DEDICATED TO 4reuminct
NAPATINGIN ako kay Solomon nang tawagin ako nito at bumaba ang tingin sa hawak niya gayon din si Iliya na may hawak na dalawang malaking speaker.
"Pwede na po ba ito?" Tumango ako.
"Ayusin niyo na, make sure that its connected on a phone and after that both of you should rest." Sumangayon ang dalawa bago umalis sa aking harapan, binalik ko ang tingin sa main gate. Ilang oras na lamang ay sisikat na ang araw at doon ay maaari na kaming umalis pero hindi mapanatag ang loob ko.
Tiningnan ko ang mapang hawak ko at hindi maipagkakailang malayo pa kami sa Welery ngunit hindi pwedeng mahuli kami sa pagdating ng rescue.
Napatigil ako nang may bahagyang humila sa aking damit, nang tingnan ko iyon ay nakita ko ang batang si Mir, kasama ito nila Iliya at Hence.
"Ate..si Mosette po, may kausap po sa talkie." Kumunot ang aking noo. Talkie? "Andoon po siya sa banyo." Dugtong pa nito at hinila-hila ang aking damit. "Susumbong siya sa Monster!"
Natauhan ako, magkakasama sila nila Vlad at sigurado akong ang tinutukoy ng batang ito na monster ay si Vlad.
Sandali...naguusap sa walkie talkie? Mabilis akong tumayo at tumakbo papunta sa banyo at marahas itong binuksan at nakita si Mosette na tila nabigla sa biglaan kong pagsulpot. Bumaba ang tingin ko sa hawak niya at nakita ang naka-on na walkie talkie.
Dahan-dahan niya pa sana iyong itatago pero mabilis ko iyong hinablot at malakas na ibinato sa pader kaya iyon kumalas at nasira, nasundan iyon nang malakas na pagiyak ng bata.
Napatingin ako sa papalapit na si Iliya, ang dalawang Sergeant at ang iba pang gising na mukhang nabigla sa narinig.
"Gisingin niyo lahat! Aalis na tayo ngayon!" Malakas kong saad at sinulyapan ng tingin ang bata bago nagangat ng tingin kay Iliya. "Shut her mouth."
"What happened?" Anang sabi ng bagong lapit na si Capt. Nelton.
"She's talking to Vlad." Matipid kong sabi at nilagpasan ito, nadako ang tingin ko sa walkie talkie at kinuha ang fire distinguisher sa gilid at ipinukpok doon hanggang sa tuluyan nang masira iyon.
"Grimes," tumingin ako sa kanya nang maibaba ang hawak. "You should rest."
"We're leaving any minute by now, I don't have time for that." Seryoso kong saad at napansin ang paglalabasan nang mga kasama namin sa kwartong kanilang tinulugan. Hindi ganito ang inaasahan kong outcome ng plano, wala akong inasahang sisira roon. I didn't plan for the worse.
"Who knows how to drive?" May ilan sa kanila ang nagtaas ng kamay at isa na roon si Jessel at Hence. "Jesell, you're coming with me. All of you, fix yourself. We're leaving." Utos ko.
"Ate! Ako rin, sasama sa inyo!" Bumaba ang tingin ko sa batang si Mir na masiglang nakataas ang kamay sa aking harapan.
"No." Matipid kong saad bago naglakad palabas, kinuha ko muna ang isang rifle at hand gun bago tuluyang lumabas ng bahay.
Naupo ako sa pick up na sinakyan namin kanina at mariing pumikit. Ilang minuto akong ganon para mapakalma ang sarili, masyadong mabilis ang pangyayari at tila nilalamon na ako nito. Nakakapagod at nakakasawa.
YOU ARE READING
DAY WALKER (A Zombie Apocalypse)
Ciencia FicciónLife is always a battle, but for the time being, I feel like I'm fighting a war, and every move I make could put my life in jeopardy. In times like these, I don't know where to run; a spot where I used to dwell peacefully has turned into a field whe...