa first love mo at sino lang ang mahal mo yung anak nyo na si Rhiann? Tinanggap ko sya sa kanya ko na ibinigay lahat ng atensyon ko na dapat ay sa anak ko yon kay Jasmine. Hindi sa anak nyo ng first love mo pero ano? Ang tanga ko! Naniwala ako sa mga banta mo akala mo rin ba na hindi masakit yung pagbayad utang mo sa kanya ang sakit sakit pero wala akong magawa kasi takot ako."Iyak nito

The Unwanted WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon