CHAPTER 2

15 0 0
                                    

DEDICATED TO ChillMakeMe


HINDI ganito ang inaasahan ko nang tuluyan naming mapasok ang school, marami ang mga sasakyan ng sundalo na bumangga sa mga building na nababahiran ng dugo, nagkalat din ang mga patay na studyante at ibang staff ng school. Parang wala ng natira..

"Ate, look po!" Nilingon ko ang tinuro niya at napansin ang nakasabit na SOS sa building ng Senior High, nanliit ang aking mata nang mapansing mayroong tao sa rooftop, nakatingin sa direksyon ng aking sasakyan at kumakaway, nasundan iyon ng iba pang tao na kasa-kasama ang mga studyante ko.

Mayroong mga zombie na pakalat-kalat sa field at konting ingay lang namin ay siguradong susugudin na kami dito. I need a distraction, something that can be the center of attention. Something loud and can gather the zombie in one place.

Nang makaisip ng plano ay hinarap ko ang bata. "Can you stay here, quietly?" Kumunot ang noo nito at madahan namang tumango.

Kinuha ko ang isang M4A1 at dalawang hand gun, sinigurado kong may bitbit akong kutsilyo bago dahan-dahang binuksan ang sun roof.

Sumilip muna ako at nang walang mapansing zombie na malapit sa kotse ay dahan-dahan akong lumusot doon at nakita nang malinaw ang mga tao sa rooftop. May tatlong sundalo silang kasama at ilang teacher at sibilyan.

Sinenyasan ko silang bumaba kapag narinig ang aking signal. Mukha namang naintindihan nila kaya muli kong sinarado ang sun roof.

"Babalik ako, hintayin mo ako dito. Huwag kang lalabas." Tumango ito at nakita ko pa ang mahigpit niyang hawak sa hand gun na kinuha niya kanina. Ginulo ko ang buhok niya bago dahan-dahang binuksan ang pintuan ng kotse at tahimik na lumabas.

Huminga ako ng malalim bago nagsimulang maglakad patungo sa isang building. Nagtago ako sa isang kotseng nakaparada nang biglang lumingon ang isang zombie na parang si Ma'am Sanchez, mabilis na ang tibok ng aking puso dahil sa kaba. Sumilip ako at nang makitang hindi na ito nakatingin at muli akong naglakad.

Malapit na ako sa building nang lingunin ko ulit si Ma'am Sanchez ay nanlilisik na itong nakatingin sa akin, parang kinikilala pa ako. I was taken aback when she suddenly growled, as if she was referring to the other infected because she had just seen their food.

RUN..

Mabilis akong tumakbo papunta sa hagdanan para makapunta sa third floor dahil nandoon ang broadcasting na nakakonekta sa gymnasium at sa mga hallway, kung gagawa ako ng broadcast, pwedeng marinig ng ibang survivor na nasa school pero kung nasa gym sila o nagp-planong umalis, hindi ko alam kung paano sila makakaligtas.

"Put—" Bumagsak ako nang may humawak sa aking paa at nakita ang zombie na unti-unting gumagapang sa akin. Kinuha ko ang nakasuksok na hand gun sa aking bewang bago ito binaril. Tumayo kaagad ako at inasinta ang mga infected na malapit sa akin bago muling tumakbo.

Nanlaki ang aking mata nang madinig ang sunod-sunod na yapak, pababa ng hagdan at alam ko kung hindi pa ako makakataas ay mat-trap ako dito at mamamatay.

May ilang nahulog mula sa itaas at siguradong dahil iyon sa putok ng baril. Binangga ko ang sumalubong sa akin sa pagtaas at mabilis itong tinulak pababa. Tumilapon ako sa hallway habang binabangga ang mga infected, nang lingunin ko sila ay nagkakagulo na sila sa hagdan dahil sa sobrang dami nito ay nagkakasiksikan na sila at hindi kaagad makagalaw.

Tinanggal ko ang nakasabit na M4A1 sa aking leeg at inangat ang sarili kahit na pakiramdam ko ay napuruhan ang hita ko at muling tumakbo, natatanaw ko na ang brocasting room pero sadyang mapaglaro ata si kamatayan nang makalapit ako.

DAY WALKER (A Zombie Apocalypse)Where stories live. Discover now