CHAPTER 9

16 0 0
                                    

DEDICATED TO arkiSTEPH

I'M CURIOUS in the life that awaits us on Hesery. Is that camp secure? How safe was it on the drive there? Is it truly risk-free? Did they come across a bunch comparable to the ones we see in the arena? On Vlad's team?

Nakikipaglaban ako sa kanya at gumagamit na ako ng malakas na pwersa para pabagsakin ito, sunod-sunod na rin ang pagputok ng baril sa aking likuran at ano mang oras ay matutuon ang atensyon ng infected dito at doon ay pwede na kaming tumakas. I need some time to prevent Vlad from saying anything to his group till they kill them.

I could hear the zombies roaring as the beep neared. Hindi lang iyon dahil unti-unti na ring naglalabasan ang mga zombie sa kagubatan at napansin ko ang pagtuon sa kanila ng atensyon ng grupo ni Vlad. Umaalingawngaw na rin ang putok ng baril na siyang dahilan kaya umaatake ang mga zombie.

"Fuck you, Grimes." Anito. Kinuha ko ang baril sa bewang niya at itinutok sa kanya. "You're really his sister. Ugh, fuck."

"Because I am," pinutok ko ang baril sa braso niya at napangisi nang humiyaw ito sa sakit.

"Grimes! We need to go!" Mayroong humawak ng aking balikat kaya napatingin ako doon at nakita si Capt. Nelson ngunit nang ibalik ko ang tingin kay Vlad ay tumatakbo na ito papasok sa gubat. I was going to run over to him when Nelson stepped in and stopped me.

"We need to go.."

"But Vlad—" Nagulat ako nang bigla nitong inangat ang kanyang baril at tila may pinatamaan sa aking likod.

"Your students needs your help; they are fighting the infected, and we had to go before the zombies devoured us." Seryoso nitong sambit.

"He killed Shakira!" Asik ko. "He killed the kid!"

"Yes, he did, and I apologize; nevertheless, your student is still a child, and the children are battling the infected. Do you believe Shakira will be pleased if you direct your rage at him? No, I'd say. Grimes, wake up! You aren't the one." Mariin kong kinagat ang aking labi at pinasadahan ng tingin ang paligid, nandon pa nga rin ang studyante ko at nagtutulong-tulong sa pagpatay sa mga infected, ang kasamang bata ni Vlad ay may roong hawak ng baril habang pinapaputukan ang malalapit sa kanila, natagpuan ng aking mata ang batang si Shakira. Despite the fact that she was being eaten by zombies, her hand was still embracing the gun I had given her.

I exhaled and wiped my tears away before confronting Nelton. "Get them out of here, and I'll give you some time to figure out how to get away."

"How about you?" Matipid akong ngumiti.

"I'm on your back. Go, get out of here." Ilang segundo niya pa akong tinitigan bago tumango at bahagya pang hinaplos ang aking buhok.

"Okay, we'll find a place and wait for you." Tinapik ko ang balikat nito bago tumakbo papalapit sa baril na ibinaba ko sa sahig.

Ang zombie na dala ng kotseng iyon ay tumatakbo na papalapit sa amin, tila kumaonti ito ngunit madami pa rin sila kumpara sa amin.

Pinaputukan ko ang zombie na aatake na sana sa isang babae na tila inaayos pa ang kanyang baril. Napatingin ito sa akin, nanlalaki ang mata.

"Go!" Sigaw ko bago pinatamaan ang papalapit sa kanya, napapikit ako sa iritasyon nang hindi pa rin ito kumilos, tinakbo ko ito at hinawakan ang kanyang braso bago siya hinila paalis.

"Hestisia! Winn! Come here!" Dinig kong sigaw ni Capt. Nelton nang tingnan ko iyon ay nakita ko ang dalawang studyante ko na nakikipaglaban sa infected ngunit naalis ang aking tingin doon nang bumagsak ako sa sahig, nabitawan ko ang braso ng babae at iniharang ang aking kamay sa bandang leeg nang infected na nadagan sa akin. Sinulyapan ko ang babae at nakita ang pagkataranta nito.

"Run! Go to that truck! Faster!" Sigaw ko at inangat ang aking braso pero sobrang lakas nito. May humila rito sa likod kaya naalis ang pagkakadagan niya sa akin at napunta ang atensyon sa babae, mabilis akong bumangon at tinulak iyon kaya parehas kaming nabagsak sa sahig.

"Run! Fuck! Just go!" Muli kong sigaw at hinawakan ang ulo ng infected at paulit-ulit na iniuntog sa sahig, tumatalsik pa ang dugo nito sa akin pero wala akong pakialam.

"Ah!!! Tulong!!" Napatigil ako sa madinig na sigaw ng isang bata bago tumayo at inapakan ang ulo ng infected na kanina ay hawak ko bago kinuha ang aking baril at inilibot ang tingin sa paligid.

Dalawang bata ang patuloy na nakikipagbarilan sa infected, mayroong isang lalaki sa likuran nila at binabaril ang kabilang direksyo habang ang isa namang bata ay tuluyan ng pinagkaguluhan ng mga infected. Pinasadahan ko ng tingin ang paligid at nakitang umaandar na ang truck, kasunod nito ang dalawang kotse. Napako ang tingin ko sa sasakyang sinakyan ni Vlad kanina.

"Go to the pick up!" Sigaw ko sa lalaki nang mapansing malapit na sa amin ang infected dahil mas malapit siya doon. "Go! I will back you up!" Dugtong ko at binaril ang mga infected na malapit sa kotse, umikot ako at binaril ang aking mga nasa likuran bago muling nilingon ang lalaki at nakitang tumatakbo na ito papunta sa pick up. Tiningnan ko ang dalawang bata na nabitawan na ang baril nila, siguro ay wala ng bala o pagod na ang kamay nila.

May humawak sa balikat ko at mabilis akong lumayo doon at binaril ang infected. "Tulong! Tulong!" Nilingon ko ang dalawang bata na umaatras dahil may isang infected na papalapit sa kanila. Tinaas ko ang aking baril ngunit napamura na lamang nang wala ng lumabas na bala iyon, mabilis akong tumakbo papalapit sa kanila at binabangga na lamang ang mga infected na aking nakakasalubong bago hinawakan ang dulo ng rifle at malakas na inihampas sa infected na papalapit sa dalawang bata na miski ang baril ay tumilapon. Kinuha ko ang kamay ng dalawa bago kami tumakbo papalapit sa pick up at isinakay ang dalawang bata bago sumampa.

May mga baril doon kaya kinuha ko ang MG36 bago naupo sa pick up at ibinaba iyon sa aking hita at pinaputukan ang sumusubok lumapit sa amin.

"Magmaneho ka na! Tangina, bilisan mo!" Sigaw ko dahil nasa amin na ang atensyon nang mga infected. Nadinig ko ang putok ng baril sa aking gilid at mukhang tinutulungan ako ng dalawang bata.

Mahina akong napamura nang biglang umatras ang pick up kaya lalo kaming napalapit sa infected, aangal na sana ako nang mabilis itong umandar papalayo sa mga infected na tumatakbo papunta sa amin. Napasandal na lamang ako at hinahabol ang hininga at pagod na tiningnan ang nga sunusubok na humabol sa amin.

Binalingan ko ng tingin ang dalawang bata na hinahabol din ang saring hininga, ginulo ko ang buhok ng dalawa at tipid na ngumiti bago nanghihinang tumayo at tiningnan ang dinadaanan namin. Hindi ko matanaw ang sinasakyan ng mga kasama ko but the tracks are visible, mayroong dugo sa kalsada at iyon ay bakas ng gulong.

Ilang minuto pa ay tuluyan ko ng hindi nadinig ang mga infected at mukhang nakalayo na kami. Bumaba ang tingin ko sa dalawang bata na nakatingin lamang sa kalangitan at parehas na nakahiga sa pick up, wala sa sariling tiningnan ko ang langit. Maraming bituin at ang saya sanang titigan iyon hanggang sa makatulog pero walang masaya sa nangyari ngayon. Hindi masayang pumapatay ka ng kapwa mo tao, infected man o hindi lalo na para sa mga inosenteng bata na ngayon ay humahawak ng baril para lamang mabuhay.

Tumigil kami sa isang bahay, mayroong gate doon at nandoon sa loob ang mga sasakyan na dala ng mga kasama ko. Lumabas doon ang mga kasama ko na pinapangunahan ng tatlong sundalo, bumaba ako sa pick up at tinulungang makababa ang dalawang bata bago kinuha ang baril na nandoon at napatingin sa lalaking nagmamaneho na lumabas na rin.

Inilagay ko iyon sa dibdib niya bago ito tinalikuran at lumapit kila Capt. Nelton, Sergeant Kier at Reayson.

"You should rest.." Dinig kong bulong ni Capt. Nelton, madahan akong tumango at tinapik ang dibdib nito.

"Head inside and rest." Saad ko at sinenyasan silang mauna pumasok, sumunod naman ang mga ito, pinapasok ko na rin ang mga bata at ang lalaking iyon sa loob. Kumapit ako sa balikat ni Capt. Nelson at tuluyang napahikbi, mukhang nagulat pa ito pero nanatili ang tingin ko sa sahig at hinigpitan ang pagkakapit dito dahil kung hindi ay babagsak ako.

"Grimes.." Mahina nitong tawag.

"Shh..just a minute." Pagpapatigil ko sa  kanya. Naramdaman ko ang marahan nitong paghawak sa aking ulo at bahagyang hinaplos ang aking buhok.

"Its okay.." Aniya. Madiin akong napalunok at pinipigilan ang sariling lalong umiyak sa harapan niya. "You did well today, Grimes. You did well..."

___

ecelle.

DAY WALKER (A Zombie Apocalypse)Where stories live. Discover now