chapter30

891 21 3
                                    

Marga point of view

Nagring ang cellphone ko kaya agad ko itong sinagot.

May report po about sa anak nyong si nathan ma'am marga"bungad ng private investigator na kinuha ni seb.

M-may lead naba kung nasan ang anak ko?"kinakabahan kong tanong pero sa kabilang banda ay masaya.

Dumating napo sa pinas si mrs.monteverde kasama ang anak nyo, lumapag ang eroplanong sinasakyan nila exact 6pm ng gabi kahapon"aniya nito, naikuyom ko ang sariling kamao.

Sinundan ko ang kotseng sinasakyan nila at napag alaman kong dun parin sila tumuloy sa dating mansyon nito"sabi pa nito, wala sa sariling naibaba ko ang cellphone at naglakad sa walking in closet para magpalit ng damit, saktong bumukas ang pinto

Aalis ka?"tanong ni seb habang nakapamulsa.

Seryoso akong tumingin.

Babawiin ko si nathan seb p-pls hayaan moko kailangan ko ng tauhan mo para makuha ang anak ko"g*lit ang nararamdaman ay diko maiwasan pangilidan ng mga luha.

Gusto mo bang samahan kita?"tanong nya, pero umiling ako at isinuot ang sling bag na hawak ko at humakbang palabas ng pinto,

Sinundan nya ko sa baba

Ng makarating sa labas ng pinto ay nakatayo na don ang mga men in black na sa tantya ko at bente.

Kapag hindi kayo pinagbuksan ng gate ng guard"sabi ni seb sa pinaka leader.

Patayin mo"walang reaksyon nyang utos, tumango ang leader at isa isang naglabas ng baril.

Tumango si seb sakin at hinawakan ako sa kamay para alalayan pasakay ng kotse, isa isang nagsipasukan ang mga men in black sa kanilang itim na van.

Call me when you need help"paalala ni seb, tanging pagtango lang ang aking nagawa.

Nag umpisa ng umandar ang kotseng sinasakyan ko, malayo pa man ay tinatambol na ng kaba ang dibdib ko. Magkahalong pananabik at galit.

Pananabik kay nathan dahil gustong gusto ko nasyang hawakan at yakapin, walong taon kong hindi nakita ang anak ko, di ko maiwasan makaramdam ng galit dahil sa ina ni rod na naglayo sa anak ko.

Hindi ko alam kung anong pwedi kong magawa kapag nakaharap na to

Wala akong ibang gusto kundi mabawi ang anak ko, mas lalong lumakas ang tibok ng puso ko ng matanaw ko na ang kulay gintong arco ng subdivision. Malapit nako

Antayin moko nathan at makakasama na kita, miss na miss kana ni mama anak

Pipe kong sabi sa aking isip at mabilis na pinunas ang luha sa pisnge, huminto ang kotseng sinasakyan ko sa harapan ng mataas na gate na kulay puti na gawa sa rehas.

Inalalayan akong bumaba ng driver, kasunod mg itim na van na huminto sa aking likuran.

Maagap na nagpakita ang guard sa luob ng gate, natatandaan ko ang guard na ito sya parin pala ang bantay sa gate

Buksan mo ang gate at kukunin ko ang anak ko"gulat ang naging reaksyon nya ng muli kaming magkita.

H-hindi po pwede ma'am"kanda utal nyang sabi, mabilis na itinutok ng mga men inblack ng sabay sabay ang mga baril nito,

Napalunok at pawisan ang gwardya at binuksan ang gate,

Nauna akong maglakad papunta sa malaking mansyon ng mga monteverde.

Diretso akong pumasok ng kanilang bahay, naunang tumakbo ang kasambahay nito sa taas ng hagdan dahil sa takot.

Hindi ba nila alam na tresspasing sila!!?"rinig kong sigaw ng matandang babae, gulat ang kanyang reaksyon mula sa itaas ng hagdan ng makapadako ang tingin sa akin.

30days in hell -UNDER EDITINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon