CHAPTER 24

6 1 0
                                    

DEDICATED TOShinichiLaaaabs

WE'RE NEAR, nakalagpas kami sa boarder at malapit na kami sa Hershel. I'm excited of seeing her again, if she was doing good. If she was having a bad time, if she is safe on the Hershel.

Napabuntong hininga ako nang huminto ang sasakyan, wala na kaming gasolina at inaasahan ko na iyon dahil wala akong mahanap na gasolinahan kanina. Nandito na kami sa kabayanan at nadaanan na rin namin ang isang hardware na punong-puno nang infected. Kung sino man nagkulong sa kanila ay nagpapasalamat ako dahil walang humabol sa amin.

"We have to walk," anunsyo ko bago bumaba ng sasakyan. Pinasadahan ko nang tingin ang paligid at sinenyasan silang bumaba na. Kinuha namin ang aming mga gamit bago kami nagsimulang maglakad, gutom at pagod kaagad ang aking naramdaman. Alam kong sila rin dahil hindi pa kami kumakain at gusto ko man na maghanap ay nagmamadali kami sa pagtungo sa Hershel.

Napatigil ako nang may marinig na kaluskos, mabilis kong tinapat ang aking baril sa direksyong iyon at nakita ang isang lalaking nakataas ang kamay. May sumunod sa kanya ang lima pang tao.

"I'm David," hindi ako natinag at nanatili ang tutok ng baril dito. "I'm from Municipal Jail."

"What do you need?" Seryoso kong tanong.

"You're on your way to Hershel, right?" Binalewala nito ang tanong ko, napataas ang aking kilay nang banggitin nito ang Hershel. "You're Grimes contact." Nilapitan ko siya at hinila ang kwelyo nang kanyang damit.

"What do you know about my sister?" Ngumiti ito at nagtaas nang kamay pero hindi ko siya binitawan.

"The Hershel and the Municipal Jail are an alliance; in fact, I'm on my way to Hershel right now since she's keeping two of our people." Binitawan ko ang pagkakahawak ko sa kanya at bahagyang lumayo.

"What do you need from us?" Dinig kong tanong ni Nelton.

"Nothing, I was curious if you are her contact." Nagkatinginan pa kami ni Nelton ngunit tumango lang ito. "Do you mind if we go there together?"

Hindi na kami umangal at sabay-sabay na naglakad papunta sa Hershel. I was somewhat furious since they had a car but chose to walk there with us.

Nagtulungan din kaming patayin ang mga infected na nadadaanan namin hanggang sa matanaw ko na ang Hershel, mayroong puting tela sa gate nito at napansin kong mayroong tao sa taas ng pader, tila nagmistulan iyong look out.

Tahimik kaming lumapit doon nang bumukas ito at iniluwa ang isang lalaki. Nasaan ang kapatid ko? Sinundan siya nang iba pa at tinutukan kami ng baril.

"Where is Grimes, Mavie?" Dinig kong tanong ni David at walang pagaalinlangan itong lumapit roon pero nang masundan pa ang isang hakbang ay nagkasa na ito ng baril. "What the? Mavie! Its me, David."

"I know, she told you that, Hershel isn't ready to accept anyone just yet."Nagkatinginan kami at bahagyang kumunot ang kanyang noo.

She? Is it my sister?

"Who are you? Why are you here?" Tinaas ko ang aking noo at ibinaba ang aking baril.

"I'm looking for Millioshi Grimes-" Pinutol niya kaagad ako.

"There is no Grimes in here." Mabilis na umapila si David.

"What are you saying Mavie?" Napatingin ako sa kanya.

"David, if you talk again. I will not give you a chance to live." Seryoso nitong saad.

"But there is Millioshi Grimes on Hershel, she leads the Hershel!" Matigas na saad nang lalaki.

"As I've said, Hershel is not ready to accept anyone, David. I know we joined forces but we don't welcome anyone yet." Muli nitong ulit.

"Why? Where is she? Patay na ba siya?" Nanlaki ang mata ko at bumaling sa tinawag nitong si Mavie. Patay? Imposible.

"We don't disclose our people's identities; if you still want to join forces, go back to the Municipal Jail."

"Rosette? What is happening?" Tanong niya sa isang babaeng may hawak din nang baril.

"I'm sorry, David. We need to follow the rule." Pare-parehas sila nang sinasabi, hindi ko maintindihan. Nasaan ang kapatid ko?!

Humakbang ako papalapit sa mga ito kaya tinutok nila sa akin ang baril pero hindi ako natatakot. Mas natatakot ako na may nangyaring masama sa kanya.

"Where is my sister?" Madiin kong tanong at mabilis na nahigit ang kanyang kwelyo, mukhang nagulat pa ito.

"Sister?"

"Yes, where is she? Her mother, her students, the soldiers are here. Where is she?" Binitawan ko siya, lumingon pa ito sa kanyang mga kasama at mukhang naguusap pa gamit ang kanilang mga mata.

"We don't disclose our people's identities—" Sinuntok ko ang mukha niya. Narinig ko ang pagtawag sa akin ni Mama pero hindi ko ito pinansin at nagngingitngit na hinigpitan ang pagkakapit sa kanyang kwelyo.

"Hurt me and we'll shoot." Walang emosyon nitong saad. Napatigil kami nang may marinig na ungol, itinulak niya ako paalis.

"Hershel is not yet ready to accept anyone. If you attempt to enter the Hershel, you will be tied." Tumalikod na ito at sinundan naman siya nang kanyang mga kasama.

"Anak, anong gagawin natin?" Huminga ako nang malalim.

"Pumasok tayo, wala akong pakialam kung itali nila ako. Kailangan kong makita si Millioshi." Tumango sila kaya walang alinlangan kaming pumasok sa loob. Napangisi ang lalaking iyon, si Mavie.

"I will come back, Mavie. Tell Grimes that I'm fetching the two of them." Dinig ko pang saad ni David. Sinarado nila ang gate gamit ang censor at napansin ang mistulang tanim sa loob ng Hershel. Malinis, may isang truck at mukhang ligtas dito.

Katulad nang sinabi niya ay itinali niya kami sa isang poste. He wouldn't dare to tie my mother's hand, but he did manage to knot her feet. He seemed to have some insight. My sister is here.

"Si Mir, where is he?" Dinig kong tanong ni Nelton. Hindi umimik ang lalaki at tinalikuran lang kami.

Nang unti-unting bumaba ang sinag nang araw ay bahagya akong nagulat nang may makitang dalang basket na naglalaman nang pagkain ang babaeng tinawag nilang si Rosette na naglalakad palapit sa amin.

"Kumain muna kayo," naramdaman ko ang pagkalam nang aking sikmura.

"Nasaan si Millioshi at si Mir?" Hindi ito umimik at tipid lang na ngumiti bago itinapat sa aking bibig ang isang rice cake.

"Kung hindi ka kakain, magugutom ka. Bukas na ulit kayo makakain." Nagtiim ang aking bagang at kinain iyon kaya napangiti ito.

"Where is she? Is she okay?" Muli kong tanong, napabuntong hininga ito nang bigyan ng pagkain si Mama.

"We're not allowed to share identity." Aniya.

"Just tell me that she is fine." Hindi ito nagsalita.

"Iha, mama ako ni Millioshi. Nasaan ba siya? Ang sabi niya ay nandito siya? Maayos lang ba siya?" Sabi ni Mama, napatigil naman ang babae at tumitig pa sa aking Ina bago luminga sa paligid.

"She left..kayo na po ang magpakain sa kanila. Huwag po kayong tatakas dahil wala kayong tatakbuhan." Tinanggal nito ang tali kay Mama kaya ito malayang nakagalaw. She left? Why?

Tatalikod na sana si Rosette ngunit tila may gusto pa siyang itanong. "Is there a chance that there is a doctor in your group?"

"I'm part of the medical team before, why?" Ani Mama.

"Uh, nothing." Mabilis itong umalis kaya naiwan kaming naguguluhan.

"She left, why is that?" Dinig kong sabi ni Nelton. Napaisip ako, bakit nga ba? Bakit hindi ko nakikita si Mir? Patay na ba siya?

"Kumain muna kayo, kailangan niyo nang lakas."

___

ecelle

DAY WALKER (A Zombie Apocalypse)Where stories live. Discover now