Chapter 26

504 6 0
                                    

Chapter 26

*Fastforward

Nagising ako dahil sa sinag ng araw na tumama sa mukha ko kaya naman agad akong tumayo at inayos ang sarili ko, maganda din ang gising ko dahil nakatulog ako ng maayos.

Pagkatapos ko ayusin ang sarili ko ay nakangiti akong lumabas ng room ko. Pagkalabas ko ay biglang nawala ang ngiti ko ng makita si Zack na nakangiti sa akin

"Good morning, Akisha" Bati niya sa akin

"Wala ng good sa morning, dahil nakita ko na naman ang nakakainis mong mukha!!" Inis na sabi ko kay Zack

"Grabe ka naman sa akin" Sabi niya sa akin

"Mas grabe naman ang ginawa mo sa akin noon" Sabi ko sa kaniya na ikinatahimik niya, pero hindi ko na lang siya pinansin at ng maglalakad na ako paalis ay agad siyang nagsalita

"I'm sorry. Sorry sa mga ginawa ko sayo noon" Malungkot na sabi niya

"Wala ng magagawa ang sorry mo dahil nasaktan mo na ako" Sabi ko habang nakatalikod sa kaniya at pagkatapos ay umalis na ako

"Noon ako ang naghahabol at nanghihingi ng atensyon mo pero hindi mo ako pinansin at ngayong nakamove on na ako sayo, ikaw naman ang naghahabol at nanghihingi ng atensyon ko" Sabi ko sa sarili ko

Zack POV

Sa totoo lang nasasaktan ako sa mga sinabi niya sa akin, alam kong dapat di ako masaktan dahil ako din naman ang may kasalanan nito, pero masakit pala kapag nasasabihan ka ng masakit na salita lalo na kung sa taong mahal mo galing ang nga salitang iyon

Ngayon alam ko na kung ano ang nararamdaman niya noon sa tuwing sinasabihan ko siya ng masasamang salita.

Gagawin ko ang lahat para lang mapatawad niya ako at mahalin niya akong muli.

*Fastforward

Akisha POV

Nakaupo ako ngayon habang kumakain at nakatingin sa beach ng resort, napakaganda talaga dito, yun nga lang nasisira ang araw ko tuwing nakikita ko an pagmumukha ni Zack, Argh naiinis talaga ako tuwing naiisip ko ang mukha niya at kun paano siya ngumiti.

Aaminin kong gustong gusto kong makita kung pano siya ngumiti, pero ngayon ayaw ko na itong makita dahil tuwing nakikita ko yun ay naiinis lang ako.

Maya maya pa habang kumakain ako ay nagulat ako ng biglang lumapit sa akin si Zack "Hindi pa rin ba siya titigil??" Tanong ko sa sarili ko

"Hi!" Nakangiting bati niya sa akin pero hindi ko na lang siya pinansin at kumain na lang, maya maya pa ay napansin kong umupo siya sa tabi ko

"At sinong nagsabing umupo ka sa tabi ko??" Mataray na tanong ko sa kaniya

"Wala" Sagot niya sa akin

"Eh bakit ka umupo??" Tanong ko habang nakataas ang isa kong kilay

"Gusto ko eh" Sagot niya sa akin

"Umalis ka nga sa tabi ko, sa iba ka umupo wag dito!!" Sabi ko sa kaniya

"Ayaw ko nga, hindi ako aalis dito" Sabi niya sa akin

"Kung hindi ka aalis, pwes ako ang aalis, ayaw kitang katabi!!" Sabi ko at agad na tumayo at umalis

"Teka, sandali" Sabi niya at sinundan ako

"Ano ba, akala ko ba ayaw mong umalis dun?? Ehh bakit sumusunod ka sa akin ngayon??" Tanong ko sa kaniya

"Syempre aalis din ako dun kung aalis ka" Sagot niya sa akin

"Pwede ba Zack, sinabi ko na sayo tigilan mo na ako!!" Inis na sabi ko sa kaniya

"Hindi kita tiitgilan" Sabi niya na mas lalong kinainis ko

"Talaga bang iniinis mo ko??" Tanong ko sa kaniya

"Hindi" Sagot niya sa akin

"Eh bakit ayaw mo akong tigilan??" Tanong ko ulit sa kaniya

"Hindi kita titigilan Akisha, hanggang sa mahalin at mapatawad mo ako, at handa akong gawin ang lahat para mangyari yun" Sagot niya sa akin

"Nakamove na ako Zack, kaya kahit kailan hindi na kita mamahalin" Diretsong sabi ko sa kaniya

"Hindi ako naniniwala Akisha, alam kong hindi ka pa nakakamove on, at isa sinabi ko na din ang mga salitang yan noon, pero anong nangyari ngayon, heto ako at naghahabol sayo" Sabi sa akin ni Zack

Nakita ko ang mga namumuong luha sa mga niya ng sabihin niya ang mga salitang iyon, hindi ko alam pero feeling ko nakaramdam ako ng kirot sa puso ko ng makita ko ang mga iyon "Akisha, ano ka ba akala ko ba nakamove on ka na, pero anong nangyayari sayo ngayon??" Tanong ko sa isip ko

"Akisha, bigyan mo lang ako ng panahon at ipapakita ko sayo na totoong ang nararamdaman ko para sayo" Sabi niya sa akin pero pinili kong hindi na lang magsalita at umalis, hindi ko alam kung ano ba ang sasabihin ko sa kaniya

Pag naiisip ko ang mga masasamang sinabi at ginawa niya sa akin mas lalo lang akong naiinis kung bakit ba naghabol ako sa isang lalaking alam kong hindi ako kayang mahalin at ngayon ay hinahabol ako

Maya maya pa ay naramdaman ko na lang luhang pumatak sa pisngi ko

"No way, ayaw kong umiyak ulit ng dahil lang sa lalaking yun" Inis na sabi ko sa sarili ko at agad na pinunasan ang luha ko

Tired Of Chasing You (TOCY) [UNDER EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon