Chapter 5

272 17 3
                                    

Chapter 5

"3 years ago?!" Bulalas naming lahat.

"Oo, kung di nga ako nagkakamali matagal na kayong hinahanap ng mga pamilya niyo." Ani ni Rose

Tinignan ko ang mga taong iyon. Mukha naman silang hindi nawala o ano. Maayos ang kanilang damit. Mukha nga silang hindi naiistress.

"3 years? Ganun na ba kami katagal na nawawala?" Sarkastiko niyang sagot. Tumayo siya at lumapit kay Rose. Tinapat niya ang mukha niya kay Rose. At tumawa ng pagkalakas lakas

Inilayo ni Rose ang mukha niya

"Na-ba-baliw ka na ba?" Takot na sagot ni Rose.

Habang tumatawa ang lalaking iyon ay may kinuha siya sa kanyang likod. Isang mahaba na itak. Nagulat kaming lahat sa linabas niyang sandata. Pumorma siya na parang tatagakin niya si Rose.

"Takot ka no?" Patawang sabi nung lalaking iyon. "Ako nga pala si Ross. Pasensiya na kung nagulat ka. Ganun lang talaga ako mangamusta ng mga tao"

Itinago na niya ang itak niya. Nakahinga kami ng maluwag sa inasal ni Ross. Akala ko ay makakakita kami ng dugo.

"Diyos miyo! Muntik na kong himatayin doon. Akala ko mamamatay na ako" at pabirong pinaghahampas si Ross.

"Pasensiya na talaga. Ganun lang talaga kami. Katulad nga ng sinabi ko kami nga ay mga hikers. Pero hindi ko alam na 3 years na pala kaming nawawala." Manghang sagot ni Ross "Pero dito na kami nanatili. May mga prutas, pagkain, tubig. Mabubuhay ka na dito"

"Ibig bang sabihin, dito na kayo nanatili simula nung 3 years na iyon? Hindi niyo na ba hinanap ang malapit na siyudad?" Tanong ni Janille

"Sinubukan na namin yan. Naghanap kami. Ilang buwan kaming naghanap pero wala talaga. Kaya dito nalang kami."mahinang sagot ni Ross.

Halata sa boses niya ang pagkabigo. Bigla kong naisip na subukan ulit na maghanap pero natatakot ako. Para bang may pumipigil sa akin.

"Melbert, may problema ba?" Tanong ni Janille sa akin

"Ha-a? Wala"

"Alam kong may problema ka, ano pang silbi ng pagigjng girlfriend mo kung di mutual ang feelings natin. Tas halata sa mukha mong may problema ka." Napatawa nalang ako sa sinabi niya. Gusto kong sabihin sa kaniya iyon pero tuwing bubuksan ko ang bibig ko kusang tumitiklop ang dila ko. Nakatingin lang siya sa akin na para bang ewan. Naghihintay na sabihin ko iyon. Kaya para hindi na niya ako kulitin pa.

"Janille, natatae ako."

Ang DyipTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon