chapter32

807 16 1
                                    

rod point of view

dyos ko rod bat ganyan ang itsura mo at lasing na lasing ka san ka nag inum na bata ka?"aligagang tanong ni manang rosa ng ako ay makauwi na.

may idea ba kayo manang sa ipinagbubuntis nuon ni marga?"tanong ko habang akay akay nya ko paakyat ng hagdan.

ilan minutong di nakaimek ang matanda.

so totoong n-namatay nga yung anak namin?"nahihirapan kong tanong.

kumalas ako sa kanyang hawak saking bewang at balikat at pinilit umayos ng tayo.

namumungay ang aking mga mata na nakatitig lamang kay manang.

p-pasensya kana rod sinubukan kong sabihin sayo nuon p-pero biglang tumawag ang mommy mo kaya hindi ko na naituloy"malungkot nyang sabi, napasandal ako sa pader at itinaas ang ulo para pumikit at lumunok.

a-anong dahilan ng pagkamatay nya manang?"tanong ko habang nakapikit para pigilan ang emosyon

c-cord coil, nakapalupot ang p-pusod ng bata sa lieg"kanda utal na sabi ni manang.

sobrang naghirap si marga habang wala ako sa tabi nya manang"garalgal ang aking tinig na sabi.

magpahinga kana at matulog rod huh?"nakikiusap na sabi ni manang.

p-pero b-bakit hindi ako kumbinsido manang bakit pakiramdam ko nagsisinungaling lang si marga?"idinilat ko ang mga mata at tinitigan si manang. naaawa syang nakatingin sakin habang naiiyak na

matagal na yon rod tanggapin nalang natin"sagot ni manang sa tanong ko.

ung batang babaeng kausap nya sa video call at ung batang kasama nya kanina sa mall m-manang kamuka nya si marga at nahahati ang muka nya kay nathan bakit ganon? kung hindi iyon ang anak namin kanino ?"desperado kong tanong

lasing kana rod matulog kana sa kwarto mo huh bukas na bukas ipagluluto kita ng paborito mo"pangungumbinsi ni manang sakin.

naihilamos ko ang dalawang palad sa muka at huminga ng malalim. tumango ako at naglakad sa aking kwarto

kinaumagahan.

masakit ang aking ulo pero mas masakit parin ung nararamdaman ko ng malaman kong namatay ang anak namin.

kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan ang private investigator ko.may ilan minuto itong nagriring

lord j"sagot nito sa tawag ko.

imbestigahan mo kung saan nanganak si marga saadvera, 8years ago ngayon na"sabi ko sa kabilang linya.

copy sr"narinig ko ang kamay nyang mabilis na nagtitipa sa computer.

bataan general hospital lord j"sagot nito.

base sa record ni ms.margarette saadvera ay babae ang isinilang nito ngunit, wala ng buhay ang bata ng ito at ilabas"sabi nya pa.

nasapo ko ang sariling nuo.

s-saan nakalibing ang bata may nasabi ba kung saan?"tanong ko pa.

wala po lord j, pero sa mga nakalap na information dito hindi daw po nakita ni ms.marga ang bata dahil nagdesisyon ang magulang ni ms.marga na ipacremate ito agad"nakaramdam ako ng kakaiba sa aking dibdib sa mga narinig ko.

hindi nakita? bakit ipinacremate agad"wala sa sarili kong tanong.

ano po yun lord j?"tanong nya

alamin mo kung saan nakalagay ang"putol ko sa aking sasabihin.

abo ng anak ko"pagpapatuloy ko

copy,  give me a week lord"sabi nya. napahinga ako ng malalim bago magtanong ulit.

30days in hell -UNDER EDITINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon