chapter1

2.2K 36 0
                                    


Marga point of view,

Anak sigurado ka nabang babalik kana sa manila para makapag trabaho?"tanong ni inay habang nag aayos ako ng damit ko sa malaki kong bag

Tumingin ako sandali sakanya at ibinalik ang tuon sa pagtitiklop ng mga damit

Opo nay. Kailangan alam nyo naman ang kalagayan ni nathan diba?kelangan ko po ng malaking sahod para sa mga gamot nya"sabi ko,

Ang anak ko, Anak namin ni rod. Nagdesisyon akong buhayin ang anak ko at mag isang palakihin. Matagal na panahon kaming nanatili sa probinsya para maibigay ang pangangailangan ng anak ko, pero nadiagnose si nathan na may sakit sa puso ng tatlong taon palang ito, kaya sa batang edad ay naranasan na nitong tumira sa hospital ng ilan buwan. Halos lahat ng trabaho ay pinasok kona matustusan lang ang bill ng hospital

At ngayon limang taon na ang nakakaraan, tinapat nako ng doctor. Na hindi na tumatalab ang gamot na tinatake ni nathan dahil kailangan na nitong maoperahan

Pero saan ako kukuha ng malaking pera kung dito ako sa probinsya nagtatrabaho?mababa ang ratings ng sahod dito hindi gaya sa manila, pansamantala ko munang iiwan si nathan kay inay dahil hindi ko rin naman sya maalagaan don dahil balak kong magtrabaho at mag ipon ng pang paopera ng anak ko

P-pano kung magkita kayo ni rod baka kung anong gawin nya sayo anak"nag aalalang sabi ni inay kaya napahinga ako ng malalim

Kesa naman ho mag antay ako ng himala dito inay, kelangan kong sumugal para kay nathan"sagot ko kahit na natatakot parin ako sa maari nyang gawin sakin pero eto nalang ang nakikita kong choice mas ayokong mawala ang anak ko sakin

Maaga pa kaya tulog pa ang limang taong gulang kong anak nasi nathan, kahit na parang basahan ang suot nito at butas butas ay muka parin itong mayaman dahil sa sobrang puti ng balat nito na mamumula mula, pati ang mga labi nito ay kulay pink habang may matabang mga pisnge at brown na mga mata at mahahabang pilit mata at itim na itim na mga buhok na kumikintab dahil sa lambot, para itong child star na napadpad sa probinsya dahil sa gwapo nito. Minsan nga kapag isasama ko si nathan sa mall o palengke ay madalas itong pagkaguluhan may mga nagsasabi pa na mukang ampon kulang ito. May nag ooffer din sakin na isali si nathan sa commercial o kunin itong childstar pero tumanggi ako, hindi ko hahayaan na makita ni rod ang anak namin

Hinalikan ko sya sa nuo

Nay kayo ng bahala kay nathan, wag nyo syang hahayaang maglaro sa initan o magpagod. Tumawag din kayo sakin kapag kelangan nyo ng pera o mga gamot ni nathan"bilin ko

Tumango si inay

Mag ingat ka don, tumawag ka sakin kapag hindi kana busy dahil paniguradong hahanapin ka ng anak mo"inay

Opo ma, pano aalis naho ako"paalam ko at binitbit ang bag na dadalin ko, pinahid ko ang luhang mabilis na tumakas sa mga mata ko

Mahirap para sakin na iwan si nathan para magtrabaho pero mas mahirap sakin na makita sya sa kalagayan nya dahil sa sakit nya, mas masakit sakin un. Kung pwedi ko lang syang isama sa manila para araw araw kaming magkita ay ginawa kona pero makikituloy lang kasi ako sa kaibigan kong si annie. Wala naman mag aalaga sakanya don dahil may trabaho din ang kaibigan ko. Mas malaki naman ang babayaran kapag nagrenta pako ng bahay para saamin nina inay

Sumakay nako ng tricycle at tinanaw ang bahay papalayo,

Manong sa buss terminal"sabi ko kaya dinala ako nito sa bus station, sumakay ako sa bus pa maynila

Kayanin mo marga para sa anak mo kailangan mong kayanin

Naging mahaba ang biyahe, nangawit ako sa pag upo dahil limang oras ang naging biyahe bago ako nakarating sa manila, agad akong dumiretso sa tinutuluyang maliit na bahay ni annie sa manila para makituloy

30days in hell -UNDER EDITINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon