CHAPTER 12

14 0 0
                                    

DEDICATED TO SiMarcoJoseAko


WE CHANGE seat after a minute, pinapaputukan na rin nila ang aming sasakyan at mabuti na lang at magaling magmaneho si Jessel, minor de edad pa lang siya pero matatalo niya na ako sa pagmamaneho.

"Ma'am, yuko po! Ang dami pong zombie dito!" Mabilis akong yumuko dahil sa sigaw ni Jessel at nakita ang mga zombie na tumilapon matapos niya itong banggain. Tiningnan ko ang dinaraanan niya at maraming zombie na nandoon ang nagaabang sa amin.

Binuksan ko nang kaonti ang windshield bago inilagay doon ang bibig ng aking baril bago inasinta ang gulong nang kalaban.  Umikot ito at tumama sa isang poste na naglikha ng isang malakas na pagsabog, sumunod dito ang kasunurang kotse na bumangga sa kotseng sumabog at tila lumipad sa ere bago bumagsak at tumama sa isang puno.

"Ma'am! Padami ng padami ang zombie sa paligid natin!" Nanliliit nang mata kong sinilip ang isa pang sasakyan na humarurot na paalis. Sinarado ko ang sun roof bago tumingin sa nakapaligid sa amin. Masyado nga silang marami.

"Jessel, ihinto mo ang kotse. Magpalit na tayo." Saad ko.

"Pero, Ma'am! Papalapit na po sila sa atin!" Napapikit ako nang may sinasagasaan itong zombie kaya bahagya kaming tumalon sa loob ng kotse.

"Jessel, ngayon na! Mat-trap tayo dito!" Sigaw ko nang makita ang mga zombie sa aming harapan.

"Hindi pwede, Ma'am! Konti na lamang at liliko na tayo—" Parehas kaming napasigaw nang may bumangga sa aming sasakyan, naging mabilis ang pangyayari at naramdaman ko ang pananakit nang aking katawan, hindi ako nakasuot ng seatbelt at alam kong napuruhan ang katawan ko.

NAPAARAY ako nang maramdaman ang isang salamin na nakatarak sa aking hita. Mariin akong pumikit dahil sa pagkahilo at panlalabo ng paningin. Muli akong dumilat at napagtanto kung sino ang nakapaligid sa amin, ang mga zombie.

Nanlaki ang aking mata nang makitang kinakain na nila si Jessel na abot na abot nang mga ito dahil siya ang nasa driver seat. Nilingon ko si Mir na walang malay, duguan din ang ulo nito.

Bahagya kong niyugyog ang braso ni Mir at hindi nakatulong doon ang duguan kong balikat, namamanhid na ang balikat ko gayon din ang aking hita.

"Mir...wake up, Mir." Pagtawag ko rito at muling niyugyog ang kanyang balikat. Tinawag ko ulit ito at namomoblema sa aming sitwasyon.

Unti-unti itong dumilat at lumingon sa akin. "Ate." Hinawakan ko ang pisngi nito at  bahagyang tinapik.

"We need to get out, Mir. Okay?" Nanghihina ay tumango ito, pinasadahan ko ng tingin ang paligid para hanapin sana ang aking baril nang unti-unting umungol si Jessel, umangat ang katawan nito katulad ng ibang infected at hindi ko man makita ang mukha niya ay alam kong nagbabago na ito.

Bigla nitong inangat ang kanyang ulo bago tumingin sa amin, nanlilisik ang mga mata. Mistulang hindi ito makagalaw dahil sa kanyang seatbelt, dahan-dahan kong inangat ang aking sarili at unti-unti ay inabot ang baril.

Naluluha ako sa sakit ng aking hita habang sinusubukang abutin naman ang mapa at ang walkie talkie habang umiiwas sa bibig ni Jessel.

"Konti na lang..." Nang makuha ko iyon ay nakahinga ako nang maluwag pero hindi iyon nagtagal dahil sa sakit na nararamdaman na nangagaling sa aking hita.

"Tanggalin mo na ang seatbelt mo, Mir." Sabi ko rito at huminga nang malalim bago hinawakan ang salamin na nasa aking hita, sunod-sunod ang ginawa kong paghinga bago iyon marahas na tinanggal. Napakagat na lamang ako sa aking labi sa naramdamang sakit. Narinig ko pa ang paghahampas ng mga zombie sa kotse tila muli silang nagising dahil sa dugong naamoy.

DAY WALKER (A Zombie Apocalypse)Where stories live. Discover now