Epilogue

349 2 0
                                    

Epilogue

4 years later

Akisha POV

Ngayon araw ay ang pinakahihintay kong araw, ang araw ng kasal namin ni Zack 1 month ago ay nagpropose sa akin si Zack sa isang park na malapit sa bahay namin, hindi ko inexpect na magpro-propose siya sa akin nung araw na yun kaya nagulat talaga ako

*Flashback

Papunta ako ngayon sa isang park na malapit sa amin dahil pinapunta ako dun ni Zack dahil nandun daw siya at dahil nga malapit lang ang park ay naglakad na lang ako.

Pagkadating ko sa park ay agad kong hinanap si Zack nahirapan din akong hanapin siya dahil madilim ang paligid dahil gabi na. Kaya naisipan kong tawagan si Zack

[Hello Zack, nandito na ako sa park, nasaan ka na??] Tanong ko kay Zack

[Maglakad ka papuntang gitna ng park] Sabi niya sa akin

[Ok] Sabi ko at agad akong naglakad papunta sa gitna ng park

[Nasa gitna na ako ng park, nasaan ka na??] Tanong ko pero hindi ito sumagot

[Hello Zack, nasaan ka n—] Hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng biglang bumukas ang mga ilaw sa park

[Tumingin ka sa likod mo] Rinig kong sabi ni Zack kaya agad akong tumingin sa likod ko at laking gulat ko ng makita ko siya at pati na rin sila mom and dad, sila tito at tita at pati rin sila Mich at Kian

"A-anong ibig sabihin nito??" Tanong ko sa kaniya at lumapit siya sa akin

"Akisha, may gusto lang sana akong itanong sayo" Sabi niya sa akin

"Ano naman yun??" Tanong ko sa kaniya at bigla siyang lumuhod sa harapan ko

"Akisha, Will you marry me??" Tanong niya sa akin habang may hawak siyang singsing na ikinagulat ko hindi ko inakalang magpro-propose siya sa akin

"Y-yes, i will marry you!!" Mangiyak ngiyak na sagot ko sa kaniya at agad niyang isinuot ang singsing sa kamay ko at niyakap ako

"I Love You Akisha" Bulong niya sa tenga ko habang nakayakap sa akin

"I Love You too" Sabi ko at niyakap siya ng mahigpit

*End Of Flashback

"Oh Akisha, ready ka na ba??" Tanong sa akin ni Mich

"Oo" Sagot ko sa kaniya

"Di ako makapaniwalang ikakasal ka na Akisha" Sabi sa akin ni Mich

"Ako din, pero hindi naman ito ang first time na ikinasal ako dahil ikinasal na kami ni Zack noon" Sabi ko sa kaniya

"Oo nga, pero ikinasal kayo noon dahil sa arranged marriage, pero ngayon ikakasal na kayo dahil mahal niyo ang isa't isa" Sabi sa akin ni Mich

"Tama ka" Sabi ko sa kaniya

"Btw, kayo ni Kian anong balak niyo??" Tanong ko sa kaniya

"Anong balak ang sinasabi mo??" Tanong niya sa akin

"Ang ibig kong sabihin wala pa ba kayong balak magpakasal??" Tanong ko sa kaniya, hindi ko pa sasabi sa inyo na 3 years ago nagkatuluyan sila Mich and Kian dahil na rin siguro sa madalas silang magkasama ay tuluyan na silang nahulog sa isa't isa

"Wala pa kaming balak" Sagot niya sa akin

"Eh kailan pa??" Tanong ko sa kaniya

"Ewan, hindi pa nga siya nagpro-propose sa akin" Sagot niya sa akin

"Just wait, sure akong magpro-propose din yun sayo" Sabi ko sa kaniya

"Ok" Sabi niya

"Tara na, baka naghihintay na sila sa atin sa simbahan" Sabi niya sa akin

*Fastforward

"Mabuhay ang bagong kasal!!" Sigaw ng dad ni Zack pagkatapos ng kasal

"Masaya ako para sa inyo anak" Sabi ni dad and mom sa amin

"Wag mo sanang sasaktan ang anak namin ijo" Sabi ni dad at mom kay Zack

"Wag po kayo mag alala tito at tita, aalagaan at mamahalin ko po ang anak niyo at hindi ko po siya sasaktan" Sabi niya  at tumingin sa akin

"Mabuti naman, at isa pa pala ijo wag mo na kaming tawaging tito at tita, tawagin mo na lang kaming dad and mom dahil ngayong araw iisa na ang pamilya natin" Sabi ni dad kaya napangiti ako

"Ok po dad" Sabi ni Zack kay dad

Maya maya pa ay nagulat kami ng biglang lumapit si Kian kay Mich at biglang lumuhod at may inilabas na singsing

"Mich, Will you marry me" Tanong ni Kian kay Mich, hindi naman agad nakapag salita si Mich dahil sa gulat

"Yess" Sabi niya at isinuot na ni Kian ang singsing sa kaniya at niyakap siya

"Congrats!!" Sabi namin ni Zack at ng iba pang mga bisita sa kanila

"Hindi ko na pala kailangang ihagis ang bulaklak dahil may susunod ng ikakasal sa akin" Sabi ko kay Mich kaya napatawa siya at ibinigay ko na sa kaniya ang bulaklak

"Sabi ko naman sayo magpro-propose din yan" Bulong ko kay Mich

"Oo na" Sabi niya sa akin

*Fastforward

Pagkatapos ng celebration sa kasal ay umuwi na rin ang mga bisita kaya naman kami na lang ni Zack ang natira dito sa bahay ngayon

"Akisha" Tawag sa akin ni Zack

"Bakit Zack??" Tanong ko sa kaniya

"Ngayong araw magkasama na tayo sa iisang bahay" Sabi niya sa akin

"Tapos?? Noon naman nagkasama na tayo sa iisang bahay" Sabi ko sa kaniya

"Oo nga pero iba na ngayon, mas mabuting kalimutan na lang natin ang nangyari noon, ang isipin natin ito ang una nating kasal at ang una nating pagsasama" Sabi niya sa akin

"Ok" Sabi ko sa kaniya

"Pinapangako ko sayo na hinding hindi na mangyayari ang nangyari noon at mamahalin kita ng sobra sobra" Sabi niya sa akin at agad akong niyakap

"Ako din mamahalin kita ng sobra sobra" Sabi ko sa kaniya at niyakap siya pabalik

Sobrang saya ko na ang lalaking hinahabol habol ko lang noon at akala kong hindi ako mamahalin ay ngayon mahal na rin ako at ngayon ay masaya na rin kaming nagsasama. Hinding hindi ako magsisising minahal ko siya at kahit ano pang mangyari ay mamahalin ko pa rin siya.

------ THE END ------

𝐀/𝐍: 𝐓𝐡𝐚𝐧𝐤 𝐲𝐨𝐮 𝐟𝐨𝐫 𝐬𝐮𝐩𝐩𝐨𝐫𝐭𝐢𝐧𝐠 𝐭𝐡𝐢𝐬 𝐬𝐭𝐨𝐫𝐲. 𝐈 𝐣𝐮𝐬𝐭 𝐰𝐚𝐧𝐭 𝐭𝐨 𝐢𝐧𝐭𝐫𝐨𝐝𝐮𝐜𝐞 𝐦𝐲 𝐧𝐞𝐰 𝐬𝐭𝐨𝐫𝐲 𝐞𝐧𝐭𝐢𝐭𝐥𝐞𝐝 "𝐁𝐞𝐭𝐫𝐚𝐲𝐞𝐝", 𝐈 𝐡𝐨𝐩𝐞 𝐭𝐡𝐚𝐭 𝐲𝐨𝐮 𝐚𝐥𝐬𝐨 𝐬𝐮𝐩𝐩𝐨𝐫𝐭 𝐭𝐡𝐢𝐬 𝐬𝐭𝐨𝐫𝐲, 𝐭𝐡𝐚𝐧𝐤 𝐲𝐨𝐮 𝐯𝐞𝐫𝐲 𝐦𝐮𝐜𝐡!!

Tired Of Chasing You (TOCY) [UNDER EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon