Chapter 10

620 7 0
                                    

Chapter 10

Akisha POV

Pagkauwi ko sa bahay ay agad akong umakyat sa kwarto ko at nilock ang pinto hindi na rin ako pumasok ng school at umiyak lang ng umiyak sa kwarto ko buong umaga hanggang sa makatulog ako.

[Phone Rings]

Nagising ako ng biglang mag ring ang phone ko, kaya kinuha ko ito at nakita kong si mom lang pala ang tumawag.

"Hello Mom, bat po kayo napatawag"

[Hello anak, nasan ka na nandito na kami sa bahay nila Zack,] sabi ni mom sa akin kaya bigla kong naalala na may dinner pala ang family ni Zack kasama ang pamilya. Dahil ang gusto ng mommy ni Zack ay sama sama lang kaming mag dinner at mag celebrate para sa birthday ni Zack.

"Mom pwede po bang di na lang ako pumunta jan??"

[Why?! May problema ba??] Gualt na tanong ni mom.

"Ah mom wala naman po"

[Kung wala naman pala, pumunta ka na dito, dahil hinihintay ka na ng mga magulang ni Zack.]

"O-ok po"

[Sige, hihintayin ka namin.] Pagkatapos niya sabihin iyon ay agad niya ng binaba ang tawag.

"Pupunta ba ako??" Naguguluhan na ako di ko alam kung pupunta ba ako dahil ayaw kong makita si Zack, pero inaasahan ako ni mom na pupunta ayaw ko din naman silang paghintayin. Sa pag iisip ko ay bandang huli ay napag pasayahan kong pumunta na lang. Kaya agad akong nagsuot ng dress at inayos ang sarili ko.

——————

Pagdating ko sa bahay nila Zack ay ako na lang pala ang hinihintay nila kaya agad akong lumapit sa kanila.

"Hi ija, bakit natagalan ka??" tanong sa akin ng mommy ni Zack

"S-sorry po, m-may ginawa pa po kasi ako."

"It's ok, ang mahalaga nandito kana. Oh umupo ka na para makakain na tayo" Sabi ng Mommy ni Zack kaya umupo na ako.

"Kamusta naman kayo ni Zack," biglaang tanong sa akin ng daddy ni Zack kaya napahinto ako at agad na napatingin kay Zack kaya tumingin din ito sa akin. Napakalamig ng tingin niya kaya agad kong naalala ang mga nangyari kanina.

"What if makipag divorce na ako sa kanya, nakakapagod na, pagod na akong masaktan ng paulit ulit at lalo lang akong masasaktan kung magkasama pa rin kami," sabi ko sa isip ko.

"Ija are you ok??" tanong sa akin ng daddy ni Zack.

"Ah y-yes po, tungkol po pala sa tanong niyo, may gusto po sana akong sabihin sa inyo tungkol sa amin ni Zack."

"Ano naman yun??" tanong nila sa akin.

"Oo nga anak ano yun??" tanong nila mom and dad.

"Ano po kas…" bitin na sinabi ko at tumingin muna kay Zack bago magsalita ulit.

"Gusto ko po sana na mag divorce na kami ni Zack!!" Diretsyong sabi ko at agad akong napayuko.

"What?? Why??" sabay sabay nilang tanong sa akin kaya napatingin ako kay Zack na hanggang ngayon ay patuloy pa rin sa pagkain.

"May dahilan po ako kung bakit gusto kong makipag divorce."

"Pero paano ang company niyo??" tanong sa akin ng daddy ni Zack.

"Alam ko pong di pa masyadong nakakabangon ang company namin pero.." Hindi ko natapos ang sasabihin ko ng tumulo bigla ang luha ko.

"It's ok anak, if that's your decision, then sige," sabi sa akin ni mom habang hinihimas ang likod ko.

"About pala sa company, ayos lang alam ko namang unti na lang makakabangon na din ang company namin, maraming salamat dahil tinulungan niyo kami, pero kailangan naming intindihin ang naging desisyon ng anak namin," sabi naman ni dad.

"Ok, naiintindihan namin kayo. Pero wag kayong mag alala dahil kahit na divorce na sila ay handa pa rin kaming tulungan kayo hananggang sa tuluyan ng makabangon ang company niyo" sabi ng daddy ni Zack.

"Thank you" Sagot ni Dad sa kanila.

"Let's go home anak," Sabi sa akin ni dad at umalis na kami para umuwi sa bahay namin.

*********

Tired Of Chasing You (TOCY) [UNDER EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon