Chapter 30

361 3 0
                                    

Chapter 30

*Fastforward

Ilang araw na rin ang lumipas at ngayong araw ay birthday ko na, nakaupo ako ngayon habang tinitingnan ang mga bisitang dumadating at binabati ako

"Akisha" Rinig kong tawag sa akin kaya naman tiningnan ko kung sino ito

"Tita Katherine" Sabi ko at agad siyang pinuntahan

"Happy Birthday hija" Bati sa akin ni Tita

"Thank you po, masaya ako at nakarating kayo" Sabi ko habang nakangiti kay tita

"Kung ganon masaya ka rin ba dahil nakarating ako?" Tanong ni Zack na kakapasok pa lang, agad namang nawala ang ngiti ko ng makita siya, hindi ko na lang siya pinansin at tiningnan ko na lang si tito Cesar na kasama din niya

"Hi po Tito" Sabi ko at ngumiti sa kaniya

"Hello ija, happy birthday sayo" Bati sa akin ni tito

"Thank you po" Sabi ko kay tito

Maya maya pa ay umalis na muna sila at  silapumunta kanila mom and dad kaya naman kami na lang natira ni Zack dito, tinignan ko naman siya at nakita kong nakangiti siya sa akin

"Pwede ba wag kang ngumiti sa akin" Sabi ko sa kaniya

"Bakit naman??" Tanong niya sa akin

"Naiinis kasi ako sa ngiti mo" Sagot ko sa kaniya

"Kung naiinis ka sa ngiti ko, ako naman masaya kapag nakikita kang nakangiti" Sabi niya sa akin

"Kaya naman ngumiti ka, birthday mo ngayon tapos ganyan ang itsura mo, hindi maganda tignan" Sabi niya pa sa akin

"Ewan ko sayo" Sabi ko sa kaniya

"Akisha!!" Rinig kong tawag sa akin kaya lumingon ako

"Mich..Kian!!" Sabi ko at lumapit sila sa akin

"Happy Birthday" Sabi sa akin ni Mich at agad akong niyakap

"Thank you" Sabi ko at niyakap din siya pabalik, pagkatapos ay tinignan ko naman si Kian

"Happy Birthday Akisha" Bati niya sa akin kaya naman ngumiti ako sa kaniya at niyakap siya

"Thank you" Sabi ko at kumalas na sa pagkakayakap sa kaniya

"Nga pala bakit kayo magkasama??" Tanong ko sa kanila

"Papasok na sana ako dito tapos bigla kong nakita si Kian kaya naman sabay na kaming pumasok" Sagot ni Mich sa akin

"Ganon pala" Sabi ko at ngumiti sa kanila

"Ikaw, bat mo kasama si Zack??" Tanong ni Mich sa akin kaya naman tumingin ako kay Zack na hindi pa pala umaalis

"Kasama ko kasi sila mom and dad kaso pinuntahan nila sila tito at tita kaya kami na lang ang natira dito ni Akisha" Sagot ni Zack

"Tara umupo na muna tayo" Pag aaya ko kanila Kian at Mich

"Sige" Sabi nila kaya naman umupo na kami sinundan naman kami ni Zack at umupo rin

Someone's POV

[Hello po ma'am] Sabi ng nasa kabilang linya

[Nakidnap niyo na ba si Akisha?] Tanong ko

[Hindi pa po ma'am] Sagot ng nasa kabilang linya

[What?!! Bakit hindi niyo pa rin siya nakikidnap hanggang ngayon??] Galit na tanong ko

[Madami pong bisita kaya kumukuha pa kami ng tiyempo, para makidnap si Akisha] Sagot ng nasa kabilang linya

[Bilisan niyo ang pagkidnap, dahil sa oras na hindi niyo siya makidnap, alam niyo na kung anong gagawin ko sa inyo] Sabi ko at agad na binaba ang phone

"Akisha Cruz, sa oras na makidnap ka na nila, sisiguraduhin kong dadalhin kita sa hukay at kabayaran yun sa ginawa mong pag agaw sa taong mahal ko at sa oras na mawala ka na, alam kong babalik ulit siya sa akin

Tired Of Chasing You (TOCY) [UNDER EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon