Chapter 29

321 3 0
                                    

Chapter 29

Nandito ako ngayon sa company ng makatanggap ako ng text mula kay Kian

𝘊𝘢𝘯 𝘸𝘦 𝘮𝘦𝘦𝘵? 𝘛𝘩𝘦𝘳𝘦'𝘴 𝘴𝘰𝘮𝘦𝘵𝘩𝘪𝘯𝘨 𝘪 𝘫𝘶𝘴𝘵 𝘸𝘢𝘯𝘵 𝘵𝘰 𝘴𝘢𝘺 𝘵𝘰 𝘺𝘰𝘶 - 𝘒𝘪𝘢𝘯

𝘖𝘬, 𝘴𝘢𝘢𝘯 𝘣𝘢 𝘵𝘢𝘺𝘰 𝘮𝘢𝘨𝘬𝘪𝘬𝘪𝘵𝘢??- 𝘈𝘬𝘪𝘴𝘩𝘢

𝘕𝘢𝘢𝘭𝘢𝘭𝘢 𝘮𝘰 𝘣𝘢 𝘺𝘶𝘯𝘨 𝘱𝘪𝘯𝘶𝘯𝘵𝘢𝘩𝘢𝘯 𝘯𝘢𝘵𝘪𝘯𝘨 𝘳𝘦𝘴𝘵𝘢𝘶𝘳𝘢𝘯𝘵, 𝘺𝘶𝘯𝘨 𝘴𝘪𝘯𝘢𝘣𝘪 𝘬𝘰 𝘴𝘢𝘺𝘰𝘯𝘨 𝘧𝘢𝘷𝘰𝘳𝘪𝘵𝘦 𝘳𝘦𝘴𝘵𝘢𝘶𝘳𝘢𝘯𝘵 𝘬𝘰, 𝘥𝘶𝘯 𝘵𝘢𝘺𝘰 𝘮𝘢𝘨𝘬𝘪𝘵𝘢 - 𝘒𝘪𝘢𝘯

𝘖𝘬 - 𝘈𝘬𝘪𝘴𝘩𝘢

Pagkatapos ko siyang itext ay umalis na ako sa company at pumunta na sa restaurant na sinabi ni Kian

*Fastforward
Pagkadating ko sa restaurant ay agad kong nakita si Kian kaya naman nilapitan ko na siya

"Kian" Tawag ko sa kaniya kaya napatingin siya sa akin

"Akisha nandiyan ka na pala" Sabi niya at agad napatayo

"Umupo ka na" Sabi niya at tiyaka tinuro ang upuan na kaharap niya, kaya naman at umupo na ako at umupo na rin siya

"Ano bang gusto mong sabihin??" Tanong ko sa kaniya

"Mamaya ko na lang sasabihin pagkatapos nating kumain, nakaorder na ako ng kakainin natin" Sagot niya sa akin

"Ok" Sabi ko at tiyaka ngumiti sa kaniya

Maya maya pa ay dumating na ang order niya kaya naman kumain na kami

*Fastforward
Pagkatapos naming kumain ay tinanong ko ulit siya kung ano ang sasabihin niya sa akin

"Kian, ano bang sasabihin mo sa akin??" Tanong ko kay Kian

"Sana ay wag mo akong layuan kapag sinabi ko sayo ang totoo" Sagot niya

"Huh?? Bakit naman kita lalayuan??" Takang tanong ko sa kaniya

"Ah ang t-totoo kasi niyan.." Sabi ni Kian

"Ano ba yun??" Tanong ko sa kaniya

"Ang totoo Akisha, m-matagal na akong may gusto sayo!!" Sabi niya at bigla naman siyang napayuko habang ako ay nagulat dahil sa sinabi niya

"W-what??" Tanong ko sa kaniya

"Simula ng magkakilala tayo ay nagsimula na akong magkagusto sayo" Sabi niya at tinaas na niya ang ulo niya

"P-pero magkaibigan tayo" Sabi ko sa kaniya

"Alam ko, pero hindi ko maiwasan ang nararamdaman ko" Sabi niya

"Please Akisha hayaan mo kong mahalin ka, pangako hindi kita sasaktan katulad n ginawa ni Zack" Sabi niya pa

Kaibigan ko si Kian at palagi niya akong pinagtatangol at masaya ako dahil nandiyan siya sa tabi ko palagi. Oo mahal ko siya pero bilang kaibigan lang at alam kong hindi na yun lalagpas

"I-i'm sorry Kian, ayaw kitang masaktan, pero hindi ko kayang ibigay ang gusto mo, hanggang pagkakaibigan lang ang kaya kong ibigay sayo" Sabi ko at nakita kong unti unti ng tumutulo ang mga luha niya kaya di ko na rin mapigilang tumulo ang luha ko

"I-it's ok, alam ko namang sasabihin mo yan, pero nagbakasakali pa rin akong pareho tayo ng nararamdaman" Sabi niya sa akin

"Alam kong si Zack din ang dahilan" Sabi niya dahilan para mapatingin ako sa kaniya

"N-no walang kinalaman si Zack" Pagtatanggi ko sa sinabi niya

"Don't deny it Akisha, alam kong hindi kong hindi ka pa tuluyang nakamove on kay Zack" Sabi ni Kian sa akin

"What are saying??" Tanong ko kay Kian

"Galit ka lang sa kaniya ngayon dahil sa ginawa niya sayo noon, pero sa totoo lang mahal mo pa siya" Sabi niya kaya napatahimik ako

"Give him a chance Akisha, nakikita kong mahal ka talaga niya dahil ganon din ang nararamdaman ko" Sabi niya kaya napayakap ako sa kaniya

"Thank you Kian, i'm sorry kung hindi ko kayang suklian ang pagmamahal na binibigay mo sa akin" Sabi ko habang nakayakap sa kaniya

"Ayos lang yun Akisha, basta makita kitang masaya magiging masaya na rin ako" Sabi niya kaya napaluha ulit ako

Tired Of Chasing You (TOCY) [UNDER EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon