chapter23

816 17 1
                                    

Marga point of view,

Magdamag akong di natulog para umiyak, angsakit sakit sa dibdib. Pero ayoko parin maniwala baka naman namamalikmata lang ako o di kaya baka panaginip lang ung nakita ko, gusto kong malaman mismo kay rod

Ayoko syang pagdudahan. Tanga na kung tanga pero miss na miss ko na si rod. Nangungulila nadin ako kay nathan, gusto ko nasyang yakapin.miss na miss ko na ung anak ko. Ung mag ama ko

Mabilis kong pinunas ang luha sa mga mata ko ng marinig ko ang kotse nya sa gate, inayos ko ang sarili para salubungin sya,

Nakita ko sya sa tapat ng pinto, mabilis akong naglakad pababa, nakita ko syang napatingin sakin pababa sa aking tyan na maumbok na. Akma ko syang yayakapin ng umiwas sya

R-rod b-bakit ngayon kalang?”tanong ko, ibinalik nya ang tingin sakin at ilan minuto akong pinagmasdan. Nakita nya sigurong mugto ang mga mata ko

Huminga sya ng malalim bago magsalita,

Gusto ko ng tapusin ang relasyon nating dalawa marga”sabi nya na nakapagpabigat sa dibdib ko, nasapo ko ang sariling dibdib at napailing

R-rod akala ko ba mahal mo ko?”tanong ko habang may pagmamakaawa sa boses, walang reaksyon syang tumingin sakin

Akala ko rin marga”malamig nyang tugon sa tanong ko kaya maagap ko syang hinawakan sa mga kamay

P-pero nangako ka rod, sinabi mong mahal moko at magtiwala ako b-bakit ngayon nakikipag hiwalay ka?”nangingilid ang mga luha kong tanong sakanya pero nakaiwas lang ang kanyang tingin habang umiigting ang mga panga.

Bumalik na si ellyse at”pambibitin nya kaya huminto ang mga luha ko sa pagpatak

N-narealize mong mas mahal mo parin pala sya kesa sakin ganon ba?”nanghihina kong tanong sakanya, sinalubong nya ang tingin ko habang malamig parin ang mga titig nito sakin

K-kung mahal mo parin sya b-bakit mo pa pinaramdam sakin na mahal moko kung sya parin pala ?!”g*lit kong tanong habang unti unti ng pumapatak ang mga luha sa mga mata ko

Im sorry”tanging naibulong nya pero pinaghahampas ko sya sa dibdib

Sorry? Sorry lang rod? buntis ako rod at dinadala ko ang pangalawang anak natin! nasasaktan ako sa mga ginagawa mo rod tapos sorry lang ?!”umiiyak kong sumbat sakanya, hinuli nya ang dalawa kong kamay para pigilan

Ayoko na marga! I realize na mas mahal ko parin si ellyse kesa sayo!!”nagtaas sya ng boses kaya napatigil ako sa pag iyak

At aaminin kong kinuha ko lang ang luob mo para mag revenge marga!”sabi pa ni rod

Revenge?para saan rod sa ginawa ko?kaya kayo naghiwalay ni ellyse?”tanong ko pero nanatili syang tahimik at nakaiwas ng tingin

H-hindi paba sapat ung pagpapahirap mo sakin rod ng halos isang buwan? Ginawa mokong b*boy na ikinulong mo sa bodega rod walang awa mokong ginamit, halos isang buwan akong nasa impyerno rod at hindi lang yun, nagbunga ung pang gagah*sa mo sakin! Binuhay ko mag isa si nathan rod ibinigay ko buong buhay ko kay nathan tapos sasabihin mong gumaganti kalang?!”mahaba kong sumbat sakanya

Tamana marga tapos na tayo”madiin nyang sabi at naglakad pataas ng hadgan, sinundan ko sya sa kwarto

Nag iimpake sya ng mga damit sa maleta

Iiwan mo nanaman ako, paano ung batang dinadala ko? Magsasakripisyo nanaman ako rod lalaki na naman syang walang ama ..mangyayari nanaman ba ung nangyari nuon kay nathan?”nanghihina kong tanong

Tumingin sya sakin

I give you 50 million, i dont wanna see your face and... i cant be a father to the child you're carrying, at hindi rin ako sigurado kung ako ang ama nyan.. siguro naman sapat na iyan para lumayo ka sa buhay ko, ”galit nyang sabi na nakapagpadurog ng dibdib ko

Humakbang ako para malakas syang sampalin

Hindi ko kailangan ng pera mo,”galit kong sigaw, nanatiling nasa kaliwa ang kanyang muka dahil sa lakas ng pagsampal ko

Kinuha mo ng lahat sakin, w-wala ka ng itinira sakin rod, ginawa mong miserable at impyerno ang buhay ko! I-ipinapangako ko sayong pag sisisihan mo lahat ng to, ”sigaw ko na nakapagpa gulat sa kanyang reaksyon

Sige malaya kana, binibitawan na kita ipinapaubaya na kita kay ellyse d-dahil kahit kailan ay hindi ko sya kayang pantayan”nanginginig na boses kong sabi at tumalikod na para humakbang paalis

Hindi nya ko pinigilan hanggang sa makababa ako ng hagdan at makalabas ng bahay

An//;hay marga mahal kita bebeko🥺❤️

30days in hell -UNDER EDITINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon