DEDICATED TO Serenehna
NAGPALIT kami ni Sergeant Kier at Sergeant Reayson sa pagbabantay sa labas para makapagpahinga. Si Capt. Nelson naman ay naginsist na samahan ang dalawa. Tahimik lang akong naupo at sumandal sa pader bago kinuha ang kumot na ibinigay sa akin at tuluyan ng nagpalamon sa antok.
Naalimpungatan ako nang madinig ang sunod-sunod na yapak tila natataranta, pabalik-balik ito kaya tuluyan ng nagising ang aking diwa at nakitang wala ng tao sa sala. Napakurap pa ako bago pinilig ang aking ulo at dahan-dahang tinanggal sa akin ang kumot.
"Bakit tinago niyo sa amin? Kung binigyan niyo kami ng tag-iisa edi napakinabangan pa!"
"May pagkain at tubig din dito pero nagtitipid pa tayo, dapat ay hinati-hati natin iyan."
Tumayo ako nang marinig ang paguusap sa labas. Kinuha ko ang tubig sa isang lamesa bago naglakad papunta sa kusina at nagmumog, inayos ko din ang buhok ko bago naglakad palabas sa bahay at natagpuan silang lahat doon.
"Anong nangya—" Kumunot ang noo ko nang mapansing nakabukas ang trunk, lumapit ako doon at binuksan iyon ngunit wala na doon ang bag ng baril, sinarado ko iyon at binuksan ang pintuan ng backseat, nandoon pa din ang mga pagkain at nakalagay na din doon ang mga panggamot.
"Marami kang baril pero hindi mo sinasabi, gusto mo ba kaming mamatay?" Dinig kong reklamo ng isang babae, hindi ako umimik at pinasadahan ng tingin silang lahat na nandito at napansing wala si Renee at si Ma'am Natasha. Kinapa ko ang bulsa ko at nandoon pa din ang susi kaya paano nila nabuksan ang trunk?
"They used a flat screw." Nilingon ko si Capt. Nelson at hindi pinapansin ang sinasabi nang mga kasama namin.
"Bakit natakasan kayo?" Hindi ito nakapagsalita at tumingin sa kapwa niya sundalo.
"Nakarinig sila ng infected sa paligid kaya pinuntahan nila at pinatay. I was roaming around the house so I didn't see this coming." Mahinahon niyang paliwanag laya lalo akong nairita.
"Kung ibinigay niyo na lang sa amin ang baril—" Nilingon ko ang nagsalita at natahimik naman ito. Kinuha ko ang bag nang pagkain sa backseat bago iyon inilabas sa kotse, ganon din ang ginawa ko sa iba.
"Pumasok kayo sa loob ng bahay at ipasok niyo na din ang mga ito." Utos ko, nagkatinginan pa sila ngunit nauna namang kinuha iyon ni Solomon na sinundan pa ng iba kong studyante. Nagmatigas pa ang iba at masamang nakatingin sa akin pero pinapasok na sila ng dalawang Sergeant.
Nilingon ko si Capt. Nelton na nakatingin lang din sa akin. "Tayong tatlo lang ang nakakaalam na may baril sa kotse ko, imposibleng magsalita si Shakira." Asik ko.
"Pinagbibintangan mo ba ako?" I nodded harshly.
"Yes, I am." His jaw clenched, napailing na lang ako at tinalikuran na siya bago naglakad papasok ng bahay at nakitang nagaaway-away na sila sa loob at sinusubukang kuhain ang nga pagkain sa studyante ko at sa dalawang sundalo.
"Kukuhanin ko na ang parte namin at aalis na kami!"
"Ibigay niyo," matipid kong sabi. "Kung sino mang aalis, ibigay niyo ang parte nila. Desisyon nila ang umalis at wala tayong magagawa kung iyon talaga ang gusto nila. Let them be."
Lumapit ako kay Shakira at hinaplos ang kanyang buhok. "Ayos lang po kayo, Ate Mill?" Ngumiti ako at nagthumbs up sa kanya bago inabot sa kanya ang baril nito.
YOU ARE READING
DAY WALKER (A Zombie Apocalypse)
Ciencia FicciónLife is always a battle, but for the time being, I feel like I'm fighting a war, and every move I make could put my life in jeopardy. In times like these, I don't know where to run; a spot where I used to dwell peacefully has turned into a field whe...