Chapter 3

491 6 0
                                    

Chapter 3

Akisha POV

(*Bell Rings)

Tumunog na ang bell kaya naman lumabas na kami ng room at pumunta ng canteen. Si Mich na ang nag order ng kakainin namin habang ako naman ay naghahanap ng mauupuan namin.

Ng makahanap ako ay agad akong umupo. Nakaupo lang ako at tumitingin sa ibang estudyante habang hinihintay ko si Mich. Napatigil ako at napangiti ng makita ko si Zack sa di kalayuan, ngunit nawala rin agad ang ngiti at napalitan ng lungkot ng makita kong kasama niya niya si Sheena ang girlfriend niya.

Alam kong may girlfriend na siya pero hindi ko pa rin siya tinitigilan at lalo pa kong nagkaroon ng pag asa ngayong ikakasal kami, hindi ko alam kung nabanggit niya na ba kay Sheena ang tungkol sa kasal at kung anong magiging reaksyon niya tungkol dun.

Mich POV

Papalapit na ako ngayon kay Akisha ng mapansin kong  malungkot ito habang nakatingin sa di kalayuan kaya naman tinignan ko kung sino ang tinitignan niya.

Ng tumingin ako ay nagulat ako ng makita ko sila Zack at Sheena na magkasama, kaya pala malungkot siya dahil nakita niya silang magkasama. Agad ko siyang pinuntahan at naagaw ko ang atensiyon niya ng tinawag ko siya.

Akisha POV

"Akisha!!"

"Oh Mich nandyan ka na pala" Sagot ko sa kaniya at pilit na ngumiti.

"Hayy Akisha!!, pwedeng bang wag kang ngumiti ng ganyan alam ko namang malungkot ka noh!!" Sabi ni Mich.

"Alam ko namang nasasaktan ka dahil nakita mo silang magkasama" Dagdag pa nito.

"Lagi ko naman sila nakikitang magkasama eh."

"Lagi nga, edi lagi ka ding nasasaktan. Bakit ba kasi di mo na lang siya tigilan??" Tanong niya pero 'di ko siya sinagot at kumain na lang.

"Hay naku bahala ka na nga!!" Sabi ni Mich at kumain na rin. Maya maya ay bigla na naman siyang nagsalita.

"Nga pala nakalimutan kong sabihin, nabalitaan ko pa lang ikakasal kayo, paano nangyari yun??"

"Dahil yun sa kumpanya namin, kailangan ko siyang pakasalan para hindi bumagsak ang kumpanya namin," sagot ko.

"Eh pero paano ang girlfriend niya, sinabi niya na ba kay sheena ang tungkol dun??"

"Hindi ko alam kung sinabi niya, pero sigurado ako na kapag naging maayos na ang lahat makikipag divorce din siya sa akin," maungkot na sabi ko.

"Pero hindi ba sobrang sakit nun para sayo??"

"Oo alam ko, pero nilinaw na naman niya sa akin na para lang sa kumpanya ang pagpapakasal namin,"

"Hindi ba pwedeng 'di ka magpakasal sa kanya??" tanong pa ni Mich sa akin.

"Hindi eh at tyaka ok na rin sa akin na magpakasal kami dahil kahit papaano makakasama ko siya." Humarap ako sa kaniya at tiyaka pilit na ngumiti.

"Sa bagay no choice ka na din naman eh, pero itong tatandaan mo nandito lang ako palagi sa tabi mo kapag may problema o kailangan ka andito lang ako."

"Ok, thank you Mich dahil nandyan ka palagi sa tabi ko."

"Syempre kaibigan kita ehh kaya kahit anong mangyari hindi kita iiwan." Agad niya akong niyakap kaya niyakap ko rin siya

"O'sige na tama na ang drama kumain na lang tayo," sabi ni Mich na ikinatawa ko.

"Oo nga masyado na tayong madrama," sagot ko naman sa kaniya at kumain na kami.

*********

Tired Of Chasing You (TOCY) [UNDER EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon