DEDICATED TO RainbowColoredMind
TUMATALSIK ang dugo nang putulin ko gamit ang palakol ang kanyang braso, inagapan iyon nang paglalagay ng tela ni Aurora na tinulungan ni Rosette—ang kapatid ni Rosalie.
Nanghihinang napaupo ako sa sahig at napasapo sa aking mukha ngunit lalo lamang akong nilamon nang takot dahil sa dugong nakuha ko roon.
"Millioshi.." Nanginginig akong napatingin sa kanya. "Its alright, she will be okay." I gasped. Bumaba ang tingin ko kay Rosalie na wala nang malay bago pilit na tumayo at nilapitan sila. Pinunit ko ang tela at mahigpit na iniikot sa naputol nitong braso.
Sobrang dami nang dugo at hindi ko na alam kung anong dapat naming gawin dahil natataranta na ako.
"Dumadami ang infected sa gate! We need to do something!" Dinig kong sigaw ni Josiah, mabilis akong tumayo at mahigpit na hinawakan ang akin palakol at naglakad palabas.
Nakita ko pa si Mir na nakasilip sa storage room mukhang naguguluhan sa nangyayari. "Stay there!" Mabilis itong pumasok sa loob dahil sa aking sigaw at tuluyang nakita ang mga infected na nagtatangkang pumasok.
Kinuha ko ang kutsilyo at sinaksak ang mga infected sa gate. Sa sobrang dami nilaa y tumambak silang lahat doon at patuloy pang nadadagdagan.
"Open the gate," hindi ito kumilos kaya marahas ko siyang tiningnan. "I said, open the gate!"
"Magpapakamatay ka ba?!" Hinawakan ko ang kwelyo nang kanyang damit at masana itong tiningnan.
"Follow what I said or else I will throw you out." Tinulak ko siya at nanatili ang masamang tingin dito, labag sa loob niyang sinunod ang aking utos. Mabilis akong lumabas at sumugod kaagad sa akin ang mga infected. Inatake ko rin sila at pinagtataga ito sa ulo.
Masama ang loob ko, naghalo-halo ang nararamdaman ko at kung hindi ko ito ilalabas ay mababaliw ako. Sa tanang buhay ko ay ngayon ko pa lang naramdaman ang ganito. Iyong pakiramdam na hindi ko alam ang gagawin at sobrang daming dugo ang umagos matapos kong putulin ang braso niya.
Sinipa ko ang nagtatangkang lumapit sa akin at mabilis na itinarak sa kanyang ulo ang kutsilyo. Sunod-sunod at walang tigil na tinapos ko silang lahat.
"Millioshi, Millioshi..Tama na." Dinig kong sabi ni Aurora.
Bumabalik sa akin ang lahat..kung paano ako nakipaglaban sa arena, kung paano namatay si Shakira, Jessel at kung paano ko sinubukang mabuhay para lang masiguradong ligtas silang makakaalis, kung paano ako kinuha ni Aurora at kung paano kami nakarating dito.
Masakit, pakiramdam ko iniwan nila ako at maiiwan lang akong magisa.
"Ate Mill..." Huminga ako nang malalim bago ito tiningnan.
"Sabi ko ay doon ka lang—" napatigil ako nang bigla niya akong yakapin. Mahigpit ang kanyang yakap tila ayaw akong pakawalan.
"Hindi kita iiwan, Ate..Dito lang ako palagi sa tabi mo." Inihilig ko ang aking ulo sa kanya at hinaplos ang likod nito.
Nawalan ako nang malay at natagpuan ang sarili sa CCTV room. Napatingin ako sa katabi ko at nakita roon si Rosalie, may benda na sa kanyang braso gayon pa man ay maputla pa rin ang kanyang mukha. Bumaba naman ang tingin ko kay Mir na nakayakap sa akin, matipid akong ngumiti at hinaplos ang buhok nito bago pinatakan nang halik ang kanyang ulo.
Hindi ko napapansin na lumalaki na pala siya. Mas humaba na rin ang buhok nito. Dahan-dahan kong inalis ang kamay nito at tumayo bago lumabas nang kwarto.
"Millioshi," napatingin sila sa akin ngunit tinanguhan ko kang siya at kinuha ang isang damit na nakasampay sa isang makina.
"Ihanda niyo ang sasakyan, kukuha tayo nang supplies." Matipid kong saad bago pumasok sa storage room at nagpalit nang damit.
Lumabas din ako kalaunan at nakita si Aurora na nagaabang sa labas. "Kumusta? Maayos na ba ang pakiramdam mo?"
"Si Rosalie, anong lagay?" Pagiiba ko sa tanong nito.
"She is going to be okay, how about you?" I smiled a little before nodding. Kinuha ko ang aking palakol sa gilid bago lumabas. Wala na ang mga namatay na infected sa labas ng gate at mukhang naialis na nila.
Hindi ko alam kung anong oras na dahil medyo madilim pa, kung gabi na ba o umaga na. Nang handa na ang lahat ay sumakay na ako at sinenyasan silang buksan na ang gate.
Katulad nang plano ay nagtungo kaming muli sa convinience store, wala naman kaming naging problema patungo roon dahil mabagal lang ang pagmamaneho namin at wala kaming ilaw. Pinatay rin namin ang mga infected na nagkalat mula roon para mas mapadali kami sa pagbubuhat.
Marami ang mga kahon, iba-iba iyon at tiningnan muna namin ang mga expiration dates para mahiwalay ang mga expired na. Hindi namin pinalagpas ang lahat nang makukuha namin doon at inilagay sa truck. Bago ako lumabas sa convinience store ay kinuha ko pa ang baril nang guard at ang kanyang I.D.
Binuhat ko ulit ang isang box bago lumabas, mabilis namang kinuha sa akin iyon ni Mavie at ibinigay kay Rhey. Huminga ako nang malalim at pinasadahan ng tingin ang paligid.
"Let's move," mahina kong sabi kay Mavie, tinulungan niya namang makababa si Rhey at tinapik ko ang balikat ni Josiah. "Follow the plan. Kung hindi pa kami nakakabalik bago sumikat ang araw, huwag niyo na kaming hintayin. Babalik kami kapag nagdilim." Tumango ang dalawa.
Pinauna ko na sa sasakyan si Josiah at palihim na ibinigay sa kanya ang baril kong luma. "Kung hindi sila aayon sa plano at may magtangka, ikaw na ang bahala. Magmatiyag kayo sa paligid at wala kayong papapasukin hangga't hindi sumasangayon si Aurora." Tinapik ko ang braso niya bago sinenyasang umalis na.
"Magingat kayo." Bumaling siya kay Mavie. "Pre, ingat ka."
Umalis na sila kalaunan at tinanaw ko sila hanggang sa mawala sila sa paningin ko. "Wala kang tiwala kay Josiah?" Umiling ako.
"He was persistent, wala akong tiwala sa kanilang lahat bukod kay Aurora." Naglakad na ako patungo sa sasakyan at pumasok doon, sumunod naman siya kaagad sa akin.
Tinahak namin ang madilim na daan papunta sa kabayanan, doon ko nakuha ang magkapatid na Rosalie.
Sinulyapan ko si Mavie na tahimik lang na nagmamasid sa paligid. Binalik ko ang tingin sa daan at ilang minuto pa ang nagdaan nang marinig ko ang pagtunog ng walkie talkie, mukhang nagulat doon si Mavie kaya napatingin ito kaagad sa akin.
Kinuha ko iyon sa bulsa at pinakinggan ang tunog noon. "You have a contact.." mahina nitong bulong at bahagya pang tumango tila pinipilit niya iyong isiksik sa utak niya.
"Hello, Hello?" Saad ko, sinusubukang kuhain ang kaniyang signal. Sumilip ako sa side mirror bago inihinto ang sasakyan. "Hello? May nakakarinig ba sa akin?"
"M-Mil-ll..s-si Mama mo ito-o." Bahagya pa akong napahinto bago huminga nang malalim.
"Ma, nasaan kayo?" Tanong ko.
"S-sa..b-boarde-er ng A-Anery." Biglang nawala ang tunog non. I frowned before putting it again on my pocket.
"Anery's Boarder..then they leaved the Hesery." Dinig kong sabi nito, muli kong pinaandar ang kotse. Malapit-lapit na sila kahit papaano, siguradong magkikita na kami kahit anong oras ngayong linggo.
"I thought there is a safe place?"
"Its gone." Matipid kong sabi. "There is no safe place now unless its an island or a ship. Lagi tayong mapapahamak sa lupa."
"Itinatago mo ba ito sa amin? That you have connection?" Umiling ako.
"Hindi ko tinatago at hindi ko rin sinasabi, I just don't like the thought that someone might stab me on my back. You're not that kind of person, right? Mavie?" Nilingon ko ito at seryoso lang itong nakatingin sa akin at umiling. I smirked before nodding.
"I know..I know." Papahina kong bulong.
___
ecelle.
YOU ARE READING
DAY WALKER (A Zombie Apocalypse)
Science FictionLife is always a battle, but for the time being, I feel like I'm fighting a war, and every move I make could put my life in jeopardy. In times like these, I don't know where to run; a spot where I used to dwell peacefully has turned into a field whe...