Chapter 11
Keishana POV(Akisha's Mom)
"Aakyat na po ako sa kwarto ko," sbi ng anak naming si Akisha tiyaka umakyat sa kwarto niya
"Hon sa tingin mo anong dahilan ng anak natin bakit niya naisipang makipag divorce kay Zack" tanong ko sa asawa kong si Arnaldo(Akisha's Dad).
"Hindi ko din alam hon, pero sure akong malalim ang dahilan niya."
"Mabuti pa siguro kung kausapin ko na lang siya."
"Mabuti pa nga."
"Sige pupuntahan ko muna siya sa kwarto niya," sabi ko sa asawa ko at pumunta sa kwarto ni akisha para kausapin siya.
Akisha POV
Nakahiga ako sa kama ko habang umiiyak ng biglang may kumatok sa pinto.
"Akisha si mom to, buksan mo ang pinto" rinig kong sabi ni mom mula sa labas ng kwarto ko, kaya agad kong pinunasan ang mga luha ko at tumayo para buksan ang pinto.
"B-bakit po mom??"
"Pwede ba tayong mag-usap??"
"S-sige po,' sgot ko kay mom at pumasok siya sa loob ng kwarto ko at naupo kami sa kama.
"Anak magtapat ka nga sa akin, ano bang dahilan?? Bakit naisipan mong makipag divorce??" tanong ni mom sa akin.
"Y-yun po ba mom, a-ano po kasi.." Napayuko ako dahil hindi ko alam kung anong sasabihin ko.
"Anak wag ka ng magtago sa akin, anak kita kaya kilala kita," sabi ni mom, tumingin ako ng diretso sa kaniya at huminga ng malalim bago sabihin ang lahat.
——————
Nagising ako dahil sa lakas ng alarm ko kaya naman tumayo na ako at naligo pagkatapos ay bumaba na. Sinabi ko na kay mom kagabi ang lahat at naiintindihan naman niya ako.
"Good morning mom, dad," bati ko kanila mom and dad at kahit na masakit pa rin sa akin ang nangyari kahapon ay pinilit ko na ngumiti sa kanila para naman hindi sila mag alala sa akin.
"Good morning din anak, umupo ka na dito at b-breakfast na tayo." Umupo na ako at sinabayan silang kumain.
"Anak, may gusto pala kaming sabihin ng daddy mo sayo," sabi sa akin ni mom.
"Ano po yun??" Tumingin si mom kay dad at sinenyasan ito na sabihin na sa akin.
"Nasabi kasi sa akin ng mom mo ang napag usapan niyo kagabi, kaya napagpasiyahan namin na… sa ibang bansa ka na lang pag aralin." Napatigil ako ng dahil sa sinabi ni dad at agad nawala ang ngiti ko sa labi.
"Po?? P-pero dad—"
"Alam kong nagulat ka pero, kung dito ka pa rin mag aaral sure akong mahihirapan ka lang, dahil lagi mong makikita si Zack. Kaya mas mabuting lumayo ka para makalimutan mo na siya," pagpapaliwanag ni dad sa akin.
"Oo nga naman anak, alam mo namang ayaw naming nakikita kang nasasaktan di'ba??" sabi naman ni mom. Napaisip ako sa sinabi nila. Tama sila kailangan kong lumayo para makalimutan siya at hindi na rin ako masaktan.
"S-sige po, pumapayag na po ako sa gusto niyo, mag aaral po ako sa ibang bansa."
"Mabuti naman at pumayag ka."
"Kung ganon, pagkatapos ng divorce niyo ni Zack aalis ka na," sabi ni dad kaya marahan akong tumango.
"Ok po."
**********
BINABASA MO ANG
Tired Of Chasing You (TOCY) [UNDER EDITING]
RandomAkisha Cruz set in an arranged marriage due to their company, but she never thought that the man she's going marry is her long time crush. Even though she knew that it was impossible that it will love her, she still wouldn't stop chasing him. But ho...