Chapter 2

535 21 1
                                    

Chapter 2

"Manong bayad ho! Sabi ng ale na katabi ko" inabot ko yung bayad nila at inabot sa kung sino mang aabot nito. "nakakaasar naman manong pwede ho bang bilis bilisan niyo naman ang pagmamaneho ninyo? Ang bagal o"

Tinignan ko yung driver pero nakangisi lamang ito. Kinikilabutan ako sa mga ngising iyon. Napabalik ulit yung atensiyon ko sa karatula na nakasabit at napansin ko na lamang na may mga maliliit na titik sa taas ng mga salitang nabasa ko kanina.

"Janille nakikita mo ba yung karatulang iyon?"

"alin? Yung may 'once you enter, you cannot go back'?"

"oo, nababasa mo ba yung mga nasa taas nun?"

"sandali subukan ko" tinignan niya ito at sinabi sa akin ang nakasulat doon. "'Do not read', yun yung nakalagay doon. Ang weird ha. Sinabing do not read pero basang basa naman yang malaking karatula na iyan"

"oo nga e. pero baka sinulat lang yan ng bata"

Binalewala ko nalang yung karatula. Puno na rin itong dyip. Hindi naman siksikan yung sakto lang. dahil sa katumal ng pagpapatakbo ng driver ay marami ng nagrereklamo, yung iba naman deadma nalang.

"kung hindi lang punuan yung ibang dyip siguradong doon na ako sasakay!" sabi ng aleng katabi ko. Nagsing-ayunan naman yung ibang pasahero pero ako okay lang na ganito atleast matagal ko siyang makakasama.

Ilang minuto pa ang lumipas ngunit malayo pa kami. Tumigil na rin sa kakareklamo yung ale na katabi ko. Nakakaasar na nga e ang ingay masakit sa tenga katabi ko pa naman. Muntikan na nga akong matalsikan ng laway nila e.

Napansin ko nalang na nasa tulay na kami ibig sabihin malapit na akong bumaba. Tumingin ako sa harap kung saan nagmamaneho yung driver. Nagkatinginan kami. At biglang tumaas ang mga balahibo ko. Itim, itim ang kulay ng mata niya. Oo nga't ganun halos lahat ng mata ng mga tao pero ung sa kanya parang kakaiba parang may gustong sabihin.

Tulog silang lahat dahil na rin siguro sa pagod. Gusto ko na nga ring matulog kaso malapit na akong bumaba. Habang tinitignan ko yung daan na palapit ng palapit sa babaan ko ginising ko si Janille.

"Janille malapit na akong bumaba"

"ha-a? a... sige bye. Ingat ka ha kita tayo bukas agahan mo ang pasok ha. Tutulog pa ako"

"kaw talaga. Sige tulog ka lang. bye"

Ng tumapat na ang dyip sa bababaan ko

"PARA ho!" sabi ko ngunit para itong walang narinig at tuloy-tuloy parin ito sa pagmamaneho. Inulit ko ng inulit ko yung pagpara ko. Nagising tuloy yung ibang pasahero at sinabi na ring may bababa. Ngunit wala paring bakas ng pagprepreno niya.

Tumayo ako sa kinakaupuan ko at susubukan ko nalang na bumaba mabagal lang naman pagpapatakbo nila e. ngunit ng ilalapag ko na yung paa ko sa may pansuporta ng paa para makasakay ay bigla na lamang akong napahinto sa paggalaw. Hindi ko alam pero parang may nakaharang sa pinto. Kinapa ko ito at totoo nga may nakaharang dito.

"Manong ano to? Ba't hindi ako makaalis?" sigaw ko. Napatingin sa akin yung ibang pasahero.

"anong hindi ka makaalis? Kung tumalon ka nalang diyan!" sigaw sa akin ng ale. Bigla akong naasar sa sinabi ng matandang iyon

"oo nga po tatalon po sana ako kaso nga lang po may parang NAKAHARANG dito na pumipigil sa akin na umalis!" sagot ko sa kanila. "Manong ano! Ano to? Alisin mo nga to"

Pero nung tinignan ko yung driver ay wala na ito. Hinanap ko kung saan ito pumunta ngunit hindi ko mahanap.

"YUNG DRIVER NAWAWALA! Sigaw ko sa kanila" nagsitinginan naman silang lahat sa harap. At nung tinignan ko sila, nahalata ko na ang kanilang mga mukha na natataranta na. at ilang segundo lang ay bigla na silang nagsigawan.

Ang DyipTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon