Chapter 3

446 18 1
                                    

Chapter 3

Nagwawala na ang mga pasahero ng dyip. Sinubukan rin nilang umalis sa pinto ngunit hindi rin sila makaalis. Sinubukan nilang umalis gamit ang bintana kaso hindi rin sila makaalis.

Tumabi ako kay janille.

"okay ka lang?" tanong ko sa kanya

"oo naman, ano ba talagang nangyayari?" halatang nagtataka na siya. Lahat naman kami ganun e.

Napansin ko nalang ang isang babae, natutulog pa rin siya hanggang ngayon. Nagising siya. Napatingin siya sa paligid niya at nagtataka. Siguro nagtataka siya kung bakit nagkakaguluhan yung mga tao. Tumingin siya sa paligid at biglang nanlaki ang mata niya.

"SH**! Lagpas na ako" dali dali siyang tumayo sa kinauupuan niya at pumunta sa pintuan. Nabigla kaming lahat dahil nakalabas siya na parang walang nakaharang sa pinto. Pinanood namin yung babae hanggang sa wala na siya sa aming paningin. Lalong nagkagulo ang mga tao sa loob ng dyip. Yung iba umiiyak na kasi hindi sila makalabas. Yung iba naman ay kung ano ano ng pinagsasabi tungkol sa pamilya nila na sana sila ay ligtas at walang masamang mangyayari sa kanila at iba pa.

"Melbert, natatakot ako! Ano ba talagang nangyayari?" tanong ni Janille sa akin

"hindi ko alam" nakita ko nalang na naluluha na siya. At nasasaktan ako ng nakikita ko iyon. "wag kang mag-alala makakalabas tayo sa dyip na ito.

"kung makakalabas tayo" sabi niya sa akin.

"sisiguraduhin kong makakalabas tayo dito at makakauwi tayo" hindi na niya napigilan ang pagluha ng mata niya. Umiyak siya ng umiyak.

Bigla na lamang akong nahilo sa mga pangyayari. Pero napatingin ako sa paligid ko at nakita ko na parang umiikot ang mundo na para bang napapanood ko sa mga telepantasiya na iba't ibang kulay na umiikot ngunit ngayon kulay itim lang ang umiikot. Hindi ko alam ang nangyayari. Tinignan ko ang ibang mga pasahero, sila ay nakahandulasay na sa loob ng dyip siguro'y tinamaan na sila ng sobrang pagkahilo. Ilang sandali lang ay napapikit na rin ako ng mata at sumama na sa mga natutulog na tao.

-----

nagising ako bigla sa mga ingay na naririnig ko.

"asan na tayo? Ba't nasa parang tayo?" tanong ng hindi ko kakilala na tao

"hindi ko nga rin alam e. basta ang alam ko lang nasa siyudad pa tayo kahapon" sagot naman ng isa

Tumingin ako sa paligid. maliwanag na ang kalangitan. At tama nga sila na sa parang kami. Tinignan ko si Janille na nakatingin sa akin.

"kanina ka pa ba gising?" tanong ko sa kanya

"oo e... sa tingin mo nasaan na tayo?"

"hindi ko alam... pero kung nakikita mo nasa parang tayo. Puno ng mga damo, puno, at halaman."

"tungeks alam ko kung ano ang parang, pero saang lugar?"

"hindi ko alam. Halika na labas na rin tayo"

Nakita ko yung ibang pasahero na nakaupo sa isang sulok at nakatunganga nalang kung saan saan. Napag isip isip ko na masuwerte ako ngayon kasi may kakilala ako. Siguro kung hindi ko kasama ngayon ito siguro nasa isang sulok rin ako ngayon.

"Attention! Ehemm... ATTENTION! Guys, magsilapit po tayo dito" sabi ng isang lalaki na mukhang isang businessman. Nagsilapitan kaming lahat sa kanya at nakikiramdaman nalang. "First of all, sa inyong lahat, may nakakaalam ba sa inyo kung nasaan tayo ngayon?"

"hindi, hindi ko alam kung nasaan tayo ngayon" sabi nung ale na katabi ko kagabi

"wala ba talagang nakakaalam?" nagsitanguan nalang ang lahat. "So, bago ko sabihin ang gusto kong sabihin, magpakilala muna tayong lahat sa isa't isa para naman hindi masiyadong awkward. Uumpisahan ko na. ako nga pala si Ace, kayo anong pangalan ninyo?"

Nagpakilala kaming lahat bale labin-apat kaming lahat. Nalaman ko rin na ang pangalan pala nung ale ay Rose.

"okay ngayong magkakakilala na tayong lahat, makinig na kayo sa sasabihin ko. Hindi ko alam kung nasaan din tayo ngayon, chineck ko ang phone ko pero walang signal akong natatanggap, chineck ko na rin yung paligid at wala akong matanaw na sibilisasyon. Naaalala niyo ba yung babae kagabi? May nakakakilala ba sa kanya na naririto?" sumagot kami ng 'hindi namin siya kilala' "meron ba dito na nakasabay siyang sumakay o alam niyo kung saan siya sumakay?"

"ako, mas nauna akong sumakay kaysa sa kanya" sabi ni Rose

"pwede niyo ho bang ikwento kung anong ginawa niya bago siya sumakay at kung anong ginawa niya habang nakasakay siya dito?"

"ahm, sumakay siya sa may tapat ng mall, pagkasakay niya ay nagbayad na siya tapos natulog na siya, tulog siya hanggang sa bumaba siya" sabi niya

"magkano ba ang binayad niya?"

"sakto ang pamasahe niya"

"wala na talaga siyang ginawa maliban sa pagtulog?"

"oo natulog lang siya, bakit?"

"meron ba dito na natulog lang rin magdamag?" tanong ni Ace sa lahat

"ako" sabi ni Nick na estudyante rin

"kung hindi yun ang sagot kung paano siya nakalabas e ano?"

"baka isa siyang multo" sabi ni Lucy

"maniwala kami" sabi ng kaibigan niya na si Ritchelle. At bigla silang nagtawanan. Siguro gusto nilang maibsan manlang ang tensyon na nangyayari.

Bigla kong naaalala yung karatula sa dyip.

"sa tingin niyo, may kinalaman dito yung karatula sa loob ng dyip?"

Ang DyipTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon