"KAILAN pa kayo nandito? Ayos lang ba kayo?" Mabilis kong tanong at tiningnan ang kabuuan nila, hindi pa rin ako makapaniwala."Limang araw na, kumusta ka? Ayos ka lang ba?" Si Kuya, napangiwi pa ako nang hampasin ako ni Mama kahit na umiiyak naman siya.
"Saan ka ba nanggaling ha?!" Napakamot ako sa aking ulo at napatigil nang may maalala, nilingon ko ang look out bago muling binalik ang tingin kay Mama.
"Wait lang, Ma." Hinalikan ko pa ang pisngi nito bago sila nilagpasan. Tumaas ako sa look out at tinabihan si Mavie roon bago pinasadahan ng tingin ang paligid.
"You are Millioshi Grimes...buhay ka pa rin." Napailing na lang ako.
"Maguusap tayo mamaya at tsaka, siguraduhin mong nakikita mo lahat nang dapat mong makita." Seryoso ko itong tiningnan. "Marami sila, hindi imposibleng hanapin kami at makita ang Hershel." Tumango siya kaya tinapik ko na lang ang balikat nito at mabilis na bumaba.
"Rhey! Hilahin niyo ang sasakyan sa labas at ipasok sa loob. Lagyan niyo ng gasolina." Mabilis na sumunod sa akin ang lalaki kaya naglakad na ako pabalik kay Mama. Napapikit ako nang muli niya akong hinampas.
"Ma, nakakasakit ka na ha." Nagsusumbong akong tumingin kay Kuya pero tinawanan niya lang ako.
"Saan ka nga nanggaling?! Limang araw kang wala!" I heaved a sighed.
"Sinundan ko lang si Aurora, sa Port kami napunta. Nagtago kami ni Mir kaso nahuli kami, nakatakas kami kaso namatay ang kapatid ni Aurora tapos bumalik kami rito." Mabilis kong kwento.
"Eh, may masakit ba sayo?" Bahagya akong ngumuso.
"Masakit ang katawan ko hehe, kaya ko pa, Ma." Natahimik ako nang samaan niya ako ng tingin.
"Magpahinga ka na," utos nito, I chuckled.
"Ma, ako ang masusunod dito, hindi ikaw—aray!" Sigaw ko nang hampasin niya ulit ako, nagulat na lang ako nang sumulpot sa harapan ko si Mir at tinutukan ng baril sila Mama.
"Mir," walang emosyon niya akong tiningnan.
"Nakatatlong hataw na siya sayo, Ate. Itali niyo na siya, nanlalaban." Napailing na lamabg ako at kinuha ang baril sa kanya.
"Nanay ko 'yan, Mir. Hindi pwedeng ganyan kay Lola, magagalit ako sayo." Nagiba ang kanyang emosyon at bahagyang lumambot ang kanyang itsura bago tumungo. "Magsorry ka," utos ko.
"S-Sorry po.." Tipid akong ngumiti at ginulo ang kanyang buhok.
"Sige na, pasok na sa loob. Humingi ka ng pagkain kay, Ate Rosette." Hindi siya nagsalita at tumakbo paalis, tiningnan ko naman si Mama at hahatawin na sana ako pero napatigil sa ere ang kanyang kamay.
"Hindi na ata ako tatagal kapag iyon ang kasama ko." Dinig kong sabi niya, natawa na lang ako at niyakap siya.
"Ma..I miss you."
"Ang baho mo," napasimangot ako at lumayo sa kanya.
"Kala mo naman ang bango niya," nilibot ko ang aking tingin at tsaka pa lang napansin si Sergeant Kier at Sergeant Reayson. Putcha, nandito pala sila?
"Sergeant!" Ngumiti ako at kumaway, lumapit naman ang dalawa sa akin at niyakap ako. "Nandito pala kayo, hindi ko kayo napansin ah." Sabi ko nang humiwalay sila sa akin.
"Hindi mo talaga kami mapapansin, Grimes. Pati si Cap, hindi mo napansin." Hinanap nang mata ko si Cap Nelton at nakitang nakacross arm lang ito at nakatingin sa amin, nginitian ko siya at kinawayan pero inirapan lang ako bago nagtungo sa iba nilang kasama, attitude e.
"Sige na...magpapahinga na muna ako, Ma, Kuya, Sergeant's." Tinapik ko pa ang balikat nila bago tumingin kay Mavie.
"Mavie! Wala kayong papasukin hangga't hindi ko sinasabi." May kalakasan kong sigaw, tumango naman siya kaya tinalikuran ko na sila at pumasok sa loob at tinungo ang kwarto ni Aurora at Rosalie bago mabilis na nagpalit ng damit at nahiga sa kanilang tabi.
YOU ARE READING
DAY WALKER (A Zombie Apocalypse)
Sci-fiLife is always a battle, but for the time being, I feel like I'm fighting a war, and every move I make could put my life in jeopardy. In times like these, I don't know where to run; a spot where I used to dwell peacefully has turned into a field whe...