Chapter 12
Dali-dali kong pinuntahan si Janille at hinila ko siya. Pero hindi siya nakikikoopera sa akin.
Bumukas ang pinto at isang lalaki ang nasa pintuan. Nakita ko na may hawak siyang baril- isang shotgun. Nagulat siya ng makita niya kami.
"sino kayo!" tanong niya habang itinututok ang baril sa akin.
Hindi ko alam kung anong gagawin ko o sasabihin ko baka dahil sa mali kong masabi ay barilin niya kaagad ako.
"nakita lang po namin itong bahay. Wala po kaming masamang intensiyon" bigla akong nagtaka dahil sa sabay na binigkas iyon nila Janille at Lucy. Sabay na sabay kasi talaga at parang memorize nila. Napag usapan na ba nila iyon nung naglilibot ako sa bahay?
"paano ako nakakasigurado na wala kayong binabalak na masama?" tanong ng estrangherong lalaki. Wala ni isa man ang sumagot sa kaniyang tanong. Ngumisi siya "kung may hindi man ako nagustuhan sa ginagawa niyo ay matitikman niyo ang kasamaan ni Pearl. Ayos ba tayo dun?"
Nagsitanguan nalang kami.
"sino po pala si Pearl? Siya po ba ang lider nitong Flare?" tanong ni Janille
"ha? Hindi! Si Pearl ay itong pinakamamahal kong shotgun" pinakita niya sa amin si Pearl "prinotektahan niya ako simula nung napunta ako dito sa Flare. Ako nga pala si Brian" tinignan ko siya at pinagmasdan. May katandaan na rin. Nagpakilala rin kami.
"nga po pala diba nasabi niyo po na napunta po kayo dito sa Flare? Paano po pala kayo napunta dito?" tanong ko
" Nakasakay ako sa van nagbiyabiyahe ako dati pauwi. Tas bigla nalang akong nahilo. Pagkagising ko andito na ako" sabi niya habang inaalala ang nakaraan
"kayo lang po ba mag-isa ang nasa van?" tanong naman ni Janille
"marami kami na nakasakay nun ang kaso nung nakatulog na ako hindi ko na sila nakita para bang iniwan lang nila ako sa isang tabi nung nakatulog ako. " sagot niya kay Janille.
"hindi niyo po ba naisip na silang lahat ay patay na?" sagot ko naman sa kaniya
"patay? PATAY? ANONG PATAY ANG SINASABI MO? SINASABI MO BA NA MAMAMATAY TAO AKO?! HA!" sagot niya sa akin. "pasensiya. Nagkakaroon akong moodswings simula ng napunta ako rito. Mabuti pa magpahinga muna kayo. May mga kwarto sa taas. Kung gusto niyong maligo may tubig rin atsaka damit panlalaki lang ang meron ako rito. Ituring niyo na ring parang bahay niyo ito"
Pumunta na kami sa kaniya-kaniya naming kwarto. Gusto ko mang magkatabi kami ni Janille para alam ko na ligtas siya kaso ayaw niya. Nagmuni-muni muna ako saglit hanggang sa makatulog na ako.
"sa wakas nandito na rin tayo sa gate" sabi ko kina Lucy at Janille." makakaalis na rin tayo" yinakap ko si Janille at ngumiti naman ako kay Lucy. Akala ko pa naman na hindi na talaga kami makakaalis dito.
"pero paano ba natin yan bubuksan?" tanong ko sa kanilang dalawa.
Nakita ko na halos maluha na si Janille at nakita ko rin na malungkot si Lucy
"bakit ba ganyan ang mga mukha ninyo? Diba dapat masaya tayong lahat?"
"huy! Sagutin niyo naman ako" ewan ko nga ba kung bakit pati ako naluluha. Hindi ko naman alam kung bakit sila malungkot.
Nang makita ko na bumuhos na ang mga iyak ni Janille ay may kakaiba akong naramdaman. Para bang may bumaon sa aking katawan.
Pagkalingon ko sa likod ko ay nakita ko si Lucy na umiiyak na rin. Nakita ko rin ang kaniyang mga kamay na may mga dugo at nakahawak sa kutsilyo na nakasaksak sa aking tagiliran. Hinugot niya ito at ibinaon ulit sa aking katawan. Paulit-ulit niya itong ibinaon hanggang sa manghina ako. Hindi ko alam kung bakit hindi ko siya pinigilan siguro dahil alam ko na wala na ring akong magagawa dahil nabaon na.
"I'm so sorry" sabi ni Janille habang umiiyak. Nakita ko nalang na umalis na sila at pumunta ng gate. Sinundan ko ng titig silang dalawa hanggang sa mawala na sila sa paningin ko.
Bigla akong nagising hindi dahil sa panaginip ko kundi sa ingay na narinig ko. Para bang sigaw. Sigaw na narinig ko na. Ang sigaw ng namamatay.
BINABASA MO ANG
Ang Dyip
Mystery / ThrillerDyip ang kadalasang sinasakyan ng mga Pilipino tuwing may pinupuntahan sila Pero paano kung isang araw hindi pala isang ordinaryong dyip ang nasakyan mo.