Chapter 9
Akisha POV
Ilang buwan na din ang lumipas simula ng ikasal kami ni Zack, pero hanggang ngayon ay ganun pa rin ang pakikitungo sa akin ni Zack, masakit man pero wala akong magagawa.
"Good morning Zack, breakfast na tayo," masayang bungad ko sa kaniya pagkababa niya, pero hindi niya ako pinansin at diretsong umalis ng bahay.
"Ano pa bang inexpect ko, ilang buwan na ang lumipas hindi pa rin ba ako sanay na ganyan siya palagi, ginagawa ko lang t*nga ang sarili ko," sabi ko sa isip ko at umupo na lang para kumain at pagkatapos ay pumasok na rin ng school.
——————
"Oh ano na namang problema mo??" tanong ni Mich sa akin. Kasalukuyang kumakain kami ngayon sa canteen.
"Wala, ganon pa rin naman."
"Hay naku." Napailing iling siya sabay subo ng pagkain.
"Nga pala naalala ko, bukas na ang birthday ni zack," sabi ko sa kanya.
"Then, anong balak mo??"
"Ang balak ko sana, i-pagbake na lang siya ng cake."
"Sure ka bang kakainin din niya ang binake mong cake?? E luto mo nga ayaw niyang kainin, cake pa kaya," prangkang sabi ni Mich sa akin.
"Tama ka. Pero susubukan ko pa rin, malay mo naman diba" Sagot ko sa kanya at ngumiti ng bahagya.
"Ok, kung yan ang gusto mo."
——————
Pagkatapos ng klase ay sinamahan muna ako ni Mich mamili ng ingredients sa paggawa ng cake may mga binili rin siyang gamit para sa kaniya, at dahil gabi na rin ay naisipan naming kumain na lang sa labas bago umuwi. Pagkauwi ko ng bahay ay nasa bahay na pala si Zack.
"San ka galing??" cold na tanong ni Zack sa akin.
"May binili lang. Kumain ka na ba??"
"Tapos na," sagot niya sabay pasok sa kwarto niya. Pumunta na lang ako ng kusina para simulan na ang pagba-bake ng cake.
Ilang oras rin ang inabot ko sa paggawa ng cake, ilang failures na rin ang nagawa ko, but still happy pa ako dahil naging ok naman ang resulta ng ginawa ko.
"Bukas pagpasok ko sa school ibibigay ko sa kaniya yun, sana magustuhan niya," sabi ko sa sarili ko at tiyaka pumasok sa kwarto ko para matulog na.
——————
Pagpasok ko sa school ay nakita ko si zack kaya naman agad ko siyang nilapitan para ibinigay ang cake na binake ko para sa birthday niya.
"Hello Zack!!"
"Ano na naman!!" cold na sabi ni Zack.
"May ibibigay sana ako sayo" masayang sabi ko.
"What?!"
"Happy Birthday Zack!!!" nakangiting bati ko sa kaniya sabay pakita ng binake kong cake.
"What's that!!" cold na tanong nito.
"Cake, gawa ko alam ko kasi birthday mo ngayon eh kaya naisipan kong ipagbake ka ng cake," masayang sagot ko.
"Ah ok," sagot nito at sabay kuha ang cake na dala ko kaya naman napangiti ako.
"Mabuti naman at tinang-" Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng bigla niyang tinapon sa mukha ko ang cake na gawa ko.
"Wh-why-" Naputol na naman ang sasabihin ko ng bigla siyang magsalita.
"Do you think na tatanggapin ko yan? Sorry, but i don't need a trash like that!!" sigaw na sabi nito.
"Pe-pero pinaghirapan kong i-bake ang cake na yan para sayo!!" Papaluhang sabi ko kay Zack
"Wala akong pakialam kung pinaghirapan mo ang cake na yan?? sigaw pa nito sa akin.
"Kahit kailan ba hindi mo magagawang maappreciate lahat ng ginagawa ko??"
"Oo, dahil lahat ng ginagawa mo hindi ko gusto!!"
"Eh ano bang gusto mong gawin ko?? Lumuluhang tanong ko.
"Ano ang gusto kong gawin mo?? Madali lang naman ang gusto ko."
"A-ano??"
"Ang gusto ko tigilan mo na ako ayaw ko ng makita ang pagmumukha mo!! Gusto kong mawala ka na sa buhay ko!!" pasigaw na sabi nito.
"Yu-yun ang gusto mong gawin ko??"
"Oo, magagawa mo ba??" tanong nito sa akin, tinitigan ko lang sya at hindi nakaimik agad kaya agad siyang nagsalita.
"As what i thought, i know that you can't do–"
"Fine!! Titigilan na kita hindi mo na makikita ang pagmumukha ko at mawawala na rin ako sa buhay mo!! Tutal arranged marriage lang rin naman ang nangyari sa atin kaya mo ko pinakasalan eh!! At isa pa I'm so tired chasing you Zack!!" Pasigaw na sabi ko kay Zack na ikinagulat niya at lahat ng mga estudyante dito sa school pagkatapos ay umalis ako habang umiiyak. Habang papalabas ako ng school ay rinig na rinig ko ang mga sinasabi ng ibang mga estudyante pero ipinagsawalang bahala ko na lang ito at agad na sumakay ng taxi pauwi.
**********
BINABASA MO ANG
Tired Of Chasing You (TOCY) [UNDER EDITING]
De TodoAkisha Cruz set in an arranged marriage due to their company, but she never thought that the man she's going marry is her long time crush. Even though she knew that it was impossible that it will love her, she still wouldn't stop chasing him. But ho...