DEDICATED TO 4reuminct
ANG mga tao na nandidito ay kyuryoso akong tinitingnan ngunit hindi naman sila umiimik kaya tahimik akong nagmasid sa paligid. Inaayos ni Mavie ang gamit sa kotse dahil baka masira ang solar at inilipat niya iyon sa trunk.
Umupo ako sa isang upuan at pumikit, dinadama ang hanging tumatama sa aking mukha. Ang sayang maarawan ng ganito at magmasid-masid sa paligid na walang inaalintanang mga infected.
"Miss," napamulat ako at tumingin sa tumawag sa akin, isang babaeng may dalang kanin at ulam, bigla akong natakam, ilang buwan na rin akong hindi nakakakain ng kanin. "Pinabibigay ni David, naibigay ko na iyong isa kay Mavie. Kumain na kayo." Madahan akong tumango at tipid na ngumiti.
"Salamat," tumango lang siya at umalis kaya bumaba ang tingin ko sa pagkain. Saan kaya sila nagluluto? Hindi kaya sila nagaalala na may makakita ng usok mula rito? Hindi kaya sila natatakot na baka pasukin sila?
"Ang lalim na naman ng iniisip mo," napatingin ako kay Mavie na bitbit din ang pagkain niya bago naupo sa tabi ko. "Kain na, masarap ang pagkain." Aniya at nagsimula, hindi na ako umimik at kumain na rin.
"Maganda rito 'no?"
"Hmm.."
"Uhm..ayos ka lang ba?" Muli akong tumingin sa kanya at tipid na ngumiti bago tumango kaya napangiti rin ito.
Pinatulog ko lang siya matapos naming kumain. Nanatili naman ako sa kinauupuan ko at doon umilip dahil hindi ako komportable sa selda.
Wala naman kaming ginawa rito at natulog lamang at kumain, hindi inalintana ang mga ungol ng zombie sa labas ng Municipa Jail, may lumabas na mga tao ni David doon kanina at mukhang pinatay ang mga infected.
"Are Rosette and Rosalie are still on the Hershel?" Ani David nang magising ako at naabutan itong nasa tabi ko at naglilinis ng baril. "Paano sila napunta roon?" Napahilamos ako sa aking mukha at umayos nang upo.
"Hmm..they were running for their lives. Rosalie was bitten." Napaayos ito ng upo at nagaalalang tumitig sa akin tila inaantay ang aking idudugtong. "Nakita ko sila sa kabayanan at may kagat na si Rosalie bago kami dumating sa Hershel—"
"How is she doing? Did you kill her? Did she become infected?" Pagpuputol nito sa akin, natataranta.
"No," kumunot ang kanyang noo. "We just need to cut her arm, I don't know if she's awake yet." Hindi ko maipaliwanag ang ekspresyon nito. He seemed relieved, but he appeared to be afraid.
"Did you have medical supplies? Or someone who knows how to operate? Who cut her—"
"I did," lalong nanlaki ang mata niya at hindi makapaniwala sa aking sinabi. "Why are you interested with her? Is it because she is one of your people or something that is important to you?" Kyuryoso kong tanong, bahagyang nagtataka sa kanyang reaksyon.
Nagiwas ito ng tingin at madilim ang tingin sa hawak na baril. "She is my ex," I smirked, not an ordinary ex then. "As you said, you cut her arm without medical tools and medicine? Anong ginamit niyong pamputol kung ganoon?"
Inangat ko ang aking palakol at bahagya itong napaatras, mukhang hindi inaasahan na itong palakol na ito ang pumutol sa braso ni Rosalie. Kahit ako ay hindi makapaniwalang ginawa ko iyon, nakakatrauma.
"W-We have medical supplies..you need to get some for her." Umiling ako dahil may nakuha naman na si Mavie noon. Tumingin ako sa langit at ano mang oras ag lulubog na ang araw.
Nasaan na kaya sila Kuya? Saan sila nagtatago mula sa araw? May pagkain pa kaya sila? Marami pa kayang natira sa kanila?
Humarap muli ako sa lalaki. "Aalis na kami," saad ko bago tumayo at inayos ang aking damit.
"Sasama ako, I need to fetch Rosalie and Rosette." I grinned. Tinaasan niya naman ako ng kilay at umirap. "We have everything that will help Rosalie and I'm sure that Rosette will come with her." Napailing na lamang ako at natawa.
"Next time, I still don't trust you." Tinalikuran ko na siya at tinungo ang kotse namin at naabutan roon si Mavie na may hawak na plastic.
"What is that?" Tanong ko at nginuso ang hawak niya.
"Seeds, sabi mo ay gusto mong magtanim. Humingi ako sa kanila para makapagsimula na tayo." Nakangiti pa nitong sabi, madahan akong tumango at sinenyasan siyang aalis na kami.
"Wait, Grimes. I will just fetch her—them, we have medicines here. We just have a veterinarian but that will do." Pagpipilit pa nito.
"I said next time, David." Paguulit ko at pumasok sa kotse ngunit bago ko pa iyon isara ay humarang na siya roon kaya napabuntong hininga ako.
"When is that?"
"If they agreed to comeback. Thank you for welcoming us here but Hershel can't welcome anyone yet. We're leaving." Seryoso kong sabi at sinenyasan siyang buksan ang gate bago ko sinarado ang pinto.
Bahagyang kumunot ang aking noo nang huminto kami hindi nalalayo sa Hershel dahil sa rami nang infected na nagkalat doon. Bakit dumami ng ganyan?
"May nangyari kaya? Nakarating kaya ang truck?" Dinig kong tanong ni Mavie, tinanaw ko ang gate ngunit dahil sa telang nandoon ay hindi ko makita nang maayos.
"Bumaba tayo, hindi pwedeng nandyan sila sa labas." Saad ko at pinatay ang makina bago kinuha ang palakol at tahimik na lumabas ng kotse.
Mayroong bakas ng sasakyan patungo sa Hershel, ibig sabihin ay may dumating. Tinarak ko ang kutsilyo sa ulo ng infected na nakatalikod sa akin at tahimik iyong sinalo at madahang ibinaba sa sahig para hindi makagawa ng ingay.
Paulit-ulit naming ginawa iyon bago ko kinuha ang mga gamit sa kani-kanilang bulsa at bag na mapapakinabangan gayon din ang kanilang I.D bago muling pumasok sa kotse at tahimik itong pinaandar bago itinigil sa tapat ng Hershel.
Napansin ko pang sumilip si Mavie sa loob at may bahid nang pagkagulat sa kanyang mata bago tahimik na lumapit sa kotse.
"May dugo sa truck at nakahandusay rin si Jessica sa sahig."
"Sila Aurora at Mir?" Nagaalala kong tanong at mabilis na bumaba sa kotse at sumilip din sa gate. Kumunot ang aking noo sa nakita, nakahandusay nga si Jessica sa sahig at bahagyang nakatingin sa aming direksyon kaya't kitang-kita ang tila butas nitong noo na mukhang gawa ng bala at baril.
Tinalikuran ko iyon at kinuha ang flashlight sa kotse bago muling sumilip doon at napansing lumabas sa factory si Aurora at si Rhey at tila may pinagtatalunan. Tinapat ko ang I.D sa censor kaya napatingin sila sa aking direksyon.
Mabilis akong pumasok sa loob at tinapat ang flash light kay Jessica at sa truck, napataas ang aking kilay nang makita roon si Josiah na nakahandusay rin.
"Millioshi..."
"Ipasok ang kotse, Rhey." Utos ko at hindi pinansin ang pagtawag ni Aurora.
"What the?" Si Mavie.
Narinig ko ang pagpasok nang kotse kaya inangat ko ang tingin kay Aurora. "Tawagin mo ang lahat." Mukhang may gusto pa siyang sabihin ngunit hindi niya na itinuloy bago mabilis na pumasok sa loob.
Pinilig ko ang aking ulo at hinilot ang aking sintido, naiirita sa nangyayari. "Ate Mill!" Sigaw ni Mir at mabilis na yumakap sa akin, niluhod ko naman ito at bahagyang ginulo ang kanyang buhok.
"Doon ka lang sa pintuan, maguusap kami." Masigla itong tumango at sumunod akya napatingin ako sa mga kasama namin dito, so Rosette, Martin, Aurora, Rhey, Mavie, at Ako.
"What happened?" Seryoso kong tanong.
"May nakasalubong kaming mga tao sa kalsada at tinangka ni Josiah na sabihin ang tungkol sa Hershel. He tried to kill me but before he could I shot his chest." Seryosong saad nang lalaki, may bahid ng takot at pagaalala sa kanyang mata.
"How about Jessica?" Tanong ni Mavie.
"She was mad, she tried to kill Mir when she knew that I shot Josiah.." Nagkatinginan sila ni Aurora at mukhang nagaalangan sa isang bagay.
"Mir..killed her." Napaawang ako at nilingon si Mir na nakatitig sa katawan ni Jessica at napangiti bago umangat ang tingin sa akin at matamis akong nginitian. Putcha.
___
ecelle.
YOU ARE READING
DAY WALKER (A Zombie Apocalypse)
Science FictionLife is always a battle, but for the time being, I feel like I'm fighting a war, and every move I make could put my life in jeopardy. In times like these, I don't know where to run; a spot where I used to dwell peacefully has turned into a field whe...