DEDICATED TO seeyara
HINDI doon natapos ang lahat, kinuha ko ang kutsilyo na nakalagay sa kanyang batok at unti-unting hiniwa ang kanyang tiyan. Nabubulok na bangkay, iyon ang una kong naamoy. Nangingig ang kamay kong ipinahid ang kanyang dugo sa aking katawan.
This is my way of surviving, being a murderer. Matapos mapahiran ang sarili ay naghagilap ako ang pwedeng pamputol sa fence para makapasok ang mga zombie pero wala akong nakita kaya umalis ako doon at tumakbo.
Kusang huminto ang aking paa nang may nakitang nagbabantay, katapat ng isang gate. Wala na akong nakita pang tao bukod sa kanya at mukhang umaayon sa akin ang tadhana.
Kinasa ko ang aking baril at tahimik na lumapit dito at itinutok ang baril sa kanyang ulo. "Drop your gun." Sumunod kaagad siya sa aking sinabi ngunit hindi ko inaasahan na aatake ito, sinangga ko ang kanyang kamay na susuntok na sana sa akin gamit ang aking braso at ginamit ang kanang siko upang mapalayo ito.
Bago niya pa mapulot ang kanyang baril ay kusa na lamang gumalaw ang aking kamay at pinaputukan ito na siyang nagdulot ng ingay, iyon ang senyas.
When I opened the gate, I was shaking violently. Ni wala na akong maramdamang kaba habang papalapit sila sa akin pero nang lagpasan nila ako at nagpunta sa babaeng iyon ay tuluyan na akong bumagsak.
Paulit-ulit na dumadagundong sa aking tainga ang tunog ng baril at tila paulit akong bumabalik sa nangyari kanina. It was just unexpected, wala iyon sa plano ko.
Sunod-sunod na tunog nang baril ang nagpagising sa akin, mabilis akong tumayo at nakihalubilo sa mga zombie na pumapasok sa loob. Tinitingnan ko ang bawat kwarto na dinadaanan ko at wala na akong nakitang tao sa mga selda at mukhang nagawan na ng paraan ni Sergeant Kier na maitakas sila dito.
I was looking for where they kept the guns, oblivious to the screams around me. I was about to open a door on my right side when I heard a gunshot and saw it. When I look back, I see the old man who had perverted me when I woke up earlier.
"Sinasabi ko na nga ba na may plano ka." He uttered, nawala ang atensyon nito sa akin nang may tumakbong zombie sa kanyang direksyon. Sinubukan niyang barilin silang lahat pero naging sunod-sunod iyon at nawalan na ng bala ang kanyang baril.
"Help...Help me!" Hindi ko ito pinagtuonan nang pansin at pumasok sa pintuang iyon at napaawang na lamang ang aking bibig. Tatlong kama, tatlong babae, hubo't hubad. Putangina.
Mabilis akong lumapit don at tinakpan ang kanilang katawan. Nakakadena ang kanilang mga kamay at mabilis kong hinagilap ang mga susi, nanlalambot ang mga tuhod.
"Are you okay?" Pinilig ko ang aking ulo at kaagad na pinagsisihan ang sinabi. Tinanggal ko ang kadena nila at sinubukan silang iupo pero mukhang ayaw nila.
"Can you kill me?" My jaw dropped. I shook my head immediately.
"Tatakas tayo, they're distracted and some of them already die—" Umiling ito, sobrang putla nang kanyang mukha at halatang-halata ang pagod na kanyang nararamdaman.
"What is the value of life? There are a lot of monsters in this place, and there are zombies outside." Mariin akong pumikit at hinawakan ang kamay nito bago huminga ng malalim.
"You can still live, all of you. I can take care of you." Hindi sila sumagot kaya ako nanlumo, ramdam na ramdam ko ang hinanakit at poot na dala-dala nila. Gusto na nilang mawala at tuluyang makapagpahinga. "Are you sure?"
Hindi ito nagsalita pero nakita ko ang kasiguraduhan sa kanilang mata. Nilabas ko ang aking hand gun at inilapag sa kama. "I can't kill you, I'm sorry that this happened to you."
"The guns are inside that room," turo niya sa isang pintong katapat nang kanilang hinihigaan. "I know you're a good person; at the very least, before we die, I help you with minor matters."
"There is also a door that can lead you to the exit." Tipid akong ngumiti at naglakad papalapit sa pintong tinuro nila bago iyon binuksan, sinulyapan ko pa sila ng tingin.
"I pray for your peace." Pumasok na ako nang 'di ko na makayanan at bumungad kaagad sa akin ang mga baril, hindi na ako nagaksaya pa ng oras at mabilis na dumampot ng bag at inilagay doon ang mga baril.
Tatlong sunod-sunod na putok nang baril ang nakapagpatingin sa pintuan, nasundan iyon nang ungol nang mga infected at mukhang napasok na nila ang kwarto. Kumuha pa ako ng isang bag at naglagay muli ng baril doon, kung hindi ako magmamadali ay baka tuluyan nang masakop ng infected ang buong lugar at hindi ako makalabas.
Sinukbit ko ang mga rifle sa aking braso at isa sa leeg, hangga't kaya ko ay hindi ko iyon tinigilan hanggang sa may mapansin ako sa likod ng drawer, isang cart. Nagdalawang isip pa ako dahil baka marinig nang mga zombie pero mas mapapabilis ako kung mayroon nito.
"Bahala na." Nilagay ko doon ang dalawang bag at iba pang baril na kasya bago ko iyon tinulak at binuksan ang pinto palabas, maraming zombie ang nagkalat kaya tahimik akong naglakad at mahigpitang hawak sa cart. Naramdaman ko ang tingin nila sa akin kaya bahagya akong huminto para huminga bago muling nagpatuloy.
Naririnig ko na ang tunog nang pagalis ng sasakyan at mukhang sila Sergeant na iyon, natatanaw ko na rin ang sasakyan ko mula rito. Handa na sana ako sa pagtakbo nang makarinig ako ng putok ng baril at kung paano ito tumama sa aking balikat. Mahina akong napamura dahil sa hapdi at sakit bago inangat ang aking M4A1 at hindi na pinansin ang mga zombie sa paligid at nagpaulan na lamang ng bala.
Naiiyak na ako sa hapdi nang takbuhin ko ang kotse at marami silang nakasunod sa akin. Nakita ko sa sahig ang susi at mabilis itong binuksan. Ibinato ko na lamang ang mga baril sa loob bago pumasok, hinampas nila ang bintana ng kotse, siguradong naamoy nila ang dugo at kahit anong tapal ko ng dugo ng zombie sa katawan ko, hangga't may dugong lumalabas, hindi nila ako titigilan.
I was groaning because of the pain on my arm, I know its deep. Tinahak ko ang direksyon pabalik sa bahay kung saan namin sila iniwan. Nahihilo na ako at madilim na din, hindi ko alam kung ilang araw kaming nandoon at kung kumusta na sila.
Napatingin ako sa walkie talkie ko, eto lang ata ang swerte ko ngayon. Hindi ko siya nawala at malaki pa ang tiyansa na makausap ko sila Mama at Kuya. Makukumusta ko sila.
Kumurap-kurap ako upang labanan ang pagkahilo nang matanaw na ang bahay, nasa labas silang lahat at mukhang may inaantay. Napatingin silang lahat sa aking direksyon kaya tipid akong napangiti. I guess they're waiting for me?
Hininto ko ang kotse at tinanggal ang baril sa aking katawan at inilagay lang sa aking bulsa ang walkie talkie bago binuksan ang pinto at nakita ko sila nang malinaw.
"Iniintay niyo ba—" nahilo ako bigla at bumagsak sa sahig, mabilis ang pagdalong ginawa ni Capt. Nelton at binuhat ako papasok sa bahay.
"Ang tigas ng ulo mo, Grimes. Sobrang tigas ng ulo mo." I let out a soft chuckle that quickly turned into a sob. "You got shot?" I slowly nod my head.
"I'm tired.." mahina kong saad. "Look after them while I'm sleeping, hmm?"
"Hmm..yes, Grimes. Sleep well, you did a great job today." Naramdaman ko pa ang pagpalis nito sa aking luha kaya napatingin ako dito.
"I'm sorry for accusing you.." I manage to say until I black out.
____
ecelle.
YOU ARE READING
DAY WALKER (A Zombie Apocalypse)
Science FictionLife is always a battle, but for the time being, I feel like I'm fighting a war, and every move I make could put my life in jeopardy. In times like these, I don't know where to run; a spot where I used to dwell peacefully has turned into a field whe...