CHAPTER 33

6 0 0
                                    


PANGATLONG araw, wala kaming tiyansa na makapasok sa Anery Doctors. Hindi ko pa rin nakikita si Papa at ilang tauhan lamang na nagbabantay at pumapatay sa mga Day Walker— ang mga nilalang na nandito sa Anery.

"Aalis sila..." Dinig kong bulong ni Daniel habang nakatingin kami sa naturang hospital, gamit nito ang binocular telescope. Inabot ko iyon at tiningnan, may naguusap na dalawang lalaki at matapos noon ay umalis na sila at naiwan doon ang isang bantay.

This is our chance...hinintay namin silang tuluyang makaalis bago kami kumilos. Mabilis akong nakapunta sa likuran ng isang lalaking bantay bago ko hinampas ng baril ang kanyang batok.

Nakita ko ang pagkilos ni Daniel at hinila namin ang dalawang lalaki sa gilid bago binuksan ang gate ng hospital. Nanatili kaming tahimik habang sinusundan ko siya.

Sa back door kami pumasok, walang tao sa unang palapag kaya dumiretso kami sa pangalawang palapag. Mabilis kaming nakapagtago nang may makitang Doctor na papalapit sa amin. Pumasok kami sa isang kwarto at nakita ang mga taong nakaratay sa mga kama. Sa itaas ay may nakaharang sa kani-kanilang plastic at mukhang iniiwasan silang ma-infect.

"Alwina..." Nilingon ko si Daniel at nakita itong tinatahak na ang direksyon sa isang babaeng nakaratay rin sa kama. Binuksan niya ang nakaharang na plastic doon, bahagya akong kinabahan nang gumawa siya ng ingay kaya mabilis ko iyong nilapitan at hinawakan ang kanyang braso.

Tiningnan ko ang babae at namumutla ito, may roong nakakabit sa kanyang swero at kapansin-pansin ang natuyong sugat sa kanyang mukha.

"Anong...ginagawa sa kanya?" Mayroong weird na kulay berdeng likido na nasa isang transparent na tangke ang nandoon at iyon ay dumadaloy sa swero na nakakabit sa kanya.

Napatigil ako sa yapak na narinig...papunta rito. "Daniel...halika na, may tao." Saad ko at hinila ang kanyang braso pero nanatili ang hawak niya sa kamay ng babae.

"Daniel," muli kong tawag.

"Hindi...hindi ko siya pwedeng iwan dito." My teeth gritted. Sinasabi ko na nga ba, may dahilan siya para pasukin ang Anery Doctors. Eto ang dahilan, ang babae... at alam niyang hindi siya makakapasok dito ng magisa. Paano siya napunta rito? Ano ang kulay berdeng likido na iyon?

Lalong lumakas ang tibok ng dibdib ko nang marinig ang pagbukas ng pintuan. I was eager to hide but Daniel shot that person's head! Alam kong dumagundong iyon sa buong hospital!

"Go. Find your father, I can handle it alone." He said.

Naguguluhan ako. "Sigurado ka ba?"

"They are injecting a liquid on every person they think who can handle that liquid. Don't let them inject you anything." Tumatak sa akin iyon, he knew something about this hospital, he knew their motives but what the fuck is that liquid? Is it the virus?

"One more thing, Millioshi Grimes." Seryoso niya akong tiningnan. "They are dangerous, take care of yourself."

Pilit niya akong pinaalis at wala naman na akong nagawa pa. Tinungo ko ang third floor bago pa man nila pasukin ang kwartong iyon. I continue on my way on the top but a nurse went out somewhere and she sees me.

"He—" she topped on shouting when I pointed the gun on her.

"You'll scream or you'll die? Choose properly, sweetheart." Namumutla siya sa takot ng nilapitan ko ito. "Where is Melo Grimes?"

"I don't know—" nagngingitngit ang ngipin ko sa kanya. How come she didn't know!?

"Where is he?" Muli kong tanong, mas seryoso, mas nakakatakot kaysa kanina. She need to talk, we need to go home.

DAY WALKER (A Zombie Apocalypse)Where stories live. Discover now