Chapter 4

316 18 0
                                    

Chapter 4

Napatingin silang lahat sa akin.

"Karatula? Yung ba yung nakasabit sa malapit sa harap?" tanong ni Janille sa akin

"oo nga no? yung karatula" manghang sagot ni Ace "kung di ako nagkakamali ung nakalagay doon ay 'once you enter, you cannot go back', kung ganun man, binasa niyo ba iyong lahat?"

Nagsitanguan ang lahat

"kung ganun man, nakakasigurado ako na yun ang dahilan kung bakit tayo nandito ngayon"

"kaya pala may 'do not read' dun sa taas nun, akala ko kung ano-ano lang iyon. Pero ang tanong paano tayo makakaalis dito?" tanong ni Janille

"yun ang hindi ko pa alam, sa ngayon maghahanap tayo ng kasagutan kung paano tayo makakaalis"

Nag-isip ang lahat kung papaano sila makakaalis sa lugar na iyon. makalipas ng ilang minuto ng pagiisip ay wala pa ring nagsalita. Hanggang sa may naaninag akong mga anino sa di kalayuan. Tinignan ko ito ng mabuti. At nakita ko nalang na mga tao pala ito. Siguro taga dito sila.

"guys, may tao doon" sabi ko sabay turo sa mga tao na nandoon. Nagsitinginan silang lahat sa direksiyon ng aking hintuturo.

"tao? Oo nga no tao! Halika lapitan natin sila at magtanong na rin" sabi ni Lucy

Lumapit kami doon sa mga tao. habang kami ay palapit ng palapit ay kinukutuban ako ng masama. Ng kami ay nakalapit na lumingon sa amin yung mga taong iyon.

" Sandali nga!" sabi ni Aling Rose "Alam ko nakita ko na kayo e, san nga ba yun?"

"Namumukhaan niyo sila aling Rose?" tanong ni Ace

"Oo, ang alam ko nakita ko na sila sa tv e, san nga ba yon?"

Habang nagtatalo sila, yung mga taong yun ay nakatingin lang sa amin, walang ekspresyon.

Lumapit ako kay Janille at hinawakan ang kamay niya, malamig. Siguro sa takot

"Melbert, sa tingin mo hinahanap tayo nila ma?" tanong niya sa akin

"Siyempre naman, sa ugali pa lang ng mama mo, sigurado akong pinahanap ka na niya sa NBI" Natawa nalang siya.

Napag isip isip ko rin kung hinahanap nila kami. Siguro natataranta na sila ngayon kakahanap sa akin.

"Pwede ho bang magtanong?" tanong ni Lucy sa grupo ng mga taong iyon.

Dahil sa tanong niya, bigla nalang nagkaroon ng ekspresyon ang mukha nila na para bang mga laruan na pinindot ang on button.

"A...an...no iyo...n?" hirap na tanong ng isa sa kanila.

"Nasaan po pala tayo ngayon? I mean, anong place or address?"

"Address?" kung kanina ay hirap siya sa pagsasalita ngayon ay naging maayos na

"opo"

"Hindi ko rin alam"

"ha? ba't hindi niyo ho alam? di po ba taga dito kayo?" singit na tanong ni Ace

"ha? hindi kami taga dito. Nagpahinga lang kami kasi nawawala kami"

"nawawala?"

"oo, nawawala kami. kami ay isang grupo ng mountain hikers at bigla nalang kaming nawala hindi ko nga alam kung paano. para bang pinaglalaruan kami"

"AY!!! OO Naalala ko na! Kayo yung nasa news yung mga nawawalang hikers 3 years ago!" sabi ni Rose

Ang DyipTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon