CHAPTER 7

9 1 0
                                    

DEDICATED TO ColleenViray

"Thank you for saving us," nanatili ang tingin ko sa aking kamay, pinagpapahinga pa ako ni Capt. Nelton, tinakot niya pa ako na ikakadena niya ako sa kama kung aalis ako. Hindi naman ako natatakot dahil alam kong kailangan kong magpahinga, masakit din ang buong katawan ko nang magising ako kahapon lalo na ang braso ko dahil wala naman kaming anesthesia.

"Hmm...its you who save me and Sergeant. Kung hindi ka sumangayon sa plano ko, siguradong mamatay ako doon." Mahinahon kong sagot at bahagyang pinilig ang aking ulo at nagangat ng tingin dito bagi ngumiti. "Let's stop thinking about that, I hope you feel safe here." Tumango ito at binigyan din ako ng matamis na ngumiti bago nagpaalam na lalabas muna ito.

Bumalik ako sa pagkakahiga sa kama, nilinis muna nila ang buong kwarto kung saan may infected dito sa bahay nang ilagay ako dito, mukhang hindi na rin tinangka pang buksan ni Capt. Nelton ang kabilang kwarto dahil marami kaming kasamang bata. He was incharged after all, hindi din umalis ang mga nagtangka dahil nadinig kong tinakot sila ni Capt. Nelton.

Natulog muli ako para makalabas na ako sa kwarto. Noong dumalaw sa akin ang mga studyante ko na si Solomon at si Nikka, nabanggit nilang umalis si Capt. Nelton at Reayson para kumuha ng makakakain sa mga malalapit na bahay at upang magsalin ng gasolina. Gusto kong tumulong sa kanila, tatlo lang silang may karanasan sa paggamit ng baril at sa pakikipaglaban kaya alam kong nahihirapan na rin sila.

Nang magising ako ay naabutan ko si Capt. Nelton sa aking tabi at nililinis ang aking sugat, madahan akong gumalaw kaya nagtama ang mata namin, mabilis naman bumaba ang tingin niya sa sugat ko at nilagyan na ng gasa.

"Natutuyo na ang sugat, pwede ka ng gumalaw-galaw pero ingatan mo ang braso mo para hindi magdugo." Niligpit nito ang ginamit niya kaya naupo ako sa kama at napakurap-kurap pa. "Nagising ka raw kanina," tumango ako at tinanggal ang kumot sa aking katawan.

"Hmm..kumusta, nakakuha naman ba kayo ng pagkain?" He sighed before shooking his head, mukhang nakuha na iyon nang mga nakaengkwantro namin sa arena. "Mga ilang araw pa bago maubos ang pagkain natin?"

"May konti kaming nakuha noong umalis kayo. Para sa dalawang araw lang iyon dahil masyado na tayong marami." Huminga ako nang malalim bago tumango, kailangan na naming umalis. Baka pwede na kaming pumunta sa Hershel, in two days they need to practice on how to use a gun.

"All right, gather them outside; we need to teach them how to use a pistol, and make sure your Sergeants are informed."Utos ko bago tumayo sa kama at ginalaw-galaw muna ang aking braso.

"Don't put too much force on your arm, its not healed yet." Seryoso nitong saad kaya tinigil ko ang paggalaw bago tumango dito, sinulyapan niya pa ako bago tuluyang lumabas.

Inayos ko ang pagkakatali ng aking buhok at isinuot ang aking polo longsleeve, sinuot ko rin ang aking sapatos bago kinuha ang hand gun sa lamesa. I was almost ready to go when I noticed a creaking sound coming from the walkie talkie.

"H-Hello..? Bunso, are...you there?" Nangilid kaagad ang aking luha nang madinig ang boses ni Kuya. "Are you okay?"

"Kuya, I miss you." Sagot ko. Naupo ako sa kama at madiing kinagat ang labi.

"I miss you too..are you okay? Hmm?"

"I'm doing well, how about you? Where are you?" I asked, wiping the tears on my cheeks.

"We're in Hesery, Mom is here and we're okay." They did it, alive. I miss Mama too and Papa. "Where are you?"

"I'm still here in Lisery, marami kami dito at nasa isa kaming bahay. Magpupunta kami sa Hershel, a day or two from now. We'll look for a place to stay, as well as food and water. We don't have a lot of supplies." Lumabas ako ng kwarto at bumaba sa sala, wala ng tao doon kaya lumabas ako ng bahay.

"I'll attempt to get a chopper out, but I know it'll be difficult; the General doesn't want to send a rescue since there are so many survivors at the camp, and the infected are running rampant, and we're in a tight spot right now."Nagtama ang tingin namin ni Capt. Nelton, sinenyasan ko siyang lumapit sa akin at lumayo sa mga kasama namin, they were looking at me down to the walkie talkie that I'm holding.

"Why?" Tinaas ko ang walkie talkie ko.

"Kuya, I'm with Lieutenant Sandel. He is the one who left behind when they rescue the school." Pagpapakilala ko, kinuha sa akin iyon ni Capy. Nelson.

"I know him," anito at lumayo pa sa akin kaya bahagya akong napatanga. They know each other? How come?

"Fuck you, Grimes. Talk to them so you can rescue us here, I don't care just send the damn chopper. Yes, okay, see you bro." Inabot nito sa akin ang walkie talkie matapos ang mabilis nilang paguusap. "Talk to your mother."

"Anak..Milly?" Kumurap pa ako bago sinagot ang tawag.

"Ma, are you okay?"

"Bwisit kang bata ka! Sinasabi ko na nga ba e! Nagugutom ka ba? Ha? May sugat ka ba? Ayos ka lang ba diyan? Hoy, Mile! Nasaan ba iyang General niyo at kakausapin ko!" Napapikit ako dahil sa lakas ng boses si Mama, alam kong naiirita siya, lalo na kay Kuya. Sana lang ay hindi sila magaway.

"Kalma, Ma. Ayos lang ako, well..ayos pa naman."

"Magsesend ang Kuya mo ng chopper, pumayag man ang lintik an General na iyan o hindi. Pupunta kayo ng Hershel hindi ba? Susubukan namin na magsend ng chopper sa lalong madaling panahon. Hang in there, Anak. Magkikita pa tayo." Madahan akong ngumiti.

"Yes, Ma. I need to go, I miss you."

"Miss na din kita, kami ng Kuya mo. Magingat ka. Over and out." Namatay na ang tunog kaya huminga ako ng malalim at ibinulsa na ang walkie talkie at tumingin lamang sa palayan.

We need to go to Hershel early as possible. Malayo ito sa Lisery dahil kinakailangan naming pumasok sa Welery para makapunta sa Hershel, hindi namin alam kung anong sasalubong sa amin doon.

Tila nanlaki ang aking tenga nang may marinig na mumunting ungol sa aking kanan, tinanaw ko iyon at nakita ang tatlong zombie na papalapit sa direksyon ko. Huhugutin ko na sana ang baril ko nang maalala ang aking mga kasama, they must learn to fight, and this is the best way to teach them.

Naglakad ako pabalik sa aking mga kasama at mga nagaatrasan na dahil sa paglapit ng mga zombie.

"Don't kill them," saad ko nang makitang may hawak na ang tatlong sundalo nang kutsilyo. Nilingon ko ang mga kasama ko at ngumiti. " Lahat ng lalaking nandito, maggrupo kayo ng tatlo at patayin niyo ang mga zombie na iyan sa paraang gusto niyo. Kung hindi niyo kaya, kayo ang papatayin at kakainin nila."

Lahat sila ay nagreklamo, maliban sa mga nasagip namin sa arena na mayroon na kaagad na grupo. They're persistent to learn.

"Lahat ng babae, gumilid kayo." Pinangunahan ko ang pagtabi at hinintay na lumapit ang mga zombie sa kanila. Bata man o matanda, minor de edad o teenager, lahat sila kinakailangang lumaban, kinakailangan matuto. Iyon ang natutunan ko matapos makasurvive sa arena dahil walang pinipiling edad ang mga inaabuso at inaalipin nila at marami pa kaming sasalubunging mga problema habang nakapaligid sa amin ang mga zombie. Mas mabuti ng handa kaysa magsisi sa huli na sa huling sandali natin sa ating buhay, wala tayong nagawa para makasurvive.

___

ecelle.

DAY WALKER (A Zombie Apocalypse)Where stories live. Discover now