Chapter 17
Janille's POV
"diba alam mo na may nakita akong notebook? Binasa ko iyon at nagulat sa mga nabasa ko saktong saktong nangyayari pati nga si Brian nandun rin sa libro ang kaso hanggang doon nalang yung nakasulat sa libro hindi ko alam na pati siya mamamatay. Gusto ko mang sabihin sayo yung mga laman nun ang kaso bawal daw iyong ishare kahit kanino kung hindi, hindi ako makaka-alis. Tapos Melbert nakapatay ako ng tao" sabi ko kay Melbert na nasa hita ko "kung hindi ako papatay ng tao hindi ako makaka-alis dito. Ayaw ko mang gawin iyon kaso iyon ang nasa diary e. sinabi niya na iisa lang ang pwedeng umalis dito at sinabi rin na para magbukas ang gate kailangang iisa lang ang natira."
"naalala ko nung nasa bundok tayo at kasama natin si Aling Rose hindi talaga siya nagpakamatay. Ang totoo itinulak ko siya. Naalala ko yung itsura niya habang nahuhulog siya. Para bang isinusumpa niya ako, natatakot ako Melbert. At isa pa ako rin ang pumatay kay Rey hindi ko na nga alam kung anong pumasok sa isip ko nun. Ang alam ko lang nakita ko si Lucy at Princess na kumuha na kaagad ng kanilang biktima at ginilitan na ang kanilang leeg nung tumunog yung napakalakas na tunog nun. At ikaw Melbert" tinignan ko siya at hinalikan sa labi. Inalis ko na ang labi ko sa labi niya "ayaw ko mang gawin sa iyo iyon kaso iyon na ang nakaplano."
"Nung nasa bahay tayo ni Brian kinausap ako ni Lucy na kung anong mangyayari ako daw ang dapat pumatay sayo at sabi rin niya na para hindi na ako mahirapan pa magsuscuicide nalang siya. Haha! Akala mo nga wala ng bala dun marami nga kaming nahanap ni Lucy ang kaso ayaw lang naming ibigay iyon sa iyo kasi yun na ang gagamitin ni Lucy. Nung una nga ayaw kong magpakamatay siya kaso sinabi nalang niya na kailangang daw niyang bayaran ang lahat ng nagawa niyang mali yung pagpatay sa mga kasamahan natin. Haay... para na akong baliw dito kakakausap sa iyo. Pero hanggang sa nakikita ko pang bukas pa ang gate sasamahan kita dito" sabi ko sa kaniya
"aw... ang sweet mo naman" sabi ng isang babae na nasa likod ko. Liningon ko siya at nakita ko na si Helia lang pala iyon
"bakit ka nandito?" tanong ko sa kaniya
"para ihatid ka sa gate"
"pwede bang iwan mo muna ako? Hindi pa naman nagsasara ang gate"
"bulag ka ba? O lumalabo na ang paningin mo? Nag-uumpisa ng magsara ang gate no" tinignan ko ng mabuti yung gate at tama nga siya nagsasara na ang gate. "halika na?"
Tumayo na ako at iniwan si Melbert sa pwesto niya. Naglakad kami ni Helia hanggang sa nakarating na kami ng gate.
"alam mo hindi mo naman kailangang patayin si Melbert" sabi sa akin ni Helia
"anong sinasabi mo?"
"haaay... basahin mo kayang mabuti yang diary para malinawan ka. Nasa pinakadulong parte ha"
Kinuha ko ang diary at binuklat ko sa pinakahuling pahina. Nabasa ko ang katagang 'oo nga sinabi kong mag-isa lang ang pwedeng maka-alis dito pero hindi ko alam na pwede pala ang dalawang tao basta't magkaiba ng gender' hindi ko alam kung ano ba ang magiging reaksiyon ko. Naguguluhan rin ako kasi nun kami nalang dalawa hindi pa bumubukas yung gate pero nung napatay ko na siya doon lang nagbukas ang gate.
"t-teka bakit nung k-kami nalang dalawa-" paiyak na tanong ko
"ang hina naman ng common sense mo. Siyempre hindi pa nagsuscuicide si Lucy nun no"
Hindi ko na alam kung anong gagawin ko. Hindi ko alam na umiiyak na nanaman ako dahil napakatanga ko. Bakit kasi hindi ko na tinignan ng mabuti yung diary. Kasalanan ko tong lahat. Kung naghintay pa sana ako ng konti bago ko iyon gawin e di sana buhay pa siya.
Bago ako makapag-isip pa ng kung ano ay itinulak ako ni Helia sa gate
Bigla akong nagising. Nagising sa loob ng isang dyip. Ang dyip na sinasakyan namin ni Melbert. Lumingon ako sa paligid at nakita ko rin sila Aling Rose, Lucy at ang iba pa. lumingon ako sa gilid ko at nakita ko na nandun rin si Melbert na walang galos. yayakapin ko sana siya ang kaso napansin ko na may kung anong nakalagay sa ulo namin. At napansin ko rin na maraming tao sa paligid namin. Wala rin kami sa daan. Inalis ko kung anong meron sa ulo ko at lumabas na sa loob ng dyip. Pagkalabas ko ay napansin ko ang paligid, nasa parang facility kami kulay white lahat. Tumingin ako sa harap ko at nakita ko na may naghihintay na babae. Namukhaan ko siya, siya yung babae na nakaalis ng dyip yung nagising nalang tapos biglang nagpara at nakaalis ng walang problema.
"Congratulations!" masaya niyang sinabi sa akin "you survived the Flare"
"anong ibig mong sabihin? Ibig bang sabihin totoo lahat ng nangyari doon? Na patay na silang lahat at ako nalang ang natira? HA?!"
"well. Hindi pa natin alam kung patay na talaga sila. Here let me explain this to you" pumunta siya sa isang screen. Bumukas iyon "so here is Project Flare, we had been researching and experimenting this project since the world government wants this to be implemented. So what we are really doing here is that we want to let the test subjects control what they are currently dreaming, that is Phase 1 and i should say that it is a success but the tough part is the Phase 2 where the test subjects are given some situations where they should kill each other and let the deceased came back to this world alive. But given the previous experiments, as you can see, FAILED. It failed because they are consumed by this nightmares leading them to a sudden unexpected death syndrome"
"WAIT! Ano ba ang gusto niyong maachieve? Kasi sa totoo lang ang gulo niyo. Why risk the lives of people paano na yung mga may pamilya kung hindi naging successful yang experiments niyo?"
"well i tried to ask that to the higher persons but all they could tell is that they want a new entertainment. As of their families, they are bribed with a large amount of wealth. They are given loads of opportunities. Well that is what people wants right?"
"pero paano niyo masasabi kung patay na talaga sila?"
"after a few days. Kung nagising sila and stable ang heartbeat nila it means na successful ang experiment pero kung after a few days at humina ang kanilang heartbeat then failed ulit ang experiment"
"wait kung ganito rin pala ang ginagawa niyo e di bakit kailangan niyo pa ng maraming tao kung pwede namang dalawa o isa lang ang gawin niyong test subjects"
"siyempre we are in a rush, a lot of drugs are being imported here para matry lahat at para na rin mapabilis ang experiment and the sad truth about this is that what is being recorded in there is being broadcasted all around the world kaya parang may story ang ginagawa niyo kasi kung wala e di sana sa umpisa palang we already killed you all"
"paano na si Melbert?" malungkot kong tanong sa kaniya
"ipagdasal mo na maging successful yung drug na naiturok sa kaniya at makakasama mo pa siya hanggang ngayon. Sa ngayon pumunta ka muna sa iyong kwarto."
BINABASA MO ANG
Ang Dyip
Mystery / ThrillerDyip ang kadalasang sinasakyan ng mga Pilipino tuwing may pinupuntahan sila Pero paano kung isang araw hindi pala isang ordinaryong dyip ang nasakyan mo.