Chapter 9
Tinignan ko si Lucy na umiiyak. Nakakaawa ang mukha. May mga sugat siya sa katawan at halatang nahihirapan na siya. Lalapitan ko sana siya kaso pinigilan ako ni Janille.
"Pinatay mo ba sila Ace at Nick? SAGOT!" sigaw ni Janille. Liningon niya ako "huwag kang lalapit sa babaeng yan. Baka mamaya nagpapanggap lang yan!"
"h-h-hindi ko sila pinatay. Pinaghiwa-hiwalay kami ni Helia. Hindi ko alam pero nung tumingin ako sa likod ko wala na sila. Hindi ko na alam ang gagawin ko."
"Saan mo nakuha yang mga sugat mo at yang itak na yan?!" mataray na tugon ni Janille.
"Janille, tama na. tignan mo nahihirapan na siya" sabi ko kay Janille. "Lucy, matulog ka na muna"
Tumango nalang si Lucy at pumunta sa isang sulok. Tinignan ko si Janille pero tinarayan niya lang ako at pumunta sa isang sulok. Argh nagseselos siya.
"Carlo, ikaw na muna magbantay kay Lucy. Kakausapin ko lang si Janille" sabi ko kay Carlo. Agad naman itong tumango
Pinuntahan ko si Janille. At ayun nagmumukmok.
"Janille, huwag ka ng magselos. Naawa lang ako kay Lucy" sabi ko sa kanya.
Wala akong natanggap na sagot
"Janille, kausapin mo naman ako"
"hindi ako nagseselos"
"anong hindi ka nagseselos?"
"k. fine. Nagseselos lang ako ng konti pero hindi yun ang dahilan kung bakit ako ganito ngayon"
"ano bang nangyayari?"
"may nagsasabi sa isip ko na siya talaga ang pumatay kina Ace. Kaya please lang Melbert dumistansiya ka kay Lucy"
"napaparanoid ka lang Janille tas muk-"
"hindi mo naiintindihan. May mali na nangyayari dito. Sa tingin mo bakit hindi pa dumadating sila Rey at Alex. Ha?" Napatahimik ako bigla. Nakalimutan ko na pala ang tungkol kila Rey. "sa tingin mo?"
"Huwag mong sabihin na-"
"Sup!" napalingon kami kung saan galing ang boses at nakita namin sina Rey at Alex na may mga dalang pagkain.
"Paranoid ka na talaga Janille. Baka gutom lang yan" sabi ko kay Janille
Linapitan ko sina Rey at Alex. Nakita ko rin ang grupo nila na masaya. Buti pa sila parang walang pinoproblema.
"Bat natagalan kayo?" tanong ni Carlo kina Rey
"May nakita kasi kami na makukuhanan ng mga pagkain kaya kumuha na kami. Tinawag din namin sina Rey kaya ayun natagalan kami. May nahanap ba kayo?" Tanong ni Alex. "bakit parang kulang kayo? At bakit duguan si Lucy?"
"ang rami mo namang tanong" sabi ni Carlo. "sila Ace at Nick wala na. Si Rose naman wala na rin. Tumalon sa burol."
Hindi maipinta ang mukha nila sa narinig.
"NAGPAKAMATAY SI ALING ROSE?!" tanong nila Rey.
"oo nga, ang kulit" sagot naman ni Carlo. Tumahimik sila.
"eh, bakit ganyan si Lucy?"
"hindi ko nga alam e. basta hinabol niya lang si Helia tas nawala na ung dalawa. Hindi ko na natanong kung san niya nakuha yung mga sugat niya"
"o siya, kain muna tayo, huwag niyo na muna yang alalahanin" sabi ni Rey.
Kumain kami, pati si Janille kumakain na rin. Si Lucy ayun tulog. Nakikita ko si Janille na tingin ng tingin kay Lucy. Siguro nagseselos siya.
"nga pala. San niyo pala nakuha tong mga pagkain? Kanina kasi wala kaming nakitang mapagkukuhanan ng pagkain" tanong ko sa kanila.
"ha? May kakahuyan doon, malapit sa lawa"
"HA? Anong lawa? Wala rin kaming nakitang lawa. Ang nakita lang namin ay mga lupa. Walang kakahuyan, wala ring lawa. Wala ring labasan"
"anong wala. Nakikita mo yang mga pagkaing yan? Doon lang naman namin nakita iyan" sagot niya sa akin.
Tumahimik na lang ako. Tama naman siya, kung may pagkain kami ngayon, siyempre tama na siya. Pero kanina talaga wala akong nakita. Tinignan ko si Janille at pinag-isipan ang sinabi niya sa akin kanina na may mali dito.
"pahinga muna tayo" anunsyo ni Alex. Pagkasabi niya niyon ay gumising si Lucy.
"Sandali lang guys! Bago muna ang lahat nais ko lang sabihin na-"
Hindi na natapos ni Rey ang sasabihin niya dahil may tumunog na malakas. Napahawak ako sa aking tenga. Parang alarm ang tunog kaso ito ay nakakabingi. Ilang beses itong tumunog, pagkatapos ng ilang sandali ay tumigil ito.
Inilibot ko ang mata ko at nagulat sa nakita ko. Si Rey, Alex, at isa pang babae ang nakahiga sa sahig, duguan, at walang buhay.
BINABASA MO ANG
Ang Dyip
Mystery / ThrillerDyip ang kadalasang sinasakyan ng mga Pilipino tuwing may pinupuntahan sila Pero paano kung isang araw hindi pala isang ordinaryong dyip ang nasakyan mo.