chapter24

843 20 1
                                    

Rod point of view,

Tulala kong pinagmasdan ang maleta kong nakabukas habang nakaluhod, may ilang oras na ng lumabas si marga ng kwarto at umalis ng bahay.

Nasabunutan ko ang sarili at lihim na napamura, napatingin ako sa lampshade na nakapatong sa sidetable ng kama. Tumayo ako at humakbang palapit don

May hidden microchip na nakakabit sa luob non, pati sa alarm clock meron din. Hindi ko alam kung pano nila naikabit un ng ganon kabilis, pumayag ako sa gusto ni ellyse para protektahan si marga. Iyon nalang ang nakikita kong solusyon. Pabagsak na ang company na iniingatan ko, nagkaron pako ng utang dahil binabawi na nila ung mga ininvest nila last year sa company ko

Hindi ko na alam kung sino ung una kong ililigtas, ung buhay ko ba ?ung company na pinaghirapan itayo ni dad o ung mag iina ko na nasa peligro ng dahil sakin, gulong gulo nako
Seeing her crying, it hurt parang sinasaksak ng libo libong kutsilyo ang dibdib ko, pero iyon nalang ang nakikita kong paraan para hindi mapahamak si marga sa kamay ni ellyse,

Nagawa ko syang protektahan kay ellyse pero hindi ko nagawang protektahan ung puso nya, nasaktan ko nanaman sya. Iniisip ko kung paano ung anak namin na pinagbubuntis nya kung wala ako sa tabi nya para alagaan sya

Ayoko rin gamitin sya ng mga kalaban ko sa company para pabagsakin ako ng tuluyan kaya mas mabuti ng ganito, atlis malayo sya sakin malayo rin sya sa kapahamakan

Naglakad ako palabas ng bahay, at sumakay sa kotse ko. Pinatakbo ko iyon papunta sa company ni lorenz

Buo na ang desisyon ko

Pagbukas ko ng pintuan ng kanyang office ay nadatnan ko syang bwisit na bwisit kaharap ang tambak na papel habang kaharap ang kanyang laptop, gulo ang kanyang buhok at suot na necktie hindi nga nanganganib ang buhay nya pinupuntirya naman ang company nila

Anong ginagawa mo dito?busy ako rod pls”inis nyang sabi, umupo ako sa couch at inilibot ang paningin sa kanyang office.

Mag iinvest ako ng 500 million sa company mo para makabangon ka”basag ko ng katahimikan
Gulat ang reaksyon nyang tumingin sakin.

Balak mong gamitin ung natitira mong pera rod?siraulo ka ba?”tanong nya

Ikaw ng bahala kay marga”sagot ko na nagpatahimik sakanya.

Tulungan mo sya gamit ang pera ko, bilin mo lahat ng kailangan nya para sa baby namin lorenz, d-dahil hindi ko na magagawa iyon”nag iwas ako ng tingin.

Sigurado ka naba jan sa desisyon mo dude?”tanong nya.

Hindi ako sigurado kung kelan ako makakabangon o kung makakabangon pa bako, nasaktan ko nasya ng sobra lorenz ung company ko n-nalulugi na wala na sakin ang mag ina ko s-sinukuan nako ni marga”nanginging ang mga labi kong sabi habang pigil ang aking pagluha.

Malungkot na tumitig si lorenz sakin.

Sa totoo lang dude ang g*go mo, wag kang sumuko agad lumaban ka tas bawiin mo si marga kapag may lakas ka ng ipagtanggol ung mag ina mo, sa ngayon tiisin mo muna sya kasi parehas lang kaung mapapahamak”may awa sa tinig ni lorenz.

Ikaw ng bahala sakanya dude may tiwala ako sayo, at kung sakaling dumating ung panahon na huli nako at magkaron ng ibang lalaki sa buhay ni marga m-maluwag ko un na tatanggapin,”ngumiti ako ng mapaet

Pakyu! Hindi mag hahanap ng iba si marga basta bilisan mo lang”sagot ni lorenz

Marga point of view,

Natanaw ko ang malaking bahay na pag mamay ari ng mga magulang ni rod, malakit ito na parang palasyo.

Humakbang ako palapit sa gate, humawak ako sa gate na gawa sa rehas

Ano pong atin ms?”tanong ni manong guard.

Nanjan po ba si mrs.monteverde, g-gusto ko sanang iuwi na ung anak kong si nathan”mahinahon kong sabi, pero nangunot ang kanyang kilay

Si mrs.monteverde ho ba? Ay nako ma'am nahuli napo kau ng dating may isang linggo napo ng pumunta sa europe si ma'am kasama ung apo nyang si senyorito nathan na anak ni sr.rod, at balita ko rin na don nasila titira”paliwanag ni manong guard

Halos manlamig ang aking katawan dahil sa gulat,

S-sigurado ho ba kau jan sr? Anak ko si nathan pwedi nyo po ba akong papasukin?”aligaga kong sabi habang nagbabadya ang aking pagluha.

Nako ma'am bawal po e mahigpit pong bilin ni mrs.monteverde na wag magpapasok ng hindi kilala”sagot ni manong guard.

Anak ko si nathan ! Ako ang mama nya kaya papasukin nyo nako kailangan ko ng makuha ang anak ko!!”hindi ko na mapigilan magtaas ng boses habang lumuluha.

Pasensya napo ma'am”malungkot na sabi ni manong guard.

Nathan andito na si mama uuwi na tayo!!”malakas kong sigaw sa labas ng gate na para bang wala na sa katinuan.

Anak ko uuwi na tayo sumama kana kay mama!”napaluhod ako sa simento habang malakas na umiiyak.

Ibalik nyo ung anak ko sakin parang awa nyo na wag nyo syang kunin sakin !! Nathan anak plss lumabas ka na jan andito na si mama uuwi na tayo!”para akong nanghihina dahil sa narinig ko, inilayo ng mommy ni rod ang anak ko

KAYONG MGA MONTEVERDE WALA KAYONG KARAPATAN NA GANITUHIN AKO! BAKIT NYO KO PINAPAHIRAPAN NG GANITO?!”halos mamaos ako sa sobrang pagsigaw habang walang tigil ang mga luha ko sa pagpatak

Sr rod pwedi po bang pumunta kayo dito may babae kasing nag gugulo sa tapat ng bahay ng mga magulang nyo at hinahanap ung anak nyong si nathan”rinig kong sabi ng guard sa hawak na telepono.

Walang tigil akong umiiyak sa labas ng gate, halos magang maga na ang aking mga mata habang wala ng boses dahil sa labis na pag iyak

Maya maya pa ay may dumating na puting fortuner sa harapan ko, bumaba don ang maskuladong lalaking nakasuot ng pang opisina

WHAT ARE DOING HERE MARGA HANGGANG DITO BA NAMAN NAG EESKANDALO KA?!!”g*lit na sabi ni rod at hinila ako sa braso patayo, may ingat ang kanyang paghila sa aking braso pero nasasaktan ako dahil pati ang anak kong si nathan ay inilayo nya sakin

Masama ang kanyang titig saakin, huminto sa pagpatak ang aking mga luha at tinitigan sya sa mga mata

Masaya kana pati si nathan kinuha mo sakin?”mahina kong sabi na nagpalambot sa kanyang reaksyon.

W-what?”tanong nya habang gulat ang reaksyon pero agad ko syang pinatikim ng mag asawang sampal at pinagsusuntok sya sa dibdib

Tinalo mo ung demonyo sa kasamaan rod! Buhay kapa pero sinusunog na ang kaluluwa mo sa impyerno !”sumbat ko habang umiiyak pero hinayaan nya lang akong suntukin at sampalin sya.

Pinagsisihan ko ng minahal kita at pinagsisihan kong nakilala kita dahil wala kang ginawa kundi pahirapan ako, wala kang kwentang tao rod”nanghihina kong sabi at don nya lang hinuli ang mga kamay ko para pigilan

Umalis kana marga at wala akong alam sa sinasabi mo!”singhal nya at marahan akong itinulak

Babawiin ko si nathan at dadating ung araw na mararanasan mo sakit na nararamdaman ko”mahina kong sabi bago pumihit patalikod para maglakad na paalis

Bumuhos nanaman ang luha sa mga mata ko habang naglalakad paalis, hinimas ko ang maumbok kong tyan

Kumapit kalang huh? Babawiin natin si kuya”kausap ko sa maumbok kong tyan na para bang naiintindihan ako nito

30days in hell -UNDER EDITINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon