Marga point of view,Sino yan?"sigaw ng pamilyar na boses palabas ng maliit na bahay, tulala lang akong nakatingin sa aking paa.
Marga?!"gulat ang naging reaksyon ni annie ng madatnan akong nasa tapat ng gate nila, pinagbuksan nya ko ng gate. Napatingin sya sa maumbok kong tyan bago tumingin sa aking mga muka.
Okay kalang ba b-bakit namumugto yang mga mata mo tapos b-buntis ka?"nag aalala nyang tanong, wala akong naisagot sakanga tanging pagpatak lang ng luha ang nagawa ko. Iginaya nya ko papasok ng bahay,
Aling milagrosa andito po ang anak nyong si marga"sigaw ni annie ng makapasok kami sa bahay nila, lumabas ang matandang babaeng kulubot ang balat sa muka habang may puti ng buhok sa ulo.
Marga? Anong ngyari sayo b-bakit ganyang ang itsura mo umiyak kaba anak Asan si nathan?"tanong nya, wala akong naisagot kaya niyakap ko nalang sya habang umiiyak.
May ngyari ba nag away ba kayo ni rod? Bakit bigla bigla ka nalang umuwi?"tanong ni inay kaya lumakas ang paghikbe ko na lalong ipinag alala ni inay at ni annie,
Mabilis na kumuha si annie ng baso ng tubig habang inupo naman ako ni inay sa sofa, inabot ni annie ang tubig sakin kaya agad ko iyon na ininum
N-nay inilayo nila ung anak ko sakin, w-wala nasi nathan nay"hagulgul ko kaya mabilis na hinimas ni inay ang likod ko.
Anong ibig mong sabihin marga?"tanong ni inay kaya napailing ako.
H-hiwalay napo kami ni rod b-bumalik nasya sa dating asawa nya n-nay t-tapos si nathan, dinala ng mommy ni rod sa europe nay angsakit sakit"napasandal ako kay inay habang hinihimas nya ang buhok ko, tumabi si annie sakin at niyakap ako ng patagilid pati sya ay umiiyak narin dahil sa ngyari.
Napaka hayup talaga ng rod na iyan! Sabi ko nanga ba at sasaktan kalang nya ulit"umiiyak na sabi ni inay habang yakap ako.
Tahan na beshy, makakasama yan sa batang ipinagbubuntis mo"hinaplos ni annie ang kamay ko.
Binuntis kapa ng dem*nyong yon wala talagang awa tas inabandona ka nanaman na akala mo parang nag tapon lang ng basura, matapos mong magpakahirap kay nathan kukunin nalang nila mga wala silang awa marga"umiiyak na sabi ni inay, kapwa kami nag iiyakan na tatlo.
Magpakatatag ka anak p-para sa apo ko, babawiin natin si nathan kaya sana lumaban ka para sa batang dinadala mo marga magpakatatag ka kailangan mong maging malakas huh"pinunasan ni inay ang dalawang pisnge ko.
P-parang hindi ko na kayang bumangon pa inay, durog na durog napo ako wala ng natitira sakin nay"hagulgul ko. Hinalikan nya ko sa buhok habang mahigpit na yakap.
Meron pa anak, ung batang dinadala mo sya ang pag asa mo sa buhay dahil sayo lang sya kakapit anak"inay
Wala akong naisagot kundi ang pag iyak,
Ilan araw ang nagdaan, wala akong ginawa kundi magkulong sa kwarto at umiyak maghapon dahil sa sakit ng nararamdaman ko, wala na atang mas sasakit pa kapag inilayo sau ung anak mo na inalagaan mo ng matagal na panahon, wala na atang mas sasakit pa na hindi ko na mahawakan o makita ung anak ko.
Miss na miss ko na si nathan,
Rod point of view,
Walong buwan na ang nakakalipas, sinusubukan kong ibangon ang company pero hindi na talaga kaya, walong buwan nakong lugmok
Halos gabi gabi akong naglalasing para makalimot panandalian. pero imbes na makalimot ay lalo lang pinapaalala ung sakit, lahat lahat
May ilan beses kong pinigilan ang sarili kong puntahan si marga sa tinutuluyan ng kaibigan nyang si annie, pero sa twing malapit nako sa bahay na iyon ay para akong sinasak*l, hindi ko kayang magpakita sakanya matapos ng pananakit na ginawa ko sakanya
Nanatili akong nakatanaw sa bahay hanggang sa mag sawa ako, walong buwan ko nasyang hindi nakikita. Sinubukan kong kausapin si lorenz pero tumatanggi si marga sa perang inooffer ko, kahit konting tulong ay tinatanggihan nya
Wala akong kaalam alam sa desisyon ni mommy na ilayo si nathan, pero isa lang ang alam ko planado iyon ni ellyse.
Bumukas ng malawak ang pinto ng kwarto at iniluwa non si ellyse na nakacross arms, nakaupo lang ako sa sulok ng kama kaharap ang ilan lata ng beer.
We're going to japan next month rod"sabi nya at pabatong inilapag ang plane ticket sa ibabaw ng kama.
Bahala ka kung anong gusto mo"tanging naisagot ko.
Kalimutan mo na si marga magsimula ulit tayo"sabi nya kaya napalingon ako sakanya.
Sana lang ganon kadali ang pinapagawa mo ellyse"walang gana kong sabi na ikinainis nya.
Wag mong ubusin ang pasensya ko rod!"inis nyang sabi, napayuko nalang ako habang malakas na umiiyak. Hinayaan ko ang sariling ibuhos lahat, angkapal na ng buhok ko at tinubuan nako ng balbas. Amoy alak narin ang katawan ko, bagsak na bagsak nako
Minsan hinihiling kong tapusin nya na lahat ng paghihirap ko kasabay ng buhay ko, pero nasasaktan ako sa isiping maiiwan ko si marga at ang mga anak ko sa mundo ng ganito,Maligo ka samahan mokong mag mall and plsss ayusin mo yang sarili mo!"narinig ko ang yabag ng paa nya palabas ng kwarto.
Pinilit kong maligo at mag ayos. Nagdrive ako papuntang mall kasama si ellyse. Bibili ata sya ng mga bagong maleta at damit pabalik ng japan.
Stay here, it will be quick"paalam nya at pumasok sa luob ng department store. Naiwan akong nakatayo sa labas habang nakapamulsa, sumandal ako sa pader at ipinikit ang mga mata
Ng muli kong idilat ang mga mata ko ay nakita ko ang babaeng matagal ko ng gustong makita,
Bumaba ang tingin ko sakanyang maumbok na tyan, nakagat ko ang sariling ngipin ng pigilan ko ang sariling maglabas ng emotion.
Marga
Tumalikod sya at humakbang paalis. Hindi ko na napigilan ang sariling humakbang para abutin ang kamay nya, nanatili syang nakatalikod sakin habang hawak ko ang isang kamay nya.
Bakit mo paba ginagawa to rod?"mahina nyang sabi kaya dahan dahan kong nabitawan ang kamay nya.
Parang may bumara sa lalamunan ko dahil hindi ako makapag salita, lihim na bumagsak ang luha sa mga mata ko ng pumihit ako patalikod.
Ilan minuto kaming magkatalikuran hanggang sa maramdaman kong naglakad nasya palayo ng hindi lumilingon sa kanyang likuran.
Humarap ako sakanya at nakita ko syang palayo na,
Patawarin moko marga pero maniwala ka nasasaktan din ako
Naglakad nako pabalik ng department store at nakita kong pabalik na si ellyse kaya mabilis kong inayos ang sarili ko
Mygod nakakatakot na talaga ung panahon ngayon! Nakita ko talaga kung paano kaladkarin ng dalawang armadong lalaki ung babaeng buntis kanina!"pakikiparinig ko sa dalawang babaeng nasalubong ko.
Hindi ko ako sigurado pero nakakaramdam ako ng kaba
Rod !"tawag ni ellyse sakin ng tumakbo ako palayo
Bumaba ako ng escualator hanggang sa makarating ako sa exit ng mall. Kumpulan ang tao don kaya naki usisa narin ako.
U-ung buntis na dinukot ng armadong lalaki ganito ho ba kataas? Nakasuot ng white floral dress?"hinihingal kong tanong.
Opo sr!"sagot ni manong guard. Napamura ako ng ilan beses bago takbuhin ang parking para kunin ang kotse ko.
Wag si marga! D*mn hindi ko kakayanin kapag napahamak ang anak namin sa sinapupunan nya, lord plss kayo napong bahala sa mag ina ko. Pipe kong dasal habang mabilis na nagmamaneho. Ni hindi ko alam kung saan ako pupunta nakaka t*ngina lang
BINABASA MO ANG
30days in hell -UNDER EDITING
RandomMarga is a secretary and a mistress of ruthless CEO rodjie monteverde, ipinilit ni marga ang maling pagmamahal kahit alam nitong kasal na sa ibang babae ang lalaking mahal nito, tinanggap nyang maging kabet ni rod dahil sa pagmamahal, munit ang pagm...