Chapter 28

364 2 0
                                    

Chapter 28

*Fastforward

Akisha POV

*At the dining

"Akisha malapit na ang birthday mo, anong balak mo??" Tanong ni dad, nakalimutan kong malapit na rin pala ang birthday ko

"Hindi ko pa po alam dad" Sagot ko kay dad

"Ganon ba, balak kasi namin ng mom mo na maghanda ng party to celebrate your birthday, ayos lang ba yun sayo??" Tanong ni dad sa akin

"Ayos lang naman po sa akin yun" Sagot ko kay dad

"Kung ganon kami na ang bahala sa birthday mo" Sabi ni dad at nginitian ko na lang siya

*Fastforward

Palabas na ako ng bahay namin dahil papasok na ako, pagkalabas ko ay nagulat ako ng makita si Zack sa labas

"What are you doing here?!" Gulat na sabi ko sa kanya

"Nandito ako para ihatid ka" Sagot niya sa akin habang nakangiti

"Hindi mo na ako kailangang ihatid, dahil may sarili akong kotse!!" Sagot ko sa kaniya

Zack POV

Pagkapasok ni Akisha sa kotse niya ay maya maya pa ay lumabas siya ulit sa kotse niya

"Oh anong nangyari??" Tanong ko sa kaniya kaya tumingin siya sa akin ng masama

"Sabihin mo ikaw ba ang gumawa nito" Sabi niya sa akin

"Wala akong ginagawa, ano ba kasing nangyari??" Tanong ko sa kaniya

"Bigla na lang kasing nabutas ang gulong ng kotse ko" Sagot niya sa akin, ang totoo niyan ako talaga ang dahilan kung bakit nabutas ang gulong ng kotse niya

*Flashback

Nandito ako ngayon sa bahay nila Akisha para ihatid siya, alam kong hindi siya papayag na ihatid ko siya kaya naman nang makita ko an kotse niya ay may naisip ako

Naisip kong butasan ang kotse niya, para wala siyang ibang magawa kundi ang sumakay sa kotse ko

Kumuha ako ng isang matulis na bagay sa kotse ko at tinusok ang gulong niya dahilan para mabutas ito

Maya maya pa ay narinig kong papalabas na si Akisha kaya naman agad kong tinago yung bagay na ginamit ko at inayos ang sarili ko dahil baka mahalata niya ang ginawa ko

*End of flashback

Akisha POV

"HAHAHAH" Tawa ni Zack na nagpakunot ng noo ko

"Anong nakakatawa??" Tanong ko sa kaniya

"Wala. Nga pala ngayong nabutas ang gulong ng kotse mo wala ka ng ibang masasakyan" Sabi niya ng nakangiti

"Edi magtataxi na lang ako" Sabi ko sa kaniya

"Kung magtataxi, maghihintay ka pa ng taxi, hindi pa naman masyadong dumadaan ang mga taxi dito, kaya mahihirapan ka, kaya kung ako sayo pumayag ka na lang na ihatid kita" Sabi niya kaya napaisip ako

"Tama naman siya mahihirapan akong maghanap ng taxi dito, pero ayaw kong sumakay sa kotse niya" Sabi ko sa isip ko

"Ano Akisha pumapayag ka na ba??" Tanong niya sa akin

"Sige pumapayag na ako, mukha naman no choice na ako" Sabi ko at nakita ko naman na ngumiti siya ng abot tenga

"Tara na, sumakay ka na" Sabi niya at pinagbuksan ako ng pinto kaya sumakay na ako

*Fastforward

Habang papunta kami sa company ay tahimik lang kami, hindi ko rin siya inimikan dahil ayaw ko siyang kausapin at naiinis ako sa kaniya

"Nandito na tayo" Narinig kong sabi niya kaya bumaba na ako

"Where's my thank you??" Tanong niya na nagpakunot ng noo ko

"At bakit naman ako magt-thank you sayo??" Tanong ko sa kaniya

"Dahil hinatid kita" Sagot niya sa akin sa akin ng kinainis ko

"Edi Thank you!!" Sabi ko at umalis na

Tired Of Chasing You (TOCY) [UNDER EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon