Chapter 14
Natataranta sila Lucy at Janille sa nakita nila. Ako naman ay napatigil sa aking kinalalagyan
"paano na yan? Sino na ang matitira dito?" tanong ni Janille "paano tayo makakaalis?"
"easy lang kayo" pampakalma sa kanilang dalawa. "kung kailangan ng isang maiiwan-"
"huwag mong saasbihing magpapaiwan ka" sabi ni Janille sa akin
"paano kung sasabihin kong tama yang hinala mo?"
"hindi ako papayag" sagot naman niya
"kung ayaw niyo e di ako nalang ang magpapaiwan" suhestiyon ni Lucy
"hindi ako papayag" sagot ko sa kaniya
"ganito nalang bato-bato-pik nalang tayong dalawaa" sabi ko kay Lucy
"Mga $%@! WALANG MAIIWAN DITO KUNG AYAW NIYONG AKO NALANG ANG MAIWAN" diin ni Janille
"oo nga naman ikaw nalang maiwan since-" pagtataray ni Lucy
"Hay pwede ba pumasok na muna tayo at magpahinga? Doon nalang natin pag-isipan kung ano ba talaga ang gagawin natin" sabi ko sa kanila
Bago ako pumasok ay kinuha ko si Pearl na nasa kamay ni Brian. Oo nga pag-aari iyon ni Brian kaso hindi natin alam kung anong pwedeng mangyari mamaya. Tinignan ko kung may laman pa ba itong bala kaso ubos na ito. Naubusan siguro si Brian ng bala nung inatake siya.
Pumasok na ako sa loob at naghanap ng bala. Habang naghahanap ako ay lumapit si Lucy sa akin
"kung ako sa iyo. Ako na ang magpapaiwan dito sa bahay kasi-" sabi ni Lucy
"hep-hep-hep! Wala pang napagdedesisyunan kaya wag mo munang sabihin iyan"
"pero hindi mo naiintindihan kung anong meron dito"
"anong hindi naiintindihan?" sagot ko sa kaniya
"wala"
"Wag mong sabihing may notebook ka rin?"
"oo kami ni Janille meron at ikaw wala. Alam namin kung anong pwedeng mangyari at ikaw hindi mo alam. Kaya please lang sumunod ka na lang sa akin. Pabayaan mo na akong maiwan. Wala na rin lang naman na akong babalikan." Paiyak na sabi niya
Wala na akong magagawa umiiyak na siya kaya pagbibigiyan ko na siya. At tama nga naman ang sinasabi niya na wala akong alam sa mga nagyayari dito. Tapos kung ako ang maiiwan. Paano nalang si Janille kung may mangyari habang papunta sila ng gate.
"masakit man sa konsensiya ko pero pagbibigyan na kita. Pero ano ang sasabihin natin niyan kay Janille?"
"ako na ang bahala diyan. Basta napagdesisyunan na natin ito. Kung pinilit niya na walang maiiwan e di sasama ako sa inyo hanggang sa hindi niyo nalang malaman na humiwalay na pala ako sa inyo. Ano nga pala yung hinahanap mo?"
"naghahanap ako ng bala ni Pearl"
Tinulungan ako ni Lucy na maghanap ng bala. Pati na rin si Janille nakihanap na rin pero kahit na tignan na namin ang lahat ng sulok ng bahay ay wala pa rin kaming makita kaya tumigil nalang kami at ibinalik ko nalang ulit si Pearl sa kung kanino siya tunay na nagmamay-ari.
Dumating narin ang oras na kung saan kailangan naming pag-usapan kung ano ba talaga ang gagawin namin. Magsasalita na sana ako kaso inunahan ako ni Janille
"Si Lucy na ang maiiwan since kailangan ko ng quality time sa boyfriend ko!" sabi niya habang nakaharap kay Lucy. Natawa nalang si Lucy
"okay lang sa akin kung ako ang maiwan. PERO HINDI KO INAAGAW YANG BOYFRIEND MO!" sabat naman ni Lucy
"WALA NAMAN AKONG SINASABI NA INAAGAW MO ANG BOYFRIEND KO HA!" SAGOT NAMAN NI jANILLE
"Pwede bang tumigil na kayong dalawa? Napagdesisyonan na, na si Lucy ang maiiwan kaya magsitulog na muna tayo at bukas na bukas rin kami aalis ni Janille"
Nagsipuntahan na kaming tatlo sa taas at pumunta na sa sarili naming kwarto. Siyempre katabi ko na naman si Janille.
"Sorry" sabi ni Janille sa akin
"para saan?" sagot ko sa kaniya
"para sa future" ngiti niya sa akin at natulog na. sorry para sa future parang kinakabahan ako.
BINABASA MO ANG
Ang Dyip
Mystery / ThrillerDyip ang kadalasang sinasakyan ng mga Pilipino tuwing may pinupuntahan sila Pero paano kung isang araw hindi pala isang ordinaryong dyip ang nasakyan mo.