Chapter 11

143 15 0
                                    

"Janille, may problema ka ba?" tanong ko sa kaniya.

"wala" simpleng sagot niya.

"sabihin mo na kasi ang problema mo" pagpilit ko sa kaniya.

"Wala nga, nag-iisip lang" tumayo siya "halika, lakad na tayo"

"saan naman tayo pupunta?" tanong ko sa kaniya

"kahit saan" lumingon siya kay Lucy na siguro ay natrauma na sa mga nangyayari "Lucy! Sasama ka ba sa amin?"

"ba't mo siya isasama?" bulong ko kay Janille "hindi mo siya pwedeng pagkatiwalaan"

"Lucy! Dali punta na tayo doon" sabi niya na para bang mas pinagkakatiwalaan pa niya siya kaysa sa akin

Tumingin si Lucy sa amin at tumayo na rin siya.

"Ops! Taas muna ang kamay" sabi ko habang lumalapit siya sa amin. Itinaas niya ang kamay niya

"Bakit ba ganyan ka kay Lucy?" tanong ni Janille sa akin

"malay mo ikaw na isunod niya"

"ayaw mo nun matatapos na ang paghihirap ko" sabi niya ng nakangiti

"paano naman ako kung wala ka na? ha?!" lumingon siya kay Lucy na para bang hindi niya narinig ang sinabi ko. At naglakad na.

Naglakad kami. Lakad lang kami ng lakad. Ni anino ng mga kasama namin hindi namin makita. Siguro nagtatago sila o baka naman patay na sila. Naglakad kami hanggang sa naging magubat na ang paligid. Siguro dito nakuha nila Rey yung mga prutas.

"tignan niyo. May bahay" sabi ni Janille.

Tumingin ako at nakakita ako ng bahay, isang kakaibang bahay. Lumapit si Janille sa bahay at bawat hakbang niya patungo doon ay nagbibigay kaba sa akin dahil hindi namin alam kung nandiyan ba si Princess o kahit sino man o ano man na pwede naming ikasawi.

"Sandali lang ako na ang magbubukas" sabi ko kay Janille nang nasa tapat na kami ng pintuan.

Pinihit ko ng pagkadahan dahan ang doorknob dahil sa kaba. Ng napihit ko na ng lubusan ang doorknob ay unti unti ko na ring tinulak ang pinto. Dahan. Dahan. Dahan.

"Aaaahhh!!!" sigaw ni Janille. Agad akong lumapit sa kaniya upang protektahan siya. Narandaman ko nalang na nababasa ang aking damit. Tinignan ko ang mukha niya at nakita kong umiiyak na siya sa kakapigil sa kaniyang pagtawa.

"Tengene! Niloloko mo ba ako?" asar na tanong ko sa kaniya.

"Hindi ba halata?" sagot naman niya sa akin "tara na pasok na tayo. Wala naman ata na tao dito"

Sumunod nalang kaming dalawa ni Lucy sa kaniya. Nakakita ako ng sofa sa di kalayuan at umupo ako doon. Sumunod na umupo sa akin si Janille. Sa wakas makakapagpahinga na rin ako.

Minatiyagan ko si Lucy at nakita ko na nakaupo siya sa isang sulok. Tumayo ako at lumapit sa kaniya. Tinignan ko siya sa mata at tumingin rin siya sa aking mata.

"Alam mo isang panaginip lang ang lahat ng ito" sabi ni Lucy sa akin

"ha? Anong panaginip?" takang tanong ko sa kaniya.

Isang ngiti lang ang kaniyang isinagot sa akin. At mukhang hindi na niya ako kakausapin kung kaya tumayo nalang ako at linibot ang bahay na ito.

Base sa paglilibot ko, kahit na kakaiba ang bahay na ito sa labas, maayos naman ang loob nito mukha ngang mamahalin ang mga gamit dito. May kuryente rin at tubig. Kumpleto na ang lahat. pagkapunta ko sa kusina agad kong tinignan ang ref. May pagkain at hindi pa panis ang mga iyon. Kaya sa tingin ko ay may nakatira dito.

Sandali 'may nakatira dito' agad akong kumuha ng kutsilyo at pumunta sa kung nasaan iyong dalawa. Nakita ko silang dalawa na nagbabasa ng libro.

"GUYS! May nakatira dito sa loob ng bahay na ito" agad naman silang lumingon sa akin

"tapos...?" sabi ni Janille

"paano kung mamamatay tao yung mga iyon e di patay na rin tayo kaya umalis na tayo dito. Pwede?"

"mas gusto ko dito"

Sasagot pa sana ako pero narinig ko na may pumihit ng pinto.

Ang DyipTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon